Chapter 9

56 9 0
                                    

Chapter 9 Secret Admirer

Kalynah POV.

"Che! Jake ka jan.. Hindi niya nga sinasagot yung mga sulat mo, tapos sinasabi mong kay jake yan!.." Mataray na sabi ni Lovely sakin.

"Tsaka hindi yun magbibigay nang bulaklak para mag sorry.. Haharap yun para personalan kang kausapin." Sagot pa ni Joyce nang bigla siyang lumabas galing sa banyo..

Bumuntong hininga ako, tsaka nagsalita. "Eh, kung hindi siya... Sino?." Nagtataka kong sabi pero deep inside si jake talaga ang iniisip ko na nagbigay.

"Aba! ewan namin sayo.. Ikaw lang naman nagdadala nang sarili mo! Hindi sa bawat oras andito kami sa tabi mo." Nakapa-mewang sabi uli ni lovely.

"Ahm.. May na meet ka bang boy? Or something na sunod nang sunod sayo?." Nagtatakang tanong ni Joyce sakin.

Napa-isip naman ako kung sino.. "Ahhhmmm!." Habang hinahawakan ang nguso ko. "Meron!!!!!." Bigla kong sigaw sa harap nila na kinabigla nila at kinalaki nang mata.

"Bwiset to!!.." Binatukan ako ni lovely.. Hindi naman masyadong masakit. "Tignan mo oh!! Anong ginawa mo sa kilay ko.." Nakaturo ang isang kamay niya sa kanyang kilay.. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Kaya Kaly! Huwag mong gulatin ang nag ki-kilay." Natatawang sabi ni Joyce sakin.

It's OverWhere stories live. Discover now