HAPPINESS DIARY ENTRY #3
[MY CRUSH] Part Two
Ganito ang sitting arrangement:
AISLE [Classmate=Classmate =Me =Crush =Friend=President] WALL
[Girl=Boy=Girl=Boy=Girl=Boy]
Ewan ko ba, na-tripan nilang kantahin kaya naki-jamming na rin ako. Nung time na 'yun hindi ko pa alam na magiging crush ko pala si crush!
Natatawa pa nga ako sa sigawan nila ng kaibigan ko eh, ako naman ang referee nila. Mag-aaway sila sa sobrang liit na bagay, ang kamay ni crush. Kasi daw kapag nagkokopyahan kami palagi daw nakaharang yung kamay ni crush kaya nahaharangan yung sgot na sinabi ko sa kanya, doon nagsimula ang pagbabangayan nilang dalawa. Pangalawa naman, yung bag ni friend ko. Aba, ang tahimik naming apat bigla silang magbabangayan?! Nakaharang daw kasi yung bag ni friend sa pag unat ng paa ni crush, at doon nagsimul ang ikatlong pagbabangaya nila. Sabi ni friend, "Anong nakaharang?! Iyang biyas mo kasi ang haba-haba, tapos palagi ka pang nakabukaka dyan. 'Wag mong sisihin ang bag ko, putulin ko 'yang binti mo e. " or something like that. They're crazy.
Tama naman ang sinabi ng kaibigan ko, palagi kasing nakabukaka 'tong si crush. Na-adopt ko na nga din e, pati na rin si friend. Pero ang hinding hindi ko talaga makakalimutan ay noong nalaman ko na manyak pala ang crush ko. [Iling iling]
First, kahit na inosente ako sa mga pinag-uusapan nila ni President may naiintindihan naman ako kahit papano. Nag-uusap sila tungkol sa mga kamanyakan nila habang napapag-gitnaan nila ang kaibigan ko, at ako nakatingin sa opposite side. Ang kaso, nakisali din 'yung isa ko pang katabi, na kaibigan din nila pero di naming close [Palipat-lipat kasi]. Kaya, wala din akong takas sa kamanyakan ng mga lalaking ito.
Second, may lesson kami noon kaso biglang umalis yung student teacher na nagtuturo sa'min. Kaya daldalan kaming lahat, at naniningil din ako para sa groupings namin. At kamalas-malasan ka-grupo ko si crush, kaya siningil ko s'ya kaso ayawa n'ya magbayad. Kaya pinilit ko s'ya at ayaw naman n'ya, kaya tinulungan na ako ni friend.
"Kung ayaw mo, ibigay mo pa rin." sabi ko nun. Kaya kinuha na n'ya yung bag n'ya, nandun daw kasi yung wallet n'ya. Edi tinulungan na naming s'ya ni friend kaso sensitive! Ayaw pahawak ng bag, sabi n'ya "May SPG sa bag ko, 'wag n'yong hawakan.". Diba? Diba? Tinanong namin ni friend kung anong SPG ang nasa bag n'ya. "SPG? Droga 'yan no?" yan ang sinabi namin kahit alam naman naming kung anong klaseng SPG ang pinag-uusapan.
Third, nanonood kami ng isang movie tungkol sa kasaysayan. Sinabi na ng classmate naming na may bed scene doon kaya nag-fast forward na kami. Aba! Ang sinabi n'ya: "Ibalik n'yo, ibalik n'yo! Hindi ko napanood!" ewan ko nakaka-turn on ba 'yun? Ha, Diary?
-BEA

BINABASA MO ANG
Happiness Diary
Teen Fiction//TRY NOT TO BECOME THE GIRL OF SUCCESS BUT RATHER TRY TO BECOME THE GIRL OF VALUE.// //YOU DON'T NEED TO BE HAPPY WHEN YOU WRITE, YOU JUST NEED TO BE HAPPY OF WHAT YOU'RE WRITING.// -HAPPINESS DIARY