Jovein POV
Wuuuu! Second semestraaaaal naaaa! Layo ba ng break namin. Haaays. Ilang minuto nalang, dismiss na ang klase, hudyat na, uwian na.
Naglalakad ako pauwi, bakit sobrang pagod ako ngayon? Inaantok nako, buti naman ilang hakbang nalang nasa bahay nako, sa di kalayuan nakita ko si Mamang naglalakad at may dala-dalang malaking box parang nandun lahat ng mga lumang bagay sa bahay.
"Mano po Mama."
"Kaawaan ka ng Diyos."
"Ma? Ano yung mga laman niyan?" Ngumuso ako at nalaman niya ang sinisiil ko.
"Ahh. Heto ba? Ngayon lang kasi ako nakapag-general cleaning ng bahay, nga pala anak, may mga gamit diyan silipin mo kung may naligaw kang gamit." Sabay bigay saakin ng kahon.
"Osige po."
Binuksan ko ang kahon, puro laruan lang naman ang nakikita ko, laruan ko noong bata pa ako. Naghalungkap pa ako, nabobore nako. Tch. But something caught my attention, para siyang notebook na sing kapal ng libro.
Kinuha ko ito mula sa pagkaipit.
"My Diary and Journal (also)" Mahina kong pagkasabi.
Agad kong inayos ang mga laruan at kung ano ano pa, dali dali akong pumasok sa bahay para itanong kay Mama, kung sakanya to.
"Ma? Sainyo po 'to?"
"Huh? Nak? Hanggang 4th year high school lang ang natapos ko kaya hindi ko naranasang magkaroon ng project and i-add mo pa yung nakasulat na "my diary" its something privacy." Pagkasabi ni Mama, isang kunot ang naibigay ko sakanya.
"Bakit? Kukunin mo ba?" Tanong niya habang busy-ing busy sa paghahalo ng gatas sa harina.
"Opo."
"Osiya sige."
Agad agad akong pumasok sa kwarto para makapag-bihis na, naghilamos ako at nagpajama.
Pumunta muli ako sa kama para ibalin ang aking attensyon sa diary.
Binuklat ko ito at nagsimulang basahin ang nilalaman noon.
"Dear Diary,
Masayang masaya ako kasi naka-A+ ako sa test..."Wait.. Naka-A+ din ako ngayong araw..Then, we're the same emotion right now.
Napasinghap ako, at linipat ulit ang pahina. Para mabasa ko ang kasunod.
"Dear Diary,
Naiinis ako, nabully nanaman ako nila Krizel, ang hina ko kasi. Sht. Dapat pala hindi nako sa corridor dumaan.."Soooo...nabubully pala siya?
"...but a guy save me from those frogs, yung masculine niyang abs. Hehehe! Bakat e."
Luuuuh. Pervert pala yung otor ng notebook na to. Hahahaha!
"Kaso ang sungit niya.. Nagpa-thank you lang naman ako, tas sabi ba naman niya.."i dont need your obliged." Sungit niya noooo?
So, okay lang naman. Goodnight!"Bubuklatin ko pa saa para ma basa ang isa pang pahina ng tawagin nako ng aking ina para kumin na.
"Babyy!!! Baba na! Kakain na tayo!" Sigaw ni mama mula ibaba ng bahay.
Dali dali akong bumaba mula sa kwarto ko. Kumain kaming dalawa ni Mama. Yes, broken family kami. Pero hindi pinadanas sakin ng mama ang pagka-ulila ng tatay ko. Ayoko ng pag-usapan. Naiinis lang ako.
Umakyat ako ng kwarto para matulog na. Naguguluhan nanaman ako, dahil na din siguro sa sobrang ang dami kong inaalala, ay agad akong dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
Sleeping Script
Teen FictionAll right reserved 2017 ..Paano kung ang lahat ng mga naranasan mo sa buhay ay isang kakatwang mga pangyayari lamang at ito'y nakatala sa isang kuwaderno? Paano kung may naunang maging IKAW bago ikaw.