Chapter 2

24 1 0
                                    

CHAPTER 2

Sa loob ng bus...

Napagkaisahan ng buong klase namin na  mag-laro ng 'concentration'. Yung laro na sasabihin mo muna kung ano yung name or number mo tapos kasunod nun yung name or number ng kahit sino na kasali sa laro basta nasa rhythm. Basta! kung di niyo naiintindihan magtanong nalang kayo sa nakakaalam okay? Pasensya na sa epal na author...

Buong klase ay kumakanta...

"Concentration makes the rhythm, Concentration now begin! 

"Yma-Frances" sabi ni Yma.

"Frances-Yma" sabi naman ni Frances.

"Yma-Frances" sabi na naman ni Yma.

"Frances-Yma" sabi na naman ni Frances. Tapos binalik ulit ni Yma kay Frances.

"Hoy! kayo lang players? kayo lang!? kayo lang?!" sabi ni Dan.

"oo nga! oo nga!" sabi ng buong klase.

"Waaaaaa!!! Kuyugin na yan!!!!!" napagkaisahan kasi namin na kung may magkakamali o eepal ay kukuyugin (Im not exaggerating... kuyog talaga). Yung tipong paghahampasin ka o kaya naman eh sasabunutan ka, pero di naman gaanong masakit... Almost 50 kami ngayon sa loob ng bus kaya malas mo kung magkamali ka at ikaw ang makuyog... Lahat kami nagpaparticipate kaya isipin mo nalang kung gaano kami kaingay at kagulo ngayon sa bus. Iniisip ko tuloy kung nababadtrip ba yung driver... hehe 

Kawawang Yma at Francis.. hay. Epal kasi tong dalawang to eh kanina pa! ayan tuloy... Actually, matagal na akong may napapansin sa dalawang to. Lahat naman kami close sa isa't isa pero sila lagi yung magkasama... Minsan nag-aaway minsan magkabati, parang aso't pusa lang ehh... Pero may iba talaga akong nasesense sa kanila... hmmm... 

*evil smile*

Mga bandang 12 noon, nag stop over muna yung bus namin pati na rin yung iba pang mga bus na kasabay namin... Kumain kami ng tanghalian at yinaya ko si Errise na bumaba muna kasi bibili ako ng pagkain.

"Fern!" sabay hila sa laylayan ng damit ko.

"Ano?!?!" irita kong sabi... paano ba naman kasi... makahila ng damit wagas....

"May fresh dun oh!" tapos tinuro niya yung lalaking nakaupo mag isa dun sa may table malapit sa pinagbibilhan namin. Ibig sabihin nga pala ng fresh ay 'cute' o 'gwapo'.

(epal na author: pasensya na po sa mga weird na terminologies...) (=_=)

Tumingin naman ako... nahahawa ako ng kalandian sa mga to eh! Gwapo nga pero wa-pakels lang ako.

"Edi lapitan mo!!!" sabi ko in a sarcastic way.

"Ayoko nga! ano ako baliw?!" sabay turo sa sarili niya.

"Oo, baliw ka!" pang-aasar ko sa kanya. Ganun lang talaga kami magmahalan, normal lang iyon samin.

Umupo muna kami sa isa sa mga tables dun habang kumakain ako ng burger at habang nagfre-fresh hunting si Errise.... kalande talaga nitong babaeng to...

*tooooot*

* 1 message received *

FROM: echuserong Dan

> Mga bruha! asan na kayo! Kayo nalang hinhintay dito sa loob ng bus! V.I.P? V.I.P? <

"Uy! halika na!" sabay hila ko sa kamay ni Errise.

"Tignan mo may kasama pang cute yung fresh kanina oh!!!" tapos tinuro niya ulit yung mga lalaki.

"Oo na! Oo na! tama na yang katuturo mo, mamaya manuno ka pa!" pagkatapos nun, sumakay na kami ng bus.

Mga bandang 3 ng hapon, wala pa kami sa Zambales at napansin kong ang tahimik ng buong klase... Tulog na pala lahat... ako lang hindi, pati si manong driver... Naubos siguro energy nila kanina... At ngayon ay nagre-regain ng powers para mamaya.... makatulog na nga lang din...

Destiny Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon