Chapter 4

60 1 2
                                    

CHAPTER 4

~kinabukasan~

*KRRIIIIIIIIINNGG!!!!!!!! KRIIIIIIIIIING!!!!!!!*

"Waaahh! inaantok pa ako!" sabi ko habang pinapatay ko yung alarm ng cp ko.

"Anong oras na ba?" sabi ni Errise habang kinukuskos yung mata niya.

"Ahhmm.. 5." madaling araw pa lang eh napagkasunduan na naming bumangon para mag almusal at para na rin makapaggala. Pwede ka na kasing maggala pagkagising as long as babalik ka na pag call time na para sa breakfast para sa lahat.

Medyo maramirami na rin yung gising. Napagdesisyunan naman namin na bumili muna ng cup noodles bago maggala.

"Isa nga pong cup noodles, yung chicken flavor po."

"Uy Fern hintayin ka na lang namin dun sa table ha, ang init kasi nitong noodles eh napapaso na ang aking precious skin." sabi sa akin ni Errise habang hinihipan yung noodles na hawak niya.

"Echosera! oh sige na nga, daya naman! Di niyo ako hihintayin."

"Girl huwag ka ng mag-inarte diyan! Sunod ka na lang huh!" sabi sa akinni Dan.

"Oo na... paulet-ulet? choco-choco? market-market?" sabi ko sarcastically tapos umalis na sila para pumunta dun sa table. Maraming bumubili ng hot chocolate atsaka cup noodles kaya naman di ako makasiksik. Tapos karamihan lalaki pa kaya naman di talaga ako makasingit, mamaya mahipuan pa ako eh.

"Pare siya muna paunahin mo, kanina pa siya dito eh." sabi nung lalaking nakakulay black na hood dun sa kasama niyang nakakulay blue na hood. "Miss, kaw muna bumili."

"Ahh.. okay, salamat." sabi ko then nginitian niya ako. Waaahh! shet! ang cute pala niya... ahahaha... Tapos gentleman pa. Teka lang.. ahem! ahem! Huwag masyadong malandi Fern!

Pagkatapos kong bumili, dumiretso naman ako dun sa table namin.

"Oy bruha, ba't ang tagal mong bumili! Tom Jones na Tom Jones na kami oh! (Tom Jones= Gutom)" sabi sa akin ni Aly. Pagtingin ko dun sa table, andun na lahat kaming magkakaibigan. Pati si France na hindi naman mahilig gumising ng maaga eh napilitan. Ang ingay na daw kasi dun sa dorm ng boys kaya naman bumangon na rin siya.

"Uy bakla may ikwekwento ako sayo! May cute kanina dun sa may bilihan ng noodles!" sabi ko habang hinihigop ko yung hot chocolate na binili ko.

"HUUUWWWAAAATTT!?? Bakit di ko nakita? Asan na siya?" sabi niya sa akin habang iniikot niya yung ulo niya ng 360 degrees. Ang ingay ni Dan, kulang na lang eh tumayo siya dun sa table at mag announce dun kung asan yung fresh na nakita ko kanina.

Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad na kami dun sa paligid ng retreat house. Grabe, ang lawak ng lupain dun. Tapos ang ganda pa ng view. Kaso, ibang view pala ang tinitignan ni Dan, yung mga fresh na boys dun, kasama pa sa kalokohan niya si Errise. Isa pa yang babaeng yan, pag untugin ko sila eh.

"Uy! picture tayo dito oh!" yaya naman ni Yma sa amin.

"Grabe di pa ba kayo nagsasawa diyan? Kanina pa kayo picture ng picture eh! Mas lalo ka na Yma! Huwag kang tatapat diyan sa camera ko baka masira!" pang aasar ni Frances kay Yma. Sa kanya kasi yung digital camera na ginagamit namin.

"Hoy ang kapal mo! Ang sabihin mo, photogenic lang kasi ako kaya naman naiinggit ka sa akin!"

"Photogenic!? Ashu... pwe!"

"Mukha mo pwe!"

"Hoy! kayong dalawa hanggang dito ba naman! Baka mamaya magkadevelopan kayo huh!" tukso ni Errise sa kanila.

"Tigilan niyo yan kung ayaw niyong magkaroon ng bukol diyan sa noo niyo! Kakapagod mag pose dito oh! Gora! Picture na! sabi ni Dan sa kanila habang nakaakbay dun sa estatwa.

Pagkatapos magpicturan, bumalik na kami dun sa dining hall kasi 7:00 a.m. na at breakfast time na.

"Yes! Kakain na! Gutom na ako!" sabi ko habang papunta na dun sa table. Magkahiwalay ang table ng boys sa girls kaya naman di namin kasabay sina France at Dan.

"Che! lagi ka namang gutom eh!" sabi sa akin ni Yma.

"Hehe... oo nga pala, asan nga pala si Errise? Di ba kanina kasama natin siya?

"Andun oh..." then tinuro sa akin ni Aly kung asaan si Errise. "Ginawa siyang serbidora. Initusan ni Ms. Roberta."

"Ahh... " si Ms. Roberta yung terror teacher sa school namin. Kaya naman wala ka talagang palag pag siya ang nag-utos sa iyo.

Nung tapos na kumain ang lahat. Pinabalik ulit kami sa auditorium. Malamang sigawan ulit kasi si kuya Jerry yung sumalubong sa amin.

"Goodmorning Campers!!! then umingay na naman sa loob ng hall. "Sino sa inyo ang nakatulog kagabi?! Nagtaasan ng kamay yung iba at sumigaw.

"Eh sino naman yung di na natulog?!" this time, mas maraming nagtaas ng kamay, tapos mas maingay.

"Sino ang nabusog sa breakfast?" halos lahat nagtaas ng kamay kasi naman sino ba namang di mabubusog sa hinanda nilang breakfast, di nga namin naubos nila Yma yung nasa tray kasi sobrang busog na talaga kami.

"Sino pang gustong kumain??!!" nagtaasan naman ng kamay at nag-inagy yung mga loko-lokong boys dun sa camp. Kailangan laging nakasigaw? hehe...

"Oh sige maghintay kayo mamayang lunch" then biglang nagtawanan ang lahat. Ang kulit kasi ng facial expression niya eh.. nakakatawa.

Nilinga-linga ko yung ulo nung nagsimula yung 2nd session, nagkaroon ulit ng talk tapos yung banda na tumutogtog. Slamman na naman. Pagkatapos nun, sinabi na sa amin kung saan kami pupunta para sa mga games. Parang 'The Amazing Race' yung tema kaya naman excited na ang lahat. Una naming pupuntahan yung Fourth station kaya takbuhan ang senario. Habang yung ibang teams, dun naman sa assigned station nila.

Hindi ko na alam kung nasaan sila Yma, nagkahiwa-hiwalay na kasi kami. Ang dami kasing tao ehh... Tapos tumatakbo kasi ang lahat pati ako kaya naisipan kong sa 4th station ko na lang sila hahanapin ng biglang---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny Kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon