[ENROLLMENT DAY]

5 1 0
                                    

HAPPINESS DIARY ENTRY #1

[ENROLLMENT DAY]

Hi, Happiness Diary! This is me again reporting for duty. Just kidding! Well, hindi mo alam 'tong sasabihin ko sa'yo. BADTRIP kasi ako. Bakit? Kasi enrollment ngayon!! At kapag enrollment, magkikita kami ulit ng mga kaibigan ko at former classmates. Hindi naman iyon yung kinaiinis ko, ganito kasi 'yun. Nung mga bandang 9:30, okay lang (chill chill) nagkuwentuhan pa nga kami ng kaibigan ko habang hinihintay yung iba. Syempre hindi kami mag-e-enroll hanggat hindi kami kumpleto, kaya bandang 10:15 na kami nakapunta sa building na puputahan naming para makapag-enroll. Ang kaso, pag dating naming doon ang HABA ng pila! Grabe talaga!! Akala ko normal na enrollment lang ang gagawin naming, may kailangan pa palang gawin?

Kaya ayun, kumuha kami nung pipirmahan ng teacher para makapag-enroll na kami. Dalawang subject pa! English at Filipino, kaya sa naghinala na kami. MAY PABASA! Kaya pala ang tagal umusad ng pila, kailangan may kilangan pang basahin at sagutan. We concluded na, kaya siguro ginagawa nila ito ay dahil sa mga estudyanteng nakakapasa pero hindi naman matatas magbasa. Haynaku! Nakaka-stress! Sa dalawang oras naming pagpila doon, malapit na din kami sa wakas! Ayun nga lang, bigla silang nagluch break. Seriously? Maghihintay na naman kami?

Buti sana kung may katabi akong gwapo o kaya naman ay may dumaan na gwapo kaso wala e! Nakaka-badtrip! Buti na lang nagbigay na sila ng number para sa pagbalik namin, tatawagin na lang yung number. Kaya ayun, naghintay kami ng isang oras 1 PM kasi kami pinababalik. Umuwi na nga ang isa sa amin kasi hindi na talaga n'ya kinaya. Hindi na kami nagsi-kainan, uminom na lang ako ng chocolate drink para naman medyo may lakas pa ako. Bago mag-1 pumunta na naman kami sa building, at may improvement na! Noong umaga kasi, hiwalay na pila ang English at Filipino ngayon sa iisang room na lang.

AT pinapila kami by number, para daw wala nang sumingit yung mga walag number doong sa kabilang room. Mga 30 minutes kaming nag-intay sa labas tapos another 30 minutes sa pag-iintay sa loob. Sa aming apat nauna akong natapos at nakapag-enroll mga 3 minutes sumunod na sa akin yung isa kong kaibigan. Medyo nagtagal nga kami sa pag-iintay sa dalawa pa. Pero okay lang! Nakita ko kasi yung ex-crush ko sa ugali tapos crush ko sa physical feature n'ya [Iisang tao lang poi to]. Ewan ko ba, may swerte ka ba HD? [Happiness Diary] kahit kasi gaano kamalas ang isulat ko sa'yo may maganda pa rin na mangyayari sa bandang huli. Pero hindi din masyadong maganda. Ayun lang! Bye!

-BEA


Happiness DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon