Chapter 1

117K 1.1K 91
                                    

CHAPTER ONE

"Sabi ko sa'yo, Ten pesos lang 'yan eh"

Walang kaabog-abog na itinuro ni Danica kay Melissa ang isang karatulang may nakasulat na 'Sampong piso lang'. Ito'y  nakapatong sa isang istante ng red roses sa isang  tindahan ng bulaklak sa Burnham Park kung saan pinasiyal ni Lorence, ang bestfriend ni Danica, si Melissa para sa  first date ng mga ito. Alam niyang napahiya ito sa ginawa niya.  halata niya sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa paglalag-lag na ginagawa  niya ngayon dito. Alam nya na dahil bestfriend niya ito ay she suppose to be helping him sa panliligaw kay Melissa. But she can't help it.

Hindi niya naman intension na siraan si Lorence sa nililigawan nito, kahit na matagal na s'yang may lihim na pagtingin dito.  Nayabangan lang talaga s'ya sa ginawa ni Melissa nang makasalubong niya ang dal'wa kanina habang  namamasiyal ang mga ito.  Mahangin kasi nitong ipinagmalaki ang hawak na rosas na bigay umano ni Lorence. Binili daw nito ang bulaklak para kay Melissa at sabi pa nito na ilan lang daw ang babaeng deserved na makatanggap ng ganoong bulaklak sabay pairap nitong tiningnan siya mula ulo hanggang paa kaya't hindi niya napigilan ang sarili.  Mabilis niyang hinila ang kamay ni Melissa papunta sa stand ng rosas kung saan binili ni Lorence ang bulaklak 'di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Hindi nagpatinag si Danica sa kabila ng walang humpay na pagkindat ni Lorence sa kaniya na wari'y gusto siyang patahimikin.

Pansin ni Danica ang biglaang pagtahimik ni Lorence nang makita nito ang reaksyon ng mukha ni Melissa habang pinagkukumpara ang hawak na bulaklak sa mga naka-display sa tindahan. Halata niya ang pamumula ng mukha nito kasabay ng pag-agos ng gatimbang pawis sa pagmumukha nito kahit na less than fifteen degree celcius ang temperatura sa Baguio ngayong araw.  He was so disappointed sa ginawa ni Danica.  Ilang sandali pa ay nagulat nalang si Danica na wala na si Lorence sa paligid. "patay! mag-walk out." usal niya sa sarili. 

"Oh? San' ka pupunta?"  Sigaw ni Danica kay Lorence nang mamataan niya ito na ilang metro narin ang layo sa kanila.

"Halla,  Napahiya yata siya?"  tanong ni Melissa na halata ang pag-aalala.

"Pasensiya kana doon sa bestfriend ko ah, sige maiwan na muna kita"  paalam niya rito saka pangiting tiningnan din ito mula ulo hanggang paa.

"Sige, I'll go ahead.  Pakisabi nalang sa kaniya na salamat sa flowers" ngumiti ito na wari kilig na kilig parin sa kabila ng natuklasan.

At talagang nagpasalamat ka pa ah.  Sa loob-loob niya.

"Sure, makakarating"

Hindi na s'ya nag-aksaya ng panahon.  Madali niyang hinabol si Lorence na sa mga oras na iyon ay nasa paradahan na ng jeep papuntang Gibraltar kung saan sila nakatira.  Magkatapat lang ang bahay nila sa Teacher's Camp kaya't hindi malayong maging matalik na magkaibigan ang dal'wa. Kababata niya ito.  Kaya't hindi maalis sa kanila ang asaran, natural na ito sa kanila.  Hindi kasi sila kuntento kapag wala ni isa sa kanila ang uuwing pikon, at doon expert si Danica.

Alam ni Danica na galit si Lorence sa kaniya dahil sa ginawang paglalag niya dito. 

 "Bestfriend! Hintay!" sigaw niya sa kaibigang papasakay na ng jeep ngunit hindi siya nito pinansin.

Nakita niya na umupo ito sa pinakadulong upuan, sa likuran ng driver.  Mabilis niya naman itong sinundan at umupo sa tapat ng inupuan nito.  Buti nakahabol pa siya dahil papaalis narin ang jeep sa mga oras na iyon. Halatado ang pag-iwas nito ng paningin sa kaniya na tumalikod pa waring gustong ipakitang hindi siya nito pinapansin.

"Bestfriend, sorry na"  hinawakan niya ang kaliwang tuhod nito.

Tinapik nito ang kanyang kamay.  "Don't call me bestfriend anymore"

Romance Vs. Friendship (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon