Kabanata 18
"Hera, magsalita ka naman."
Hawak ni Ricci ang kaliwang kamay ko habang ang kabilang kamay niya naman ay nasa manibela. Kandong ko si Hale at nakatingin lang ako sa bintana.
Hindi malaman ni Ricci kung sa akin ba siya titingin o sa kalsada.
Mula sumakay ako dito, hindi na ako nagsasalita. Si hale naman, mukhang alam na nag-aaway kami dahil nakanguso siya at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Ricci.
"Love, ang tahimik mo." Parang nanlalambot ang tuhod ko dahil sa pagtawag niya sa akin. "Please magsalita ka."
Matapang ko siyang hinarap, "Okay sige, bakit di mo sinabi sa akin ang tungkol kay Bea?"
Nag-igting ang panga niya at bumaling sa daan. Diba? Walang silbi kung magsasalita ako dahil hindi niya naman sasagutin ang mga tanong ko.
"Sige, ibang tanong nalang. Nagkita pala kayo sa UK?"
Bumuntong hininga ako nang napagtantong hindi siya ulit sumagot. Hindi prente ang tingin niya sa kalsada at para siyang kinakabahan.
"Isang tanong lang ang masagot mo, Ricci, kahit isa lang. Bakit mo naiwan ang wedding ring natin sa kaniya?"
Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakahawak sa kamay ko at ihinawak din iyon sa manibela. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
Ang hindi ko maintindihan sa kaniya, bakit hindi niya masagot yung simple kong tanong. Dahil sa ginagawa niya lalo lang akong naco-convince na guilty sya.
Sa bagay, bakit naman niya maiiwan ang wedding ring niya sa sink kung wala nga siyang ginawang kalokohan?
"Oh bakit di ka makasagot?" Tanong ko sa kaniya.
"Mamaya nalang tayo mag-usap." Matigas niyang sagot sa akin.
Anong nangyayari? Di ko maintindihan.
Sobrang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Siguro nga totoo, merong sila. At napipilitan na lang siya dahil may anak kami.
Pinili niya ako, which means Bea was actually one of his choices. He could've chose her too. Nakakaloko.
Oo alam ko, maling nakipagkita ako kay Ken. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali. Kaibigan lang, iyon lang ang tingin ko sa kaniya. Probably, nakaalis na siya.
Napapaisip na lang ako, ginagantihan niya ba ako sa ginawa ko dati? Yung kay Brent? Alam ko naman na may nagawa akong mali dati, pero sobra naman ata yung come back nya. Hindi pa ba sapat yung pananakit niya sa akin at mambababae pa siya?
Tangina naman, ano bang kulang sa akin? Panget ba ako?
Di hamak naman na mas maganda ako kesa sa ex niya na babae niya na mukhang ipapalit niya pa sa akin.
"Ricci alam mo," I trailed off, "Nalilito na ako."
Deretso lang ang tingin ko sa kalsada pero nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin. He breathed out.
"Akala ko, no more lies, no secrets." Napapikit ako. I know it would be ironic for me to say this dahil nakipagkita ako sa lalaki behind his back. Pero please, sinong mas mali sa aming dalawa?
"Please, Hera, mamaya nalang tayo mag-usap." Pagsusumamo niya.
"Ang dami mo nang hindi sinasabi." Nagiwas ako ng tingin, ganoon din siya.
Naramdaman kong sumubsob si Hale sa dibdib ko. Ipinikit niya ang mga mata niya.
"... Ricci, I thought I could trust you again. Pero.."
BINABASA MO ANG
Wicked Games (Ricci Rivero)
أدب الهواةON-HIATUS A SEQUEL OF FIND YOU Hera Rennei Ayo-Rivero loved Ricci all too much. He found her when she lost herself. He became the main reason of her every smile and laughter even if he's also the reason why she's in pain. At sa sobrang pagmamahal n...