CHAPTER 3
"Fern... Fern... Fern..." parang may naririnig ako na kung ano...
"Palaka... palaka... ayoko ng palaka... layuan niyo ako!!!"
"HOY FERNALIZA GUITTEREZ!!! GUMISING KA NA! NAPAPALIGIRAN KA NA NAMIN!!!"
* toinks *
"Aray!" bigla pa akong nauntog sa may seat sa harap ko...
"Nandito na tayo!" sabi sa akin ni Errise... siya pala yung naririnig ko kung saan na tumatawag ng pangalan ko. Siya kasi katabi ko eh.
"Ang hirap mong gisingin tulog mantika ka talaga! Punasan mo nga laway mo, nakakahiya ka..wahaha " sabi niya habang pinagtatawanan niya ako. Buti na lang siya lang nakakita, nakakahiya kasi eh pag nalaman pa ng iba naglalaway ako pag natutulog...hehehe
* gross! *
" Ang ganda talaga dito sa Highlands! Whatta paradise!!!" Magandang maganda talaga dito... fresh air, tapos makikita mo pa yung mga bundok sa paligid mo, may malinis na lake tapos maraming puno sa paligid. Kapag nga nandito ka akala mo nasa loob ka lang ng isang magandang painting ehh... nganga talaga ako... Malayong-malayo sa lugar na nakagisnan ko... mausok, masyadong maraming building at matao. talagang malayo sa Manila... Hindi mo nga aakalain na may ganito pa lang lugar sa Pilipinas eh.
Nagmomoment ako with matching closed eyes nang...
* boink *
"Aray! Sino b--?" nabato ako sa ulo ng isang bag... paglingon ko, nakita ko si Yma na hinahabol si Frances at dala-dala yung iba pa nilang gamit. "Hoy... takte! sinong bumato sa akin nung bag!?"
"Fern! si Yma oh!" habang naghahabulan yung dalawa sa malawak na damuhan... Taeng yan! nagawa niyo pang maghabulan dito!
"Hoy tigilan niyo nga yan! Pag umpugin ko kayong dalawa eh!" ayaw pa rin tumigil nung dalawa... wala atang narinig, mga bingi...
"Si Frances kasi ayaw bitbitin yung bag niya eh! Kapal ng mukha sa akin pa ipapabitbit!" hayy... nga naman oh! pag mga isip bata talaga kasama mo...
"Si Yma kaya yun!" sabay hagis ng bag kay Yma.
"Che! Tumigil kayong dalawa! pareho lang kayo!" naman oh... pano ba ako nasali dito sa awayan ng aso't pusa na to.
Nainis ako sa kanila kaya pinagbabato ko rin sa kanilang dalawa yung iba pang mga bag...
"Hetong sa inyo!" Nahawa ata ako ah... hanggang sa pinagalitan kami nung isa sa mga staff dun sa camp kasi pinapapila na eh nagbabatuhan pa rin kami ng mga bag. Pasaway !!!
Bago ka makapasok eh dibdibang pagkapkap muna ang gagawin sa inyo para daw safe sa loob at walang ibang mangyari... Natutuwa ako at maayos yung camp, organized talaga.
Maraming dormitory... hiwalay ang boys sa girls. May kanya-kanya ding team na naka-assign... team winter, summer, spring at fall. Team summer kaming lahat ng mga classmates ko. Tapos malaki din yung dining hall nila... maraming mahahabang lamesa at upuan, yung parang sa Harry Potter... pati yung auditorium malaki din at maganda, maraming upuan at may malalaking tv screens. Halatang pinagkagastusan ang venue... may mga camera din na naka-stand-by.
Dorm # 4 kami nun ng mga kaklase kong mga babae... andun din yung iba pang mga teachers... malaki yung kama at hanggang 3rd floor... kasama ko si Errise sa 1st floor kasi malikot akong matulog.
At 6:00 p.m., pinatawag nun lahat ng campers at pumunta sa auditorium... Umupo na kami sa mga assigned seats namin. Biglang nagpalpitate ng mabilis yung puso ko... hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako kinakabahan... baka siguro sa sobrang excitement kaya ganun...

BINABASA MO ANG
Destiny Kita?!
Teen FictionNaniniwala ba kayong coincidence lang ang lahat ng nangyayari? Destiny kita- ang makulit na si Fern at ang masungit na si Dylan.