Chapter 2

4.6K 18 1
                                    

CHAPTER TWO

Hinihingal na pumasok si Janna sa kwarto at daliang tumalon sa kama upang ipagpatuloy ang pamamahinga. Tapos ng maligo si Kaytie nang mga oras na iyon at kasalukuyang nang  nagsusuklay.

Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw. Nahigaan kasi ni Janna ang basang tuwalya na ginamit ni Kaytie.

“Putek ka talagang babae ka! Bakit dito mo nilagay itong tuwalya?”

“Pasensiya naman. Nagmamadali lang. Teka ate, bakit ka hinihingal?”

“Bakit ako hinihingal? Ikaw nga tanungin ko? Hindi mo ba tinakbuhan yung Fish fillet with sarsyado ekek sauce na’yon?” ibinato sa kaniya ang tuwalya.

“Neh? Mambato ba? Ate. Marinara sauce!”

“What Ever!” 

Humarap siya rito at bahagyang naglecture. “Kasi Ate, technique ang kelangan, tignan mo ako laging may alibies”

“Your face” binato siya ng unan.

“Aray ko!” bulalas niya. “Ate ah nakararami ka na!” wika niya. “Oh siya have to go. Bye ate” paalam niya rito.

“Ma! Pababa na si Chuchay! Hindi pa kumakain yan” pang-aasar na sigaw nito.

Hindi naman magpapatalo si Kaytie kung asaran lang ang usapan. Kaya’t naisip niyang lokohin ito. “Haha, kumain na ako kanIna no. Ang sarap nga eh, for the first time nagustuhan ko yung luto ni Mama at magbabaon pa nga ako eh” pagsisinungaling niya.

Na-curious ito sa kaniyang sinabi “Huh? Really? Anong lasa?” 

“Duh? Ate Masarap yung luto ni Mama ngayon. Naglevel up na. Try mo kasi” Naniwala naman ito sa kaniya at daliang bumaba.  Dumiretso ito sa kusIna at sumandok ng kanin at ulam habang si Kaytie naman ay nagmadaling tumakas para pumasok.

Nang papalabas na siya ng gate ay may narinig siya sumigaw “Putik ka Kaytie” sigaw ni Janna.

Halos mamatay siya sa katatawa dahil sa narinig.  Agad siyang pumara ng taxi.

“Oh Mars, Asan na sya?” Bungad na tanong niya matapos niyang idial ang number ni Princess.

“Mars, ano ba ang tagal mo. Nasaan ka na ba?”

“On the way na ako, konting tiis nalang”

 “Bilisan mo, baka umalis na siya dito.”

“Don’t Pressure me!” aniya.

“I’m not pressuring you. Bilisan mo sabi eh ano ba ang tagal mo, ayan na o paalis na sya.” 

“Yan ba ang hindi namremressure? Pigilan mo!”

“Joke lang Mars, Kaw talaga may pagka-O.A ka buti nga at hindi pa regular class kundi wala na, hindi mo na siya maaabutan.” Patuloy na sabi nito.

Hindi namalayan ni Kaytie ang oras dahil sa chikahan nila ni Princess.

“Oo na oo na. Eto malapit na ako. Sige mars gonna go.” Bumaba na siya ng taxi. “Teka! Saan pala banda yang cafeteria na yan?” pahabol na tanong niya.

“Dito sa tinambayan natin noong nag-enroll tayo” tugon naman nito.

“Copy ko yan. I’m on my way na. Chowder!” binaba na niya ang cellphone at nagsimulang maglakad. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa ang drama niya. Todo ingat na siya ngayon dahil sa nangyari kanina. 

Okey. The coast is clear. Kaytie goodluck! This is it! 

Nagmadali siyang pumasok sa gate at tinungo ang direksyong papunta ng cafeteria.  Sobrang siyang excited kaya’t hindi na niya namalayan na kinakausap na pala niya ang kaniyang sarili. Bigla niya nalang napansin na iba ang tingin sa kaniya  ng lahat ng makasalubong niya.

Teenage Love Affair (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon