Guys medyo nitatamad na ako mag UPDATE....
Charot lang hehehe..
Ako tatamarin eh mahal ko nga ang magsulat eh.
Guys may bago akong book entitled The Royal PUNISHMENT, and yung isa kong account na TinkerDielle na gumawa ng book 2 ng The Magical World. Hope you like those hehehe. Para sa inyo yun, love ko kasi kayo eh hahaha mema lang eh. Sige na mag a Update na ako.
Enjoy :)
Eron's POV
"Prince Eron si Princess Demi." napalingon ako sa may pintuan ng classroom. Nakatayo doon ang isang estudyanteng lalaki na hingal na hingal. Agad akong lumabas ng classroom at sumama sa kanya.
Naiwan sa classroom ang iba kong kaklase, hindi ko na sila pinasama pa.
Pumasok ang lalaking kasama ko sa isang room kaya pumasok na rin ako, sa pagpasok ko isang kakaibang aura ang aking naramdaman. Medyo madilim sa loob pero kahit papaano may kaunti namang liwanag, hindi ko naman pepwedeng buksan ang ilaw dahil wala naman ditong ilaw na nakalagay kahit isa kahit bintana wala, dahil nasa loob kasi kami ng dark room isa sa mga room dito sa Phantasia na kinatatakutan pasukin ng mga estudyante.
Ginawa ang dark room upang itest ang lakas ng loob ng bawat isa, pero para sa akin hindi ito nakakatakot. Once na matakot ka kakainin ka na nito hanggang sa mapahamak ka.
That's why everytime I enter in this room I always think that I can do anything without fear.
Ang lugar na ito ay may lawak na dalawang court ng basketball.
"Are you sure na nandito si Demi?" tanong ko sa lalaki, tumango tango lamang siya.
"Helpp...." malakas na sigaw ang aming narinig mula sa bandang loob. Agad na tumakbo ang estudyante kong kasama kaya tumakbo na rin ako upang sundan siya. Napatigil siya sa pagtakbo, lumapit ako sa kanya upang alamin kung nasaan na ba kami.
"Huwag kang gagalaw!" kinakabahan na sabi ng lalaki.
"Anu ba ang meron?" naiinis kong tanong sa lalaki.
Lalakad na sana ako ng..
"Huwag kang hahakbang!" malakas niyang sigaw kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Huwag mong tatapakan ang lahat ng tiles na may kulay itim." napalunok pa siya ng sabihin niya ang mga iyon.
Napatingin ako sa mga tiles na natatapakan namin. Halos lahat iyon itim pero bakit walang nangyayari.
"May iba pa tayong kasama." napasama ang tingin ko sa lalaking iyon, di na kasi nakakatuwa ang mga sinasabi niya. Tila may hindi maganda dito sa loob.
"Hayon, doon tayo dumaan." sabay turo sa mas madilim na direksyon. Lumakad na kami pero bigla akong napahawak sa pader dahilan para mapalabas ko ang apoy sa aking mga kamay. Biglang lumiwanag ang paligid ng magpalabas ako na tila torch sa aking kamay, minsan ko lang kasi ginagawa ang ganito kaya di ako masyadong sanay.
"Hindi natin kailangan yan." pabulong niya sa akin sabay pinatay niya ang apoy na nasa kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumuso lamang siya na tila may itinuturo sa aking likuran. Dahan dahan akong humarap
"No...
Di ko na naituloy ang sasabihin ng biglang takpan nung lalaki ang bibig ko. Nagpupumiglas ako pero di niya pa rin ako binibitawan. Nababakla na yata itong kumag na ito, yakapin ba naman ako.
Hinila niya ako na taklob taklob ang aking bibig, maya maya pa ay nasa isang maliwanag na lugar na kami. Pagkatanggal na pagkatanggal ng kamay niya sa bibig ko ay agad ko siyang sinuntok.
"Tama na." sigaw sa akin ng lalaki.
"Bakit mo tinakluban ang bibig ko?" nanggagalaiti kong tanong.
"Tss brat." pabulong niyang sabi kaya muli ko siyang sinuntok.
BINABASA MO ANG
PRINCESS POWER
FantasíaMagicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities, powers, charm and etc. You are not belong to this planet if you do not have at least one of the above. She is Rhychious (Rayshoes) Mhielle...
