Chapter 7

57 8 0
                                    

Chapter 7 Crazy

Kalynah POV.

"Okay. Salamat manang lucid." Sabi ko at lumabas na.. Bumisita ako sa kanilang bahay para kumustahin kong tumawag ba si Jake o nandito na siya.

Ang sabi ni manang ay hindi na raw tumawag ang tanging nagparamdam lang ay ang kanyang ate. Tumatawag lang ang kanyang ate para kumustahin sila rito pati narin daw ako. Wala rin namang tinanong si manang kay ate sena kong ano na ang nangyari kay jake sa America.

Sabi ko Kay manang kung sakaling tumawag ang kanyang ate ay ipagsasabi na gusto kong kuma usap sa kaniya. Close naman kami sa kanyang ate, mabait rin naman iyon sakin.. Ang kanyang ama rin ay gusto ako ang tanging ayaw talaga sakin ay ang kaniyang ina.

Hindi ko parin talaga naiintindihan kung bakit naging ganito ang sitwasyon namin ni jake.. Gusto ko talagang intindihin iyon! Handa ako sa lahat nang bagay na gusto niyang sabihin sakin.

Sumakay na ako sa taxi at magpapadala ulit nang sulat. 2 days din akong hindi nakapag padala, Simula nong kinuha ni lalaki ang sulat na sana ipapadala ko.. Nakalimutan ko na ang pagpadala non dahil gumabi na at sarado na ang papadalhan.

Pagkatapos kong magpadala ay pumunta muna ako sa mall para bumili nang papers at ballpen na gagamitin ko pangsulat.. Wala akong kasama ngayon kasi may lakad si Lovely.. Siya lang kasama ko kung pupunta ako sa Mall.

Sabado rin naman ngayon walang pasok kaya asahan kong maraming tao dito sa Mall.. Pumasok na ako sa School Supply at pumipili na.

"Thank you." Sabi ko sa cashier at kinuha ang mga binili ko.... Gutom na ako kaya napag isipan kong kumain muna dito. Pero snack lang muna mag titipid pa ako nang pera.

Bumili ako nang Takuyaki at Buko Juice dito sa food court at umupo muna saglit... Tinignan ko ang lahat nang andito at hindi ko talaga maitatangi ang pagkainis ko.

Hindi naman ako masyadong bitter!. Pero bakit puro couples ang nandito? Wala namang nakalagay dito na for couples only!!!... Hayss bakit ba ako nagkakaganito? Stop that nonsense jealous Kaly.

Hindi ko nalang pinansin at susubo na sana sa kinain ko nang may biglang umingay! Oo ang ingay tunog nang isang maingay galing sa microphone.. May mini stage kasi rito sa Food court siguro may kakanta o sasayaw.

Narinig ko naman ang tinig nang isang babae na nagpakilala sa harap.. Teka! Bakit biglang pumuno yung tao rito sa food court? Tsaka puro babaeng tumitili? May artista ba ngayon?..

"Ladies and Gentlemen are you guys excited?" Tinig nang babaeng nasa harap na may hawak nang microphone. Yung kaninang tahimik napalitan nang puro tili at sigawan.

"Yes!!!"

"Carl,I Love You"

"Wooohh"

"Babyyyy"

Sigaw nang mga babaeng malapit sakin... Langya naman oh. Gutom na gutom na ako pakainin niyo naman ako please..

"Okay! Simulan na natin" sabi ulit niya. "Please welcome again our visitor, Mr. Carlino Joseph Crifton"

It's OverWhere stories live. Discover now