Chapter 6

2.6K 15 0
                                    

CHAPTER SIX

Maagang gumising si Dylan para magluto ng soup para kay Kaytie.  May pa sipol-sipol pa siyang nalalaman habang nagluluto.  He can’t take of the smile on his face.  Iba ang kislap ng mga mata niya. Nang maluto na ito agad siyang naggayak at tumungo sa hospital.  Wala siyang dinatnan na nagbabantay kay Kaytie.  

Gising si Kaytie ng mga oras na iyon pero dahil sa gulat niya sa pagdating ni Dylan ay nagtulog-tulugan nalang siya. Umupo ito sa tapat ng kaniyang uluhan.

OMG!!! Nakatitig siya sakin sa loob loob niya.  h’wag mo akong titigan malulusaw ako shocks! 

Nang kalaunay tumayo narin ito at humanap ng papel na pwedeng sulatan bilang note.  ‘Here are some fruits and soup. Pagaling ka. Thank you and I’m sorry nga pala sa mga inasal ko kahapon.  I’m looking forward na makausap kita personally para makapag apologize ako ng personal. – ? Dylan’  Inilagay nito ang note sa ibabaw ng prutas na kaniyang dala at saka na ito umalis.  

Agad dumilat si Kaytie at nagtitili paglabas ni Dylan ng pinto. Naglikot siya sa kama na wariy walang iniindang sugat. Naramdaman niya ang pagsakit ng sugat na natamo kahapon.

“Ay teka yung bag ko naiwan ko sa room” ani Dylan na napabalik pa sa loob para kunin ito. Nagtititili si Kaytie sa mga oras na iyon dahil sa kilig.  Napansin niya na parang may nagbubukas ng pinto kaya’t muli siyang nagtulog-tulugan. Pagpasok nito ay napansin nito na naiba na ang pwesto ng paghiga ni Kaytie. Gulo-gulo narin ang kumot nito na kanina’y maayos lamang.  Dahil dito. Napag-alaman na niya na nagtutulog-tulugan lang siya.  Ngunit sinakyan na lamang siya nito.  Lumabas ito na may ngiti sa labi.  At gaya ng kanIna muli nagtitili si Kaytie habang pinagmamasdan ang mga dala ni Dylan.  Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Aling Marsha na nagluto ng sopas para sa anak and Of course, exotic sopas ito. Nakuha niya naman ang recipe nito sa quick fire. Yun nga lang dinagdagan niya ito ng extra ingridients para daw mas sumarap.  Well let’s give Kaytie the power of judging.

“Oh anak! Huwag kang mag-lililikot!”  ibinaba nito ang sopas.  “Teka? Sino may dala nito?” binuhat nito ang mga prutas na dala ni Dylan.

“Si Dylan po Ma.” nagpumilit siyang umupo kahit na may iniindang sakit.

“H’wag ka sabing malikot eh!” pinalo siya nito sa kamay.

“Eh kaya ko naman na po oh”  inaabot niya ang note na iniwan ni Dylan.

Muli siyang pinalo ng Ina “Ang kulit mo rin ah. Humiga ka nga!”

“Paki-abot lang po yung sulat na iyon at hihiga na po ako” aniya. 

Binasa muna nito ang sulat bago ito iniabot sa kanya.

“Ma, don’t read it”

“Bakit ba? O ayan”

Binasa niya ang sulat.  Hindi maalis ang kaniyang ngiti habang binabasa ang sulat. May mga pagkakataong nakakagat pa niya ang kaniyang labi sa sobrang katuwaan.  “Ang sweet naman niya” niyakap niya ang sulat.  “Pwede na akong mamatay” 

“Hoy..hoy! yang bunganga mo chuchay!” nag-taas na boses si Aling Marsha.

“I’m just kidding Ma”

“dapat lang. Wala tayong perang pampapalibing sayo. Gusto mo itapon ka nalang namin sa ilog para hassle free” parang armalight ang bunganga nito sa panenermon sa anak.  “Oh siya nga pala anak. Ipinagluto kita ng sopas”  binuhat nito ang dalang Tupperware.

Napangiwi nalang siya at umarte na parang matamlay.

“Pero kailangan mong kumain” pagpipilit nito

Teenage Love Affair (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon