HAPPINESS DIARY ENTRY #4
[MY CRUSH] Part Three
Nakaka-turn on ba 'yun?
Parang hindi naman. Hay naku, happiness diary wala naman yatang magandang maidudulot ang pagka-crush ko sa lalaking 'yun. Kaya hindi ko na s'ya crush, ng mga 40%! Kasi talagang gwapo naman talaga s'ya, actually ang buong barkada n'ya ay gwapo. Lahat sila matatangkad at mga basketball player pwera kay crush, ayaw n'ya ng maraming atensyon. Noong nag-election nga, oo lang s'ya ng oo sa mga nagno-nominate sa kanya.
Anyway, balik tayo sa barkada n'yang ngayon ay tinatawag kong Angry Birds. Parang dati lang F5 ang tawag ko sa kanila kasi nga lima lang sila. Ngayon ang dami na nila kaya Angry Birds na ang tawag ko sa kanila [FYI, alam nila na tawag ko sa kanila ay angry birds.], may kaibigan pa nga silang baboy e. Sa pagkaka-alam ko nagging sobrang close sila dahil nagging hobby nila ang pag-jajamming.
Marunong silang lahat mag-gitara eh, well pwera kay president s'ya kasi ang palaging nakanta. Pero dalawa lang ang magaling sa kanila, at wala doon ang crush ko ha? Marunong lang s'ya mag-gitara, yun lang yun, same as others. Dahil sa pag-gigitara mas nakilala ko pa ang grupo nila, marunong din kasi ako mag-gitara. Pero mas magaling talaga yung dalawa sa angry birds, siguro kung irerate sila ang 10, ako naman mga 7 kasama yung isa ko pang girl classmate, at 4 naman yung ibag boys. Nalaman ko na may pagka-seryoso naman sila, hindi nga sila nagkokopyahan e [Kapag exams]. Parang half-half ganun, may limit yung kalokohan nila pero minsan lang nila gamitin 'yun.
Sa kanila ko napatunayan na kapag ang lalaki nagustuhan ang isang bagay [For example: Pag-gitara] hindi s'ya titigil hanggat hindi n'ya namamaster 'yun. Consistent silang lahat, tatlo sa kanila ang nagging magaling sa pagigitara at dalawa naman sakanila ang magaling sa rubics cube. Magbubuo na ata sila ng banda? Every day walang isa sa kanila ang hindi nagdala ng gitara, salitan sila sa pagdadala ng kanya-kanyang gitara eh. May nagdala na nga ng beatbox, yung parang maliit na drum?
Kumpleto na sila, noong Christmas party nagahanda sila ng dalawang kanta si president yung kumanta tapos nagpalitan yung dalawang magaling mag-gitara at may isang nagtatambol. Pati sa Valentines kumanta din sila, hinarana pa nga ni president yung nililigawan n'ya eh. Tapos yung tatlo pang barkada ni crush nagbigay ng mga teddy bear sa mg aka-MU o GF nila. Si crush na lang ata ang napagiiwanan.
Pero alam ko nung time na 'yun na hindi ko na s'ya crush, kinikilig pa nga ako sa kanila ng ka-partner n'ya sa isang roleplay sa room eh. At ako din ang nagturo ng step sa sayaw na gagawin nila, doon ko nalaman na hindi pala magaling sumayaw si crush! Tawa ako ng tawa nun, Diary!
Kasi na-realize ko na crush ko na talaga si crush. Siguro nagsimula 'yun noong nag-absent ako para ihatid ang tita ko sa airport nung pauwi na s'ya sa Japan. Kinabukasan nagmamadali akong kumopya ng mga assignment, tapos lumapit s'ya sa upuan ko [Hindi na kami magkakatabi ng time na 'to kasi nga diba almost 4 months lang kaming magkakatabi?] sabi n'ya: "Ba't absent ka kahapon?" niloko ko pa nga s'ya noon. Ang sinabi ko may sakit ako, nagpa-check up ako nagtanong nanaman s'ya ano daw ba sakit ko bakit kailangan ng check-up. Sabi ko "Diba nga may sakit ako sa utak. Nahawa kasi ako sa'yo." , kinulit n'ya ako ng kinulit sabi n'ya ano daw ba talaga ang totoo. Syempre sinabi ko ang totoo, ayun sumimangot agad s'ya at kinuha 'yung notebook ko, makiki-kopya daw s'ya ng assignment.
Ito lang sa ngayon, diary! Bukas ulit, good day!
-BEA

BINABASA MO ANG
Happiness Diary
Teen Fiction//TRY NOT TO BECOME THE GIRL OF SUCCESS BUT RATHER TRY TO BECOME THE GIRL OF VALUE.// //YOU DON'T NEED TO BE HAPPY WHEN YOU WRITE, YOU JUST NEED TO BE HAPPY OF WHAT YOU'RE WRITING.// -HAPPINESS DIARY