Kabanata 24

2.4K 89 35
                                    

Kabanata 24

"Which one looks better, this one? Or this one?" Inangat ni Ricci ang dalawang relos na mamahalin sa harap ko. Nang-angat ang kilay niya at ngumiti ng malapad.

Hindi ko siya nilingon, sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagmamasid ko sa mga kwintas na may mga diamond pendant.

"Patingin naman ako nito, miss." Tinuro ko sa babae ang isang kwintas. Nilapitan niya ako at inilabas iyon sa estante.

"Hera?" Tawag niya ulit sa akin. Di pa din niya ibinababa ang mga relos.

"Yung pangatlo."

Bumagsak ang balikat niya at sinamaan ako ng tingin, "Dalawa lang to."

"Whatever."

Bumuga siya ng hangin at umalis sa gilid ko. Bumalik siya sa may counter at nagsalita.

"I'll take both."

"Okay sir." Sabi ng babae sa counter.

"How much?"

"Forty five thousand five hundred sixty, sir. Cash or card?"

"Cash."

Ibinaling ko ang atensyon ko sa kwintas na inilapag ng babae sa harap ko. Maganda iyon at silver. Simple lang pero mukhang mamahalin dahil sa pendant nito. Diamond iyon.

Dumukot si Ricci mula sa kaniyang bulsa at inilabas ang wallet niya. Kumuha siya doon ng pera, binilang niya iyon at inabot sa babae.

Lumapit siya sa akin habang ibina-box pa ng babae ang mga nabili niyang gold na wristwatch. Hindi ko siya pinansin.

"Do you like that?" Inginuso niya ang kwintas na hawak ko.

Umirap ako at ibinaba sa estante ang kwintas, "Thank you miss."

"Hindi nyo po kukunin, ma'am?"

"Hindi na. Salamat." I smiled. Nilingon ko si Ricci at kunwari akong sumulyap sa relo ko, "Ano? Matagal ka pa?"

Bumalik siya sa counter at kinausap ang babae. Nagsimula na akong mairita nang mapagtanto ko na nagpapa-cute ang babaeng iyon sa kaniya.

Nakahalukipkip akong lumabas mula sa lugar na iyon. Kanina pa ako naiirita kay Ricci at sa presensya nya.

Makalipas ang fifteen minutes ay lumabas siya. Napanghal ako sa kakahintay sa labas. Maya't maya ang tingin ko sa relo ko. Lalo akong nainis.

"Let's go." Umakbay siya sa akin at hinapit ako palapit sa kaniya.

Pilit akong yumuko at tinabig ang braso niyang aakbayan sana ako. Nagmadali ako sa paglakad.

"Uy, kahapon ka pa ah. Ano na naman ba?" Binilisan niya din ang paglakad para pantayan ako.

"Nasan na sila kuya?" Malamig kong tanong sa kaniya.

Inilabas niya ang phone niya at nakita kong nag-dial siya doon.

"Hello? Nanjan pa ba kayo?" Tanong niya. "Papunta na kami." Nilingon niya ako. "Ano kamo?" Bahagya siyang tumawa, "Hayaan mo na. Papunta na kami.. Sige.. Bye."

Binaba niya ang cellphone, "Nasa kidzoona pa din sila."

Hindi ako sumagot. Tuloy lang ako sa paglalakad.

"Uy, di mo sinagot tanong ko." He said. "Galit ka ba? Pansinin mo naman ako babe."

Gulat akong napatingin sa kaniya, nagulat din siya. "Babe? Sinong babe? May babae ka no? Nagkakamali ka pa ng tawag sa akin?"

"Hera, ano bang sinasabi mo?"

"See? Guilty ka!" Malakas na ang boses namin. Nagsisigawan kami habang naglalakad at pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Wicked Games (Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon