Just your typical & cliché type of love story, a man that is worth waiting for in a poem way.—MNG's"February 14, 2017"
Tandang-tanda ko pa kung kelan tayo ulit nagkita pagkatapos ng halos dekada. Nagkabanggaan tayo sa may tapat ng ermita, tapos pagkatingin ko sayo alam kong "ikaw na".
Ikaw na, ang lalaking matagal ko ng hinihintay. Ang lalaking matagal ko ng gustong gustong mahawakan ang kamay. Ang lalaking may mga matang mapupungay, at ang lalaking gusto kong makasama habang buhay.
Pero pagkatapos mong humingi ng tawad sa hindi sinasadyang pagbangga ng balat mo sa balat ko ay bigla mong inabot ang mga kamay ko sabay sabing "Labas tayo? Libre ko." Halos huminto ang pagtibok ng aking puso, pero pilit akong ngumiti sabay hila sayo, papasok sa paborito kong resto at umupo sa aking pwesto.
Kilala ako ng mga tagapagsilbi doon, dahil tumatabay na ako dito simula pa noon. Nagulat nga si Manang eba dahil dati'y nangako ako, na balang araw isasama ko dito ang mapapangasawa ko, sabay tanong niya sakin ng "Sino 'yan? Nobyo mo? O baka naman, yan na ang mapapangasawa mo?"
Humarap ako kay manang Eba, na may pisnging namumula, sabay bulong sakanya "Huwag kang maingay manang, baka marinig ka." Sabay lingon sa katabi ko at pumeke ng ngiti, kasabay ng sabi ko sa kanya ng "Sige kain ka lang."
Pero nagulat ako, dahil sa hindi inaasahang pagtawa mo. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako, pero ang mas masaklap ay nabigkas ko ang mga katagang nagpahinto sa'yo ay "Ang gwapo mo."
Natampal ko ang aking bibig, pero napahinto dahil sa susunod na ginawa niya yun ay ang pagkakasabi niya na "Mas maganda ka." Napalingon ako sakanya, at sa hindi inaasahan, nakangiti siya na para bang wala lang ang sinabi ko kanina.
Pero tangina! Eto ang isa pinakamasayang araw ko, pagiisip ko habang naghuhuramentado ang puso ko! Lumingon ako sakanya, at pinanood nalang siyang kumain, pero napaiwas din ng tingin ng siya ay napalingon sakin.
Sa kabila ng pagpapantsya ko sakanya, naisip ko na hindi tama 'to. Dahil ang sabi nila pag 'ex' mo hindi mo na dapat ginugulo. May girlfriend na kaya siya? Pero bakit kaya hindi niya kasama? Break na kaya sila?
Hoy Nathania, umayos ka. Hindi porket inaya ka lang kumain ng 'ex' mo, eh ibigsabihin magiisip ka na ng kung ano-ano. Baka naman nagmagandang loob lang, oo tama, baka bumawi lang sa pagkakabangga.
"Nathania, tapos ka na ba?" Tatlong taon na ang nakalipas, simula ng huli mong binanggit ang pangalan ko, hindi niya ba natatandaan? Na etong araw na'to dapat ang aming ika-anim na anibersaryo. Baka naman nakalimutan niya na. Para kasi akong tanga pilit ko ba namang inaalala ang nakalipas na.
Sabay tayong lumabas, pero dumistansya ako sayo. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, at maangkin kita ng todo. Pero hindi na pwede 'to, kasi dati lang naman kitang nobyo, at wala naman ng 'tayo'. "Sige, una na ako."
Mga katagang hirap na hirap akong sabihin, kasabay ng pagtalikod ko, at naglakad na ako palayo sa'yo. Pero nakaka apat na hakbang palang ako, bumuhos na ang ulan sa lugar na'to. Pinabayaan ko nalang na mabasa ako, kasabay ng pag-agos ng luha ko. ''Nathania ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo! Akala ko ba nakapag-move on ka na? E bakit naluluha ka pa?"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
RandomMy 3AM thoughts, unspoken love, worthy-ism, revelations & ur typical-cliché-type of love story.