Chapter 20: Cousin
.
.
.
.
.
Lhex's POV
Katatapos lang ng meeting namin with the royals and finally kasama na namin si Prince Eron, pero nagtataka ako sino ang bantay ng Prinsesa?
"Huwag mo ngang pakaisipin si Demi, Lhex chilax okay lang siya at mamaya for sure gising na yun." Tiningnan ko lang si Lhux ng sabihin niya iyon sa akin. Napatingin naman sa akin bigla si Lliyah, tila nagdududa na siya tungkol kay Demi.
"Uhmm Jhielou pwedeng umalis na muna ako."
"Ako din, may gagawin lang ako. Pwede ba?"
"Teka Ice ikaw ang nahuli kanina tapos ikaw ng mauunang umalis. Ikaw naman Lhex saan ka naman pupunta?"
"May pag uusapan lang kami ni Lhex, kaya maaari na kaming umalis." Malamig na boses ni Eron, sabay akbay sa akin. Lumingon ako kina Ice at Lhux habang nakatingin pa rin sa akin si Lliyah. Nang makalabas bigla akong binitawan ni Eron.
"Mag ingat ingat ka nga, alam mo naman na may kasamahan tayo na kayang pakinggan ang iniisip mo. Lalo na kay Lliyah, oo siya na lang ang hindi nakakaalam ng tungkol kay Demi, pero sana naman...
"Anung hindi ko alam kay Demi?"
Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran ni Eron, pagtingin ko si Lliyah iyon na nakacross arm pa at halatang medyo galit dahil sa pagtatago namin tungkol kay Demi.
"Puntahan mo na siya, bilis." Bulong sa akin ni Eron, kaya agad akong umalis pero napansin kong nakatingin ng masama sa akin si Lliyah. Hindi ko na lamang pinakaisipan pa iyon dahil pupuntahan ko pa si Demi.
.
.
.
.
.
.
Demi's POV
Kahit iyon na ang iregalo mo sa akin Ystaice tatanggapin ko basta ipangako mong huwag mong ipagsasabi ang tungkol sa nakita mo at nabasa mula sa bibig ko noong araw na iyon.
"Oh bakit bigla kang tumahimik?" Napalingon ako kay Ystaice ng magtanong siya.
"Ah may may iniisip lang." Sagot ko naman sa kanya kahit na hindi iyon totoo.
Bakit ba kasi ganito ang buhay ko? Sa dinami dami ng gusto ko iyon pa ang wala ako. Kung kaya ko lang kausapin ang aking mga magulang tungkol sa sitwasyon ko matagal ko ng nagawa. Pero hindi, dahil inuunahan ako ng kaba na malaman ang totoo sa pagkatao ko.
"Uy Demi, kanina pa kita kinakausap. Anu ba kasi ang iniisip mo?" Muli akong napatingin kay Ystaice ng kulibitin niya ako sa balikat.
"Deaf ka na ba para hindi marinig ang mga tanong ko para sagutin mo?" Tiningnan ko lang ang balikat ko matapos niya ulit itong kulbitin, para akong sunga na nakatingin sa bawat galaw ng kaibigan ko. Wala ako sa sarili para magsalita pero nakakapagtaka lamang dahil tila wala akong ibang maisip ngayon kundi ang tungkol sa nangyari noong mga nakaraang araw.
Parang may gustong sumagi sa isip ko na ayaw munang tanggapin ng isip ko sa ngayon. Mahalaga siya, pero hindi ko siya pinapahalagan kahit sa isang bagay lamang dahil sa sobrang inggit ko sa kanya. Kasi siya may special sa akin wala, pero sana okay lang siya. Ayaw ko munang maririnig o mababanggit ang pangalan niya lalo na sa ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sana bago ang kaarawan ko magkita muna kami, pero mangyayari din iyon.
"Demiiiiiiiiii!" Napakunot ang noo ko ng marinig ang nakakarinding boses ni Ystaice matapos niyang isigaw ang pangalan ko.
"Hindi mo ba talaga ako naririnig? Hello Demi, naririnig mo ba talaga ako? Kasi tuyo na ang laway ko kakasalita dito tapos wala man lang nakikinig sa akin."
"Anu ba kasi iyon?"
"Ang sabi ko gising na si Gella, pwede na natin siyang bisitahin. Paulit ulit ko na kayang sinabi sayo, nakalima na nga. Anu narinig mo ba ako?" Napatulala ako ng marinig ang pangalang pinakaiiwasan kong banggitin o marinig. Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente at kasalanan ko din kung bakit hindi siya nakapasok ng ilang araw, hindi ko na inaasahan pang papatawarin niya ako pero inaasahan kong kakausapin niya pa rin ako bilang amo niya.
"Mas mabuti pang hindi ko muna siya bisitahin. Matapos ang nangyari sa kanya dahil sa mali ko napahamak siya."
"Naiintindihan kita Demi, pero alam kong magiging maayos din ang sitwasyon niyo."
Napayuko ako matapos tapik tapikin ni Ystaice ang balikat ko.
.
.
.
.
.
Gella's POV
Sa ilang taon ni Ellie dito sa Academy alam kong marami na siyang alam, hindi man sinabi sa akin ng Prinsesa ang tungkol sa dark room masaya pa rin ako dahil itinuturing niya akong isa sa kaibigan niya kahit na personal maid niya ako. Kaya hindi ko sasayangin ang lahat ng itinulong ng Morgan Family sa pamilya namin. Maaga man akong nawalan ng ama alam kong may dahilan kung bakit? At dahil nandiyan ang Morgan Family hindi ko na kailangan pang magpakahirap mag aaply bilang maids ng isa sa mga Royal Family.
Kahit na minsan napakataray niya, mahal ko pa rin ang Prinsesa bilang kaibigan dahil mula ng tumuntong siya sa edad na 12 nakasama ko na siya sa kaharian. Pero hanggang ngayon walang pagbabago sa kanya hindi katulad ng ibang royalty na kaya ng pagalawin o palutangin ang ibang bagay, hindi naman sa iniisip ko na walang kapangyarihan ang Prinsesa ang akin lang palagi kasing may hindi magandang nangyayari sa bawat taon ng kaarawan niya specially when it comes to a special event like 7 years, 11 years and the most important 18 years old. Kung kailan sa isang araw na iyon magaganap.
.
.
.
.
.
.
.
Lliyah's POV
"Anu ba kasi talaga ang hindi ko alam kay Demi? Teka napahamak ba siya? Nasaan ba kasi siya? Kailan niyo ba kailangang itago sa akin ito? Eron part ako ng Academy na ito, hindi ako bagay na hindi nakakaramdam sa bawat nangyayari. I'm the Princess of Elfae Kingdom and I have the right to know everything!"
"I know you have the right Lliyah." Malamig na boses na sabi ni Eron.
"Oh bakit hindi ninyo sinasabi sa akin ang nangyari kay Demi!"
"You don't need to shout Lliyah, knowing everything here in Academy has a limitation." Mas lalo akong naiinis tuwing naririnig ko ang malamig at walang emosyon niyang boses.
"Then!"
"Okay for now I will tell you everything about Demi but before that will you please calm down yourself."
"Paano ako makacalm down kung buhay ng isa sa kamag anak ko ang nasa kapahamakan!"
Hindi ako makapaniwala na pagtataguan nila ako ng sekreto tungkol sa nakakabata kong pinsan na si Demi. Oo magpinsan kami pero hindi kami masyadong close dahil malayo ang edad ko sa edad niya, pero sana naman sinabihan nila ako sa nangyayari dito sa Academy noong wala kami ni Maige.
"Nahimatay siya matapos ang 2nd week ng training, si Ystaice ang nakaharap niya. Okay na ba iyon?" Hindi pa rin malinaw sa akin ang sinabi ni Eron, feeling ko talaga hindi lang iyon, marami pa siyang dapat sabihin pero ayaw lamang niya ibulgar ang lahat.
Sana okay ka lang Demi, siguradong ako ang mapag iinitan ng mahal na Reyna once na makarating ito sa kanya. Hindi sa nag aalala ako na pag iinitan ako kundi nag aalala ako sa kung anung mangyaring masama sa kanya lalo na at hindi pa lumalabas ang powers niya o kahit anong sign na isa siya sa pinakamalakas na royalty.
BINABASA MO ANG
PRINCESS POWER
FantasíaMagicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities, powers, charm and etc. You are not belong to this planet if you do not have at least one of the above. She is Rhychious (Rayshoes) Mhielle...
