Chapter 8

2.2K 16 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Nang makaakyat na sila sa kwarto ay agad niya itong initsyahan ng t’walya.  “So there’s the Bathroom, doon ka na magbihis” pumasok naman ito at naghubad ng damit.  “Saan ko ilalagay itong damit ko?” tanong nito.

“Iabot mo nalang sa akin.  So ikaw pala nagluto?” aniya

“Yeah, tinuruan ko si tita ng simple dish. Bakit?”

“Ah wala. So hindi mo kinain yung niluto niya?”

“Okey lang ba maging honest ako sayo?  Hindi ko nagustuhan yung luto niya. Kaya ayun, tinuruan ko nalang sya. Gandang technique diba?” 

“Okey lang matagal ko ng alam iyon” aniya

Binuksan nito ang pinto at bumungad sa kaniya ang six packs abs ni Dylan.  Napako ang kaniyang mata dito.  

“Oh heto na. Mama mo naman kasi mapilit eh”

“Ahh…ahh oo nga eh…Si Mama talaga..” hindi parin maalis ang paningin niya dito.

“Oh? Okey ka lang?” napansin nito na parang nadedestruct siya kaya’t medyo nagtago ito sa pinto.

“O…sige dito ka lang muna at la—laba—han ko lang ito.”

“Sige. Magshoshower nalang muna siguro ako. Pwede ba?” paghingi nito nang permiso.

“Yes. Sige lang. It’s fine”

“Thanks” isinara na nito ang pinto.  Nagtatatalon siya sa tuwa at kilig.  Yakap niya ang mga damit nito. Nakatatak parin sa isipan niya ang katawan nito habang pa sayaw-sayaw sa labas ng banyo.  Naalala ni Dylan na naiwan pala nito ang cellphone at wallet nito sa pantalon nito.  Sa pag-aalala na baka hindi ito mapansin ni Kaytie at malabahan ito ay agad nitong binuksan ang pinto para habulin sana siya. Bumungad rito ang napapashembot sa tuwang version ni Kaytie.  

Hindi napanisin ni Kaytie na pinapanood na pala siya nito. Patuloy parin siya sa pag-indak.

“Ahem!” nakasandal ang isang kamay nito sa haligi ng pinto at nakangiti sa kanya.

Napatigil siya at unti-unting napalingon. “Ah..Ah..AH” hindi niya maituloy ang sasabihin.  Napapanganga nalang siya at napapailing. 

“Yung cellphone at wallet ko, baka mabasa”

“ah cellphone?---” napakamot siya ng ulo.

Dinukot nito ang bulsa ng pantalon. “Yeah cellphone” ipinakita nito sa kaniya ang cellphone.

“Oh! Cellphone. naiwan mo? Haha baka--- mabasa? yeah mababasa yan natural haha.. tubig eh!” humakbang na siya papalayo rito.

“Ahem” muling sabi nito.

Napahinto siya at napangiwi. Ano pa? naman eh 

“Yung wallet ko?” nakangiting sabi nito.

Kinapa niya ang bulsa sa likod ng pantalon at inabot ang wallet saka ito nginitian. 

“Ahem!”

“May natira pa ba?” kinalkal niya ang lahat ng bulsa nito.  “Wala naman na?” aniya

Nilapitan siya nito at bahagyang inilapit ang mukha sa kaniyang mukha “You’re such a great dancer haha can you teach me some of your moves sometimes?”  natatawang sabi nito. She don’t know how to response.  She remained speechless habang namumula at pinagpapawisan ng malagkit.  “I really have to go, Chow!” nagmadali siyang lumabas ng kwarto. Naiwan niya ito na pangiti-ngiti. Papasok na sana ito sa baniyo nang makita nito ang mga pictures na nakadikit sa salamin sa tapat nito.  Nacurious ito dahil parang familiar sa kaniya ang ilan sa mga pictures na andoon.  Nilapitan niya ito. Laking gulat nito na ang ilan sa mga ito ay pictures nito noong high school pa lang ito.  May graduation nito, meron din noong nanalo ito sa isang cook fest, at mga iba ay mga stolen shots na hindi nito maalala kung saan at kailan iyon nakuhanan.  Katabi nito ang mga pictures ni Kaytie na hindi rin naman papatalo dahil sa angking kagandahan niya.  Napangiti ito sa mga nakita.  Ngunit iba ang ngiti nito ng makita nito ang isang picture ni Kaytie. I Think I’m beginning to love you sa loob loob nito. Napatingin ito sa paligid at nang mapansing walang nakakakita rito ay dahan-dahan nitong kinuha ang picture at inilagay sa kaniyang wallet.

Teenage Love Affair (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon