Chapter 33: Just One Week
.
.
.
.
.
.
Viana's POV
Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Therrie, hindi ko na siya sinumbatan pa dahil for sure na mahihiya siya. Sa lahat ng apprentice dito sa Phantasia siya ang unang nakakaalam ng mga hinain ko, pero paano niya nagawang magtago ng lihim sa akin. Sa lahat ng estudyante dito sa Phantasia, siya ang laging kasumbatan ni Demi pero siya rin pala ang tutulong sa Prinsesa na makalayo muna sa kapahamakang maaaring mangyari.
"I'm very sorry HM it's all my fault, I'm the reason why everyone was so busy and worried about the condition of Princess." Unang beses kong nakita ang luhang matagal ko ng hinahanap sa batang ito magmula ng tumungtong siya dito sa Phantasia. Luhang nagpapakita ng pagsisisi sa mga nagawa niyang kasalanan.
Lumapit ako kay Therrie at niyakap siya, ramdam ko ang paghingi niya ng sorry. Pero parang tila mayroon pa siyang ibang pakay sa pagsasabi sa akin kung nasaan si Demi.
"You can tell everything to me Therrie, I'm willing to understand and listen of what there in your side heart." Sabay turo sa dibdib niya, napapunas siya ng luha ng gawin ko iyon.
"Mas makakaluwag ng pakiramdam ang pagsasabi, kaya kung mayroon ka pang gustong sabihin nandito ako."
Lumayo siya sa akin at pumili ng isang libro sa shelves, isang maliit na libro na kulay maroon ang iniabot niya sa akin.
"Anung gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot.
"Pwede po bang puntahan muna natin ang Prinsesa, bago ko sabihin ang iba pang nalalaman ko?"
"Mas mabuti po kung tayong dalawa lamang ang pumunta."
Parang may hindi maganda sa mga sinasabi ni Therrie.
"Huwag niyo pong isipin na may balak akong masama, gusto ko lang na makabalik na ang Prinsesa."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lhex's POV
Magtatalong oras na pero wala pa rin sina Gella at Ellie, gayundin sina Ice, Maige at Ystaice.
"Mas mabuti pa kung mauna na tayo sa Academy." Suggest ni Allina, halatang excited siya na sabihin kay HM ang nakuha naming impormasyon. Kaya pumayag na akong umuwi na lang kami.
.
.
.
.
.
.
Gella's POV
Hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan pa rin kami ng gubat na pinasok namin ni Ellie, part pa rin ito ng Gicum Town pero kahit part pa rin ito ng Gicum feeling ko ibang lugar na ang tinatahak namin.
Ang kaninang papalubog na araw ay napalitan na ng buwan na nasa half quarter. Medyo malapit sa amin ang buwan pero tanging ang hawak kong flash light lang ang nagbibigay liwanag sa nilalakaran naming dalawa.
"Don't make any noise." Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan ni Ellie ang kamay ko sabay patay sa flashlight na hawak ko.
Wala akong makita sa mga sandaling iyon, tanging paghinga ko lamang at ang pagkabog ng aking dibdib ang aking naririnig. Binitawan ni Ellie ang kamay ko kaya nangatal bigla ang aking tuhod at mas lalo pang kinabahan sa mga sandaling iyon.
"Ellie." Pabulong kong sambit, pero walang tumutugon sa akin.
"Ellie." Ulit kong tawag sa pangalan niya. Biglang may humawak sa balikat ko kaya napataklob agad ako ng bigbig at pilit pinipigilan ang ingay ng aking boses.
BINABASA MO ANG
PRINCESS POWER
FantasyMagicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities, powers, charm and etc. You are not belong to this planet if you do not have at least one of the above. She is Rhychious (Rayshoes) Mhielle...
