Part 16: What if?

55 3 0
                                    


Ria's POV

Tahimik at mapayapa akong naglalakad sa napakagulo at napakaingay na hallway ng abnormal na school na ito, ngunit sa hindi inaasahan o siguro inasahan ko na din ewan ko ba basta ang gulo ko, may mga nagtilian na mahaharot na kababaihan sa paligid at nang tingnan ko kung ano yun kahit wala naman talaga akong balak pero parang kusang umikot yung ulo ko at nakita siya.

Siya na isa ring maharot, masama ang ugali, kinaiinisan ko, bully, isang halimaw, mayabang, gwapo, may magandang mga mata, perpektong hitsur— teka? Anong sinabi ko??! Pati yata ako abnormal na ehh! Tss..

Tinuloy ko ang aking paglalakad ng mapayapa at tahimik... Ngunit, subalit, datapwat— tss.. Ano pa ba ang aasahan ko kapag nasa iisang school ka sa isang batman na malala pa ang hitsura sa paniki. Joke, oo na gwapo siya! Pero! Pero! PERO! Hindi parin magbabago yun noh!

'Sus! Kunwari pa to! Kinikilig naman ang pwet neto! Ahihihi..'

Isang maliit na boses ang narinig ko sa aking nagiging abnormal na utak, tss.. Sarap tirisin ehh.. Sinong kinikilig??! Ako?! Tse! Never noh! Never! Never na kikiligin ang kahit anong body parts ko sa taong yan o kahit sino! Lalong lalo nang hindi kikiligin ang—

"Hey girlfriend—"

"Ay pwet!!" Napasigaw ako sa gulat at natigil ang aking pakikipag usap sa sarili ng may pangit na nanggulo sa mapayapa at tahimik kuno kong araw.

"Hoy! Ano?" Sabi niya. Tss.. Pagako mas nabadtrip sayo.. Tingnan natin.. "Hoy babae!" Ngunit hindi ko siya pinansin at binilisan ang paglalakad.

"Ayaw mo akong pansinin ha?!" Sabi niya at halos mapatalon ako sa sunod niyang ginawa.

To Be Continued..

De! Joke lang! Oo na sige na sasabihin ko na! Tss..

Halos mapatalon ako sa ginawa niyang paghawak sa bewang ko at dahan dahang bumababa iyon sa— HINDI! Ang vir***ty koo!!— Wow lakas maka vir***ty ehh, parang yun lang ang ginawa— Tss! Nahahawa na ako sa kadamakan ng peste na to!

Tumakbo ako ng napakabilis at konti nalang pwede ko nang palitan si Flash! Pero hindi pwede! Ayokong maging artista! Camera shy ako at isa pa hindi pa ako ready magkaroon ng career sa Hollywood! Peste! Ano bang pinagiisip ko?!

Nakarating ako sa daan papuntang cr at bigla kong naisip na pumasok doon, tingnan natin kung makapasok pa siya.. Hmp.. *insert evil smile*

Pumasok ako sa cr at dumiretso sa isang cubicle sa gitna, ayoko sa dulo nakakatakot. Hingal pa ako at mabilis na nilock ang cubicle kahit alam kong hindi naman niya tatangkaing pumasok.

Naghintay ako ng ilang oras at buti nalang hindi siya pumasok.. Haha wise din. Tss...

Hindi nga siya pumasok nabuhusan naman ako ng tubig. Tss.. Nakalimutan kong may tao sa labas..

"Hahaha! Let's go girls.." Narinig kong wika ni Vicky, ang queen bee ng college department..

"Oh. My. Gosh. Hey there, Mr. Xanders. Are you lost? Or... You need something?" Hindi naman sa judgemental ako pero yung pagkakasabi niya may pakay na iba ehh, at yung tono pa niya pang MMK ehh.. Hindi yung palabas ha, ibig sabihin nun Maharot at Malanding Kiti-kiti...

"Tss.. Shut up Trixie.." Huh? T-teka akala ko ba si Vicky? Hala baka namali lang ak—

"I-I'm not Trixie, I'm Vicky.." Nahuhurt na sabi ni Vicky. Haays.. Expectations versus reality nga naman. Teka maka react ako parang ano ako ehh— tss.. Nevermind.

Hindi ko na kimaya ang lamig at lumabas na ako ng cubicle ng basang basa dahil sa tubig na tinapon nila sa akin. Tila tumigil ang mundo (char) at lahat sila napatingin sa akin na mukhang basang sisiw.

"W-what the hell did you do in there??!" Tanong ni Kenzo na sinagot ko lang ng masamang tingin at madaling lumabas hahabulin sana ako ni Kenzo kaso pinigilan siya ni Trixie kuno at yun lang ang alam ko dahil dumiretso na ako papuntamg locker room.

Napatigil ako sa paglalakad at hinawakan ang aking dibdib kung saan banda ang aking puso. Aatakihin na naman ba ako? Bakit ganun? Parang may kumurot sa puso ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakakaramdam ako ng disappointment, anger, sadness at... Jealousy?

Ipinawalang bahala ko iyon at pumunta ng locker room..

Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso ako sa pangatlo kong klase dahil hindi na ako nakapunta sa pangalawa kong klase.

Bigla kong nakita si Jenelle na kasama ang pinakamamahal niyang kuya. Naalala ko bigla yung unang beses siyang nangalok,  ay mali namilit siya maging kaibigan ko.

Actually, I'm really thankful hindi man halata pero I'm very thankful na namilit si Jenelle, I'm very thankful dahil I had a chance to meet her, to have a friend... Like her.

Nung nalock ako, she saved me and even protected me from the harsh words they said about me. But what if... Walang bullies?? Hindi ko ba makikilala ang Jenelle na nagtatanggol sa aking with her brave and wise lines?

And speaking of bullies.. What if, he never bullied me or hindi naging masama ang ugali niya? Magkakasundo kaya kami? What if ang nakilalang kong Kenzo ay yung opposite ng Kenzo na nakilala ko?

Nagulat ako nang may pumigil sa akin sa paghila sa braso ko, nang lingunin ko iyon doon ako mas nagulat. Akala ko hindi na niya ako kukulitin pa, oo inaamin ko namismiss ko rin kahit konti lang ang kanyang pangungulit kahit isang peste ang tingin ko sa kanya.

Ewan ko pero parang napipi ako, ni walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang nalunok ko nang tuluyan ang boses ko nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya.

Naramdaman kong uminit yung pisngi ko, ewan ko kung bakit pero pang may kung anong nangyayari sa akin at hindi ako mapakali. Sobrang lapit nang mukha niya sa akin mga ilang inch nalang, ramdam ko na rin ang hininga niya na amoy.....
Amoy hininga, ano bang hinihingi nyong description ha? Tss..

"H-hoy! P-paniki! L-lumayo ka nga!" Sabi ko nang mabawi ko yung boses ko. Para akong aatakihin, sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? Nasobrahan yata ako ng oxygen ehh..

"Kala mo makakatakas ka sa akin?" Sabi niya sa akin and nagsmirk pa siya.. Hmp! Kala naman niya bagay ehh.. Tss..

Nagulat ako nang lumapit lalo yung mukha niya sa akin at—

gumilid sa tenga ko..

"No one can escape Kenzo Xanders, sweetie."

Tila naging isang musika ang kanyang boses ngunit parang lason na naging dahilan nang aking pagkaka paralyse.

Nagtaasan ang aking mga balahibo. Oo nga pala, baka nakakalimutan ko...

Isang gangster nga pala ang taong iyon....

Ang taong kinakatakutan ng lahat, ang taong sinusunod ng lahat, ang may lakas na loob na maghari sa buong eskwelahan, ang may lakas na loob na gawing alipin ang mga estudyante sa paaralang ito.

Si Christoffer Kenzo Xanders...

To Be Continued...
__________________________________

(( 1252 words))

Sorry sa after centuries ko na paguupdate! And shout out pala kay leianakdrama na kyot at makulit! Hahaha, yan na ang update oh! Hahaha sana magustuhan niyo! Inabot ako nang 1:48 dito! At hindi tuloy ako nakapag wish noong 11:11 hahaha! And wag kalimutang mag vote, comment and follow!

Kitakits sa next update! (Kahit nagbabasa lang kayo at hindi nyo talaga ako makita.. Lol)

Sana maintidihan niyo ang deep words nang lola niyo! Hays! Anes chuwabels! Naloloka akes sa mga matatalinhagang language! Haha oy! Pinaghirapan ko yan ha! Haha nosebleed akech! Charot! Hahaha..

Ang mga konting SPG scenes ay mga pakemi kemi leng! Wag seseryosohin itech! Hahaha! Ano? Nahiya naman ako sa gay language ko! Hahaha! Oh sige na baboosh!

Byeeeeeeiiii!!!

I Fell in love with my enemy!? (IFILWME Book 1)Where stories live. Discover now