Chapter 10

25.5K 251 127
                                    

CHAPTER TEN

“Danica?”  bulong ni Lorence nang may makasalubong siyang babae sa isang mall sa Makati.  Iniwan niya si George at nagmadaling tumakbo para habulin ang babae.

“Insan! San ka pupunta?”  sigaw nito sa kaniya.

“Si Danica.  Andito siya.  Sinundan niya ako para sa kasal ko”  sigaw niya dito habang papalayo na kay George.  Ma0bilis naman siya nitong sinundan

Nasan kana Danica? Sa isip-isip niya nang mawala sa paningin niya ang babae.

“Insan, Malala na iyan”  hinawakan nito ang kaniyang balikat.  “Pang tatlong beses mo na akong tinakbuhan dahil kung saan saan mo nakikita si Danica”  anito.

“I’m sure. this time, siya na talaga iyon”  hindi parin siya mapakali sa pagkalat ng paningin sa paligid.

“Pare tapatin mo nga ako”  hinila nito ang kaniyang balikat. “May nararamdaman ka ba kay Danica?  May feelings kaba sa kaniya?”

“Insan, ikakasal na ako.”  Paiwas na sagot niya.

“Kaya nga eh. Ikakasal kana. Pero laging si Danica ang bukang bibig mo.  Si Danica ang nasa isip mo eh hindi naman Danica ang pangalan ng bride mo”  ani George.

Hindi siya umimik dapatwa’t iginala muli ang paningin.  “I’m sure nakita ko siya kanina”  bulong niya.

“Lorence ngayon ka paba maglilihim sa akin?  We’re partners in crime.  Lahat ng sikreto mo alam ko kaya kung may nararamdaman ka kay Danica eh sabihin mo na.  Malay mo magawa no pa ng paraan”  tinapik nito ang kaniyang balikat.

Hindi na naitago ni Lorence ang nararamdaman “Yes insan! I love her… The night bago ako bumaba dito sa Makati—the night nang sinabi ko ang tungkol sa pagpapakasal ko.  She admitted that she loves me.  At hinalikan niya ako”  paliwanag niya dito.  “She kissed me!” bulalas niya.  “I felt defferent after that kiss.  It left me wanting more.  That was the first time na naramdaman ko ‘yung ganoong pakiramdam.  Kahit kay Rica,  hindi niya naiparamdam sa akin ang ganoong feelings”

Nanlaki ang mga mata nito.  “Whow! I didn’t expect that coming”  hindi ito makapaniwala sa rebelasyong nalaman.  “So bakit mo parin itutuloy ang kasal?”

“Because its too late.  Too late na ng marealize ko na siya talaga ang mahal ko.  Na siya pala ang matagal ko ng hinahanap.  The girl that I’m wishing for.  She’s there all along”  lumungkot ang tinig niya  “At for sure hindi papayag si mama na hindi matuloy ang kasal dahil napagplanohan na ito”

“Mahirap iyan insan.  It’s the families name na kasi ang nakataya dito. Alam mo pa naman kung paano pangahalagahan ni Tita ang kaniyang pangalan. Lalo na’t buntis pa si Rica” Anito na wari’y nanghihinayang din.

“That’s my point. Kaya it’s too late for me to back out.  Pagkakamali ko ito, kaya deserved kong maparusahan.  I let my friend hurt so much.”  Panghihinayang niya.

Napaisip tuloy ito sa kaniyang sinabi.  “Ikaw kasi insan, napaka-inpulsive mo.”  Nagpatuloy na sila sa paglalakad.  “Binuntis mo pa kasi.  Hindi ka nalang gumamit ng proteksyon para sana ngayon eh hindi ka namromroblema”  panenermon nito.

Napahinto sa paglalakad si Lorence at bahagyang napatulala.  “She’s not pregnant”  bulong niya.

Nang Makita siya ni George ay napahinto narin si ito.  Mahina man sa pagkakabulong ngunit dinig na dinig parin siya ni George.  “She’s not pregnant?”  Gulat na tanong nito habang napakunot noo.

“Yes”

“Hey…hey! I’m freaking confused”  tumayo ito sa kaniyang harapan.  “Then why?”

Romance Vs. Friendship (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon