Chapter 6

23.3K 192 7
                                    

CHAPTER SIX

 “Hey!  What’s with the long face?”  Nakangiting bati ni Jacky classmate ni Danica nang makita ang malungkot na mukha niya habang nakatitig sa kawalan.

“Ah? Wala.  Don’t mind me”  tumayo na siya saka binuhat ang kaniyang gamit.  Tapos na ang klase nila kaya’t tatakbo na siya sa kaniyang Gig.  May rehearsal pa kasi sila dahil bago ang kanilang drummer ngayon.

“May problema ka ano?”  pahabol na tanong nito.

“Bakit mo naman naisip iyon?” ngumiti siya dito.

“Bakit? You’re asking me why?”  tila natawa ito sa tanong niya.  Inilabas nito ang cellphone saka ipinapanood ang isang videoclip.  Kuha ito ilang minuto ang nakalipas.  “Watch this”  anito sabay abot ng cellphone.

Napakunot noo si Danica sabay napangiwi nang mapanood ito.  Kinukuhanan pala siya nito mula pa kanina.  Nakatulala siya sa kuha.  Almost 30 mins siyang nakatitig sa kawalan.  “Huh?  Kinuhanan mo ako?”

“Oh? Itatanggi mo pa ba?”

“Minor problem lang ito”

“Si Lorence nanaman ba?”  anito.

Ngumiti lang siya dito.  “Sige at kailangan ko pang humabol sa Gig ko”  paalam niya dito.  Papalabas na sana siya ng pinto nang harangin siya ni  Ms. Vangie, ang Theater adviser nila.

“Danica”  Seryoso ang mukha nito.

“Ma’am?”  nagtatakang tanong niya.

“See me in my office!”  anito. Sabay alis.

“Ma’am?”

“You heared me.  See me in my office”

Patay!  Napansin niya yata ang kawalan ko ng focus kanina

“But Ma’am---”

“Now!”  sigaw nito kahit na malayo na ito sa kaniya.

Napapakamot nalang siya ng ulo at sinundan ito.

Hay… problema nanaman ito!

Iba ang kabang nararamdaman ni Danica habang pinagmamasdan ang matalim na mata ni Ms. Vangie. 

“Bakit niyo po ako pinatawag Ma’am?”

“Diba sabi ko sayo noon na may nanood na taga Manila nitong last play natin para mag-observe?”

“Yes ma’am”

“And I believe,  Nabanggit ko rin sayo na they are looking for their next talent para sa kanilang nalalapit na play” anito.

“Opo”  napayuko siya.

“Then… I want you to know that I’m Really disappointed with the result of their  observation” kumunot ang noo nito.

Hindi siya nakaimik.

“Did you know na hindi pumasa sa kanilang panlasa ang performance ni Joanna? Siya pa naman ang lead role”

“I’m sorry po.  It’s my fault.  Wala po kasi ako sa sarili ko nung first half ng Play” nangilid ang luha sa mata niya.

“Kanino bang idea na kay Joanna mapunta ang lead role?”  galit na tanong nito sa kaniya.

Tuluyan na siyang napaluha.  “It’s my Idea ma’am.  Maganda po kasi ang audition niya” pinunasan niya ang luha.

“Stop crying!  Ikaw ang president kaya dapat maging matatag ka”

Romance Vs. Friendship (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon