3AM thoughts.

13 0 1
                                    


Paano?

Paano mo nagagawang saktan ang babaeng minsan mo ng sinabihan na mahal mo.

Paano mo nagagawang tumingin ng diretso sa mga mata ko, kahit na alam kong niloloko mo lang ako.

Paano mo nagagawang umuwi padin at tumabi sa aking pagtulog, kahit na kakagaling mo lang sa bahay ng babae mo.

Paano mo nagagawang magsinungaling sa harapan ko, kahit na alam naman nating hindi yun ang totoo.

Paano mo nagagawang sabihin ang mga katagang "Mahal kita." Kahit na alam mo nakakasakit ka na.

Paano mo nagagawang manghingi ng pabor na ma-ikama ako, sa kabila ng mga naunang babaeng na-ikama mo.

Paano mo nagagawang mag-mano sa nanay ko, at makipaglaro sa mga pamangkin ko, kahit na may iba ng laman 'yang puso mo.

At paano..paano mo nagawang hiwalayan ako, pagkatapos kong sabihing gusto kong mag-pakasal na tayo.

Paano?

—5/9/17 3AM thought.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon