Chapter 30: Hypnotize
.
.
.
.
.Ystaice's POV
Napatigil kami ni Lhux sa pagtakbo ng maramdaman ang pagyanig.
"Ellie!" Sigaw ko sa papalayong si Ellie, nasa loob na kami ng gubat pero ko pa rin alam kung bakit nagmamadali ng husto si Ellie sa pagpunta dito.
"Ystaice, bakit kayo nandito?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin, sina Maige, Lhex at Haydes."Lhex si Ellie." Naiiyak kong sambit, hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako ng banggitin ang pangalan ni Ellie.
"Maige at Lhux samahan niyo si Ystaice, Haydes ikaw ang sumama sa akin. Diyan lang kayo sa bukana ng gate nitong gubat.
Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang nakatingin sa papalayong sina Lhex at Haydes, habang yakap yakap naman ako ni Maige.
.
.
.
.
.
.
.Ellie's POV
Sure akong may nangyayari dito. Sa pagyanig ng mga lupa mula kanina hanggang ngayon ay sign na agad na may hindi magandang mangyayari.
Nang marating ko ang pinakacenter ng gubat, napansin ko ang pulang ilaw na tila may binubuo ng kung ano. Lumapit ako ng kaunti para makita ng malapitan pero biglang may humila sa akin.
"Baliw ka na ba?" Napasama ang tingin ko sa humila sa akin ng makita ko ang mukha niya.
"Bitawan mo ako!" Tinulak ko siya ng malakas dahil nasasakal ako sa paghila niya sa damit ko.
"Nagpapakamatay ka ba? Kita mo na ngang delikado sige ka pa rin ng sige!"
"Wala ka ng pakialam sa buhay ko, pwede ba hayaan niyo ako!" Ibinalik ko ang atensyon sa ilaw na iyon at sa pangalawang pagkakataon sinubukan ko ulit na lumapit.
"Ellie! Fine kung gusto mong mamatay wala na akong pakialam! Pero tandaan mo kung bakit ka nagkakaganyan ngayon!" Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin iyon ni Lhex, kasama niya si Haydes na tila hapong hapo sa pagtakbo.
"Bakit niyo ba ako pinipigilan? Gumagawa na nga ako ng paraan para masolusyunan ang mga problema dito sa Academy, tapos gusto niyo pa akong pigilan!"
"Hindi naman sa pinipigilan ka namin! Please lang Ellie kahit ngayon lang makinig ka muna sa amin, please nagsasabi ako ng totoo. Delikado ang lumapit diyan."
"Bakit alam mo ba kung anu ang bagay na ito?"
"Hindi, pero may nabasa lang ako sa tungkol diyan. Pero hindi ako sure kung iyan nga iyon." Nilingon ko ang ilaw na iyon na malapit ng mabuo. Imbes na makinig sa mga sinabi ni Lhex ay tila mas naging interesado akong lapitan at hawakan ang bagay na iyon.
"Ellie!"
.
.
.
.
.
.Ice's POV
Napalingon ako sa kabilang panig ng gubat. May nagsisigawan doon kaya napatayo ako sa kinauupuan namin nina Gella at Gene na hinihintay na mabuo ang bagay sa gitna ng gubat. Humakbang ako ng ilan ng makita si Lhex at Haydes na nakatingin sa direksyon ng pulang ilaw. Tumingin din ako sa kinatitigan nila, laking gulat ko ng makita si Ellie na sinusubukang lumapit sa nasabing ilaw, nakaabang ang kamay niya para hawakan ang ilaw na iyon.
BINABASA MO ANG
PRINCESS POWER
FantasyMagicae Orbis is one of the most powerful planet in Curax Universe, every individual have their own abilities, powers, charm and etc. You are not belong to this planet if you do not have at least one of the above. She is Rhychious (Rayshoes) Mhielle...