Destiny kita?!
by: witch_lanie
(A FICTIONAL STORY year 2012)
(Pawang kathang isip po lamang ng isang walang magawa at echoserang author, courtesy sa mga nabanggit)
CHAPTER 1
=Fern's POV=
* 1 message received *
FROM: Yma bruha
> Oy babae!!! asan ka na! maiiwan na tayo ng bus! bilis!!! <
"Oo na! Eto na nga eh!" hay nako!!! di ko na tuloy alam kung anong gagawin ko! Pinagmamadali kasi ako ng magaling kong bestfriend eh!
* toooot *
Nako, may nagtext na naman!!! Nagmamadali ang tao dito oh! Bahala kayo di ako mag rereply >.<
* 1 message received *
FROM: Yma bruha
> Hoy Fern!!! nasa bus na kami!!! ambagal mo! c Frances 2 <
Anuuu bey!!! ang kulet naman oh! paulit-ulit?!
Epal talaga tong mga to... natataranta na nga ako dito ehh!
Naglalagay na ako ng mga damit at mga pagkain (of course) sa loob ng bag ko... hehe ngayon na kasi kami pupunta sa Highlands para sa retreat namin! woohoo!!!
"Aalis na po ako!" sabi ko kay mama na nagluluto sa kusina.
"Oh, may pera ka ba?"
"Wala po" hehe... alam ko to, ito yung senaryo na bibigyan ako ni mama ng pera.. ;D
at di naman ako nagkamali...
Kinuha ni mama yung wallet niya sa may bulsa niya tapos kumuha siya ng pera.
"Tipirin mo na lang to ha. Ano? kasya na ba yan?"
"Opo" binigyan ako ni mama ng 200 pesos. Yehey!
"Ingat kayo dun ha, God bless"
"Opo"
Madali akong sumakay sa motor ni papa. Magpapahatid na lang ako kasi ayokong mag-commute, walang tricycle tapos traffic pa (kailan ba hindi?).
"Ay! teka lang po!" nakalimutan ko pala yung jacket ko... malamig pa naman daw dun sabi ng iba naming mga classmates na nakapunta na dun dati.
After 5 minutes nakarating na ako ng school... Andaming bus sa labas, mukha tuloy kaming magfi-field trip. Pero hindi kami magfi-field trip, pupunta kami sa Highlands para sa isang youth camp. Masaya daw dun, maganda tapos maraming pagkain... hehe di naman halatang mahilig ako sa pagkain. Pero kung iniisip niyong mataba ako... well, no I'm not. Di ko nga alam kung bakit di ako tumataba samantalang marami naman akong kinakain eh >.<
TO: Yma bruha
> Babae, asan na kau?! Nandito na ko sa gate ng school natin! <
-sent-
* 1 message received *
FROM: Yma bruha
> Nandito na ako sa gate... gate nila Frances... paalis na kami, nagpasundo pa kasi ang loko. Atsaka di daw niya alam kung anu-ano mga dadalhin niya! <
TO: Yma bruha
> Shemay naman oh! kala ko ba nasa bus na kayo?
-sent-
* 1 message received *
FROM: Yma bruha
> Hehe.. joke lang! concern lang kami sayo baka kasi ma-late ka na naman! <
TO: Yma bruha
> Mukha mo! kayo ang magmadali at pinapapila na kami para sumakay ng bus! (siyempre joke lang din yun, bawi-bawi ren! hehe)
-sent-
Pagkatapos nun, di na nagreply ang bruha. Kainis, diyahe, ambigat ng dala kong bag! Aakyat pa ako ng 5th floor sa room namen!!!
Pag-akyat ko, andun na yung mga kaklase ko. Yung iba kong friendships andun na din.
~sa classroom~
"Woah! Fern, aga mo ata ngayon ah! himala to!" sabi ni Errise sa kin nung palapit na ako sa kanila.
"Ikaw din woah! nahiya naman ako sa suot mo! Mag ca-camping lang po tayo ha!" sabi ko kay Errise. Pano naman kasi, nakapamporma pa with matching flowers na neclace ang bruha.
"Oo nga! Sige gumulong kasa putikan ganyan suot mo ha! echoserang froglet na to!" singit naman ni Dan na alam niyo na, kasali po sa pederasyon. "Oh, Fern kaw naman! mukhang dinala mo na mga gamit niyo sa bahay ah!" sabay tawa.
"Oo! dinala ko nga rin pati yung bahay namin eh! nanjan sa labas ng school! Baka gusto niyong makita?" sakay ko naman sa joke ni Dan. Ganyan talaga kaming magkakaibigan, maluluwag ang turnilyo sa utak. " Oh! nanjan na din pala si Aly!"
"Aly! yung kaldero, kawali at rice cooker na pinapadala ko sa iyo, nasan na?" sabi ni Dan kay Aly na nantritrip na naman.
"Nandun na sa Zambales! Pinauna ko na!" okay sa alright talaga tong mga kaibigan ko pagdating sa kalokohan.
"Oh asan na pala yung dalwa? bakit wala pa? mamaya buong baranggay dalhin nung mga yun!" tanong ni Errise na isa pang may saltik sa utak.
"Papunta na daw dito, nagpasundo pa kasi si Frances kay Yma. Di daw kasi alam ni Frances kung ano dadalhin." sabi ko. Ewan ko pero mukhang ako lang ata matino sa barkadahang to. >-_-<
Pagkatapos ng ilang minuto, Pinababa na kami dahil sasakay na daw ng bus. Wala pa rin yung dalawa. Matext nga.
TO: Yma bruha
> HOOOOOOOOYYYY!!! ASAN KA KAU!? NASA RETREAT HOUSE NA KAMI!!! <
-sent-
At pagkatapos kong isent, sakto namang lumitaw na yung dalwa...
"Hanep! andaming pagkain! 1 week supply ata yan ah! " sabi ko kay Yma at kay Frances na hirap na hirap dahil sa dami ba naman nilang pinamili. Binili ata lahat ng laman ng grocery store.
"Yehey! may pagkain na tayo!" sabi ni Aly na isa pang mahilig mamburaot.
(epal na author: sa mga readers na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng 'mamburaot'... ibig sabihin po ng salitang iyon ay humingi ng pagkain... humingi ng humingi ng pagkain..) (*o*)
"Hehe... kala namin nauna na kayo sa retreat house eh! Bumuli lang pala kayo ng pagkain!" sabi ni Errise habang binubutingting kung anu-ano yung mga pinamili nung dalwa.
"Eh epal naman kasi tong si Frances eh! Mag-eempake lang di pa alam kung paano!" sabi ni Yma habang nakapamewang.
"Class, sa bus number 1 po tayo sasakay ha! baka may naiwan pa kayong mga kaklase tawagin niyo na kasi aalis na tayo!" sabi ng aming adviser.
"Oh gora na tayiz! (translation: let's go!)" sabi ni Dan. Habang sumunod na ang iba sa amin...

BINABASA MO ANG
Destiny Kita?!
Teen FictionNaniniwala ba kayong coincidence lang ang lahat ng nangyayari? Destiny kita- ang makulit na si Fern at ang masungit na si Dylan.