Chapter 10

74 8 6
                                    

Chapter 10 Dinner

Kalynah POV.

"Siguraduhin niyo lang na hindi ako madadapa kundi, mapapatay kayo sakin." Sabi ko habang hinahawakan ang kamay ni Lovely. May pakulo kasi sila! Ewan ko kung bakit ngayong Valentine's nila ginawa.



"Bakit naman namin hahayaan kang madadapa, may sasalo rin naman sayo." Mapanuksong sabi ni lovely habang humahalakhak. Inirapan ko nalang ang sinabi niya at nag focus sa paglalakad habang naka takip ang aking mata.



Tumigil si lovely sa paglalakad kaya napatigil naman ako bigla. "Okay kaly, mag bibilang kami. Pag umabot na nang tatlo ay tsaka mo naman bubuksan ang iyong mga mata.. Huwag madaya ah!." Sabi niya na kinukuha na ang panyo saking mata pero nanatili parin akong nakapikit. Sabi niya eh! Kaya huwag akong maging madaya.


Ginawa ko naman ang sasabihin niya, pero unti-unting nawawala ang boses ni lovely at ang iba ko pang dalawang kasama kanina, kaya naka ramdam naman ako nang medyo kaba.


"One"

Nagulat naman ako sa biglaang sigaw ni lovely medyo malayo sakin.

"Two"

Parang may iba talaga eh! Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman iyon.

"Ready?." Sigaw uli niya. "Three"

Unti-unti ko namang binuka ang aking mga mata...... Nagulat ako sa napaka raming taong pumapalibot sakin, na ako mismo ang nasa gitna na pinapalibutan nang mga mapupulang roses na hugis puso.



Ganon din ang biglaang pag tunog nang paborito naming kanta na 'Tadhana' ni Up Dharma... Hindi ko namalayan ang pag buhos nang aking mabibigat na luha dahil sa kanta at sa biglaang paglitaw ni Jake sa harap nang nakalagay na 'Happy Valentine's Day, Babe' na pinapalibutan nang iba't-ibang pictures naming dalawa.


Si Jake na may dala dalang bucket of Red Roses sa kamay niya na gamit ang pamatay na ngiti niya para sakin... Unti-unti siyang lumalapit sa akin na kina pintig naman nang puso ko sa kaba na may halong kilig.



"Happy Valentine's Day, Babe." Sabi niya at hinalikan ang aking noo na kinapikit nang aking mata na niraramdam ang saya sa tuwing hinahalikan niya ang noo ko..



It's OverWhere stories live. Discover now