[MY CRUSH]

5 2 0
                                    

HAPPINESS DIARY ENTRY #2

[MY CRUSH] Part One

Hello Happiness Diary! Siguro curious ka sa crush ko no? Sige, idescribe ko s'ya para sa'yo. Matangkad, mapungay ang mata, sobrang tangos ng ilong [Inaasar s'ya dahil dito], okay lang naman yung lips palagi kasing naka-thin line ang mga labi n'ya. Hoy, diary ha! Hindi ko naman masyadong tinititigan si crush! Naging katabi ko kasi s'ya noong first grading last year. Tapos katabi naman n'ya yng kaibigan ko kaya okay lang din at katabi ni friend yung president namin. Medyo close kami, s'ya ang kinokopyahan naming sa MAPEH at Science si president naman ang kinokopyahan naming sa AP at Math. [Wahahahaha!] At ako ang kinokopyahan nila sa English, mapa-assignment o mga activity. Si friend ko ang kinokopyahan naming ng notes sa ibang subject lalo na sa AP.

Si crush tsaka si president ay magkaibigan, kaso palaging naloloko ng mga boys si president. One time nga sa flag ceremony, nilagyan nila ng mga bato yung hood ng jacket ni President. Hindi n'ya yun nalaman until AP [Third subject], sinuot n'ya yun. At nung nakita naming ang itsura n'ya syempre tumawa kami ni friend, nagjo-joke kasi s'ya nung time nay un. Pero iba ang tinatawanan ni crush, yung mga bato pala. Kaya ayun, umiyak ang napaka-gwapo naming president wala tuloy nagpakopya sa AP. [May long test!] Pero keri lang kasi napag-aralan ko naman 'yung iba, kasi sa dulo nalito na talaga ako!

Sobrang na-guilty kami ni friend kasi nga diba alam naming yung nagyari pero hindi namin sinabi. Tapos itong demonyo na katabi ko patawa-tawa pa. [Total turn off] Napansin kong ayos na si friend ko tsaka si president, nagyayakap na kasi si president eh. Teddy bear n'ya daw si friend, siblings daw sila. Sabi ko "Yes! Makaka-kopya ako kay ***!" kasi for sure pinakopya na s'ya si President. Ewan ko ba pero na-ayon sa'kin ang tadhana kasi absent yung isa ko pang katabi, kaya lumipat si president hindi n'ya daw Makita yung nasa board. Tinanong ko yung sagot sa huling tatlong numbers [Yun na lang kasi hindi ko sure] sabi n'ya tanungin ko daw si friend edi tinanong ko, sinabi naman n'ya KAYA narining ni crush. Okay lang naman, share yor blessings ika nga nila.

Pero sobrang galing talaga ng karma, nakarma si crush ng slight. Kasi si president naka-perfect [Perfect 40 out of 40], at ako din naka-perfect! Tapos si friend naman naka-38, kasi nabaliktad yung sagot n'ya. At si crush naka-37 mataas na 'yun para sa buong klase pero sa aming apat s'ya ang kulelat. Kaya sumimangot s'ya ng ilang minutes. Sabi ko sa sarili ko, 'haha! Buti nga!'. Tapos nagkabati-bati lang silang lahat nung kinabukasan na.

Siguro sa halos 3 months na magkakatabi kami ang pinaka-masayang bonding naming ay kapag nakanta si president. Maganda kasi talaga boses n'ya, ang gwapo gwapo ng boses hindi ko lang alam sa mukha [Haha!]. Kapag kakanta si president, alam kong kakanta din si crush music lover kasi silang barkada. At kung kakanta si crush at president, mapapakanta na din si friend ko at syempre ako. Ang cool lang ng harmony naming apat eh. Iisa lang ang maganda ang boses, si president. Naalala ko ang kinanta naming apat ay isang kanta ni James.

Ewan ko ba, na-tripan nilang kantahin kaya naki-jamming na rin ako. Nung time na 'yun hindi ko pa alam na magiging crush ko pala si crush!

-BEA

Happiness DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon