Where it all Started

9 0 0
                                    



I Love You... Sa tagalog 'Mahal Kita', ayan sinabi ko na. Para naman magkaalaman na. Hindi ka naman siguro manhid diba? Pero parang hindi mo dama, kaya ayan, diniretsa na kita.

Pilit kong pinaparamdam sa'yo, araw-araw ang aking pagbibigay ng motibo..sa pamamagitan ng paghatid-sundo sayo, ipinagluluto kita ng pabortio mo. Ako lagi ang gumagawa ng Mathematics Project mo.

Kasi hirap ka dun diba? Kaya nga ako nalang ang magaaksaya ng oras para lang magawan ka, dahil isang ngiti mo lang ay lubos na saki'y nagpapasaya, dahil mahal kita.

Sabi nila ang totoong pagmamahal ay nararamdaman mo pag ika'y dalawampu't lima na hanggang sa mahanap mo na 'siya'. Ang 'siya' na balang araw ay magpapasaya sa'yo. Ang 'siya' na mamahalin ka ng todo. Ang 'siya' na tatanggap sa pagkatao mo, ng buong-buo kahit na nakita niya na ang kahinaan mo. At ang 'siya' na papakasalan ka kahit na hindi ka sobrang ganda, dahil sa paningin niya ay perpekto ka.

Pero para sakin, walang pinipiling edad, panahon at lugar ang pagmamahal. Dahil dalawang taon na ang nagtagal, nung una kitang nakita mula sa itaas ng puno habang ako ay nagaaral. Nagmamadali ka na para bang may hinahanap ka, kaya hininto ko muna ang aking ginagawa at pinagmasadan ang iyong mukha.

"Napakaganda naman niya." Hindi ako nagdalawang isip na bumaba mula sa itaas at nagtago habang tinititigan ka. Lalapitan sana kita, kaso nagulat ako ng makitang umiiyak ka habang nakatingin sa isang lalaking masayang naglalakad habang kahawak ang kamay ng babaeng aking inaantay.

Ang bestfriend ko, kasama ang kanyang nobyo. Pero teka? Bakit umiiyak 'to? Bulong ko sa sarili ko, sabay kuha ng panyo at tumakbo papunta sa babaeng sinusundan ko, sabay abot sa mukha nito. "Miss, eto panyo oh.'' Tinignan mo ako, at nagulat ng ilang segundo. Nagtaka ako, pero bigla mong inabot ang kamay ko sabay kuha ng panyo. "Salamat dito."

Simula noon, alam kong ikaw na ang babaeng mamahalin ko. Sigurado ako. Sa sobrang sigurado ay nagdaan sa puntong natorpe na ako. Dahil ayokong sabihin sayo ng direkta ang pagmamahal ko, baka kasi may magbago. Pero nagbibigay ako ng motibo, para naman kahit papa-ano maramdaman mo.

Nagdaan ang dalawang taon, na ako lagi ang nagluluto ng ating 'baon'. Nararamdaman kong kinikilig ka, kapag may ginagawa akong sayo'y nakakapag-pasaya. Kaya pinagpatuloy ko ang aking ginagawa, hanggang sa natanong ko sa sarili ko,
'Ano nga ba tayo?'

Ano nga ba tayo? Iyan ang tanong na hirap na hirap akong sagutin sa tuwing mayroon akong lalaking pinagbabawalang mangligaw sa aking 'kuting'. Pero may matapang na nagtanong sakin si Christian, na tipong hindi ako tinantanan, maligawan niya lang si Kishianne.

"Bakit?! Ano ba kayo ha? Boyfriend ka ba? Nobyo? O Asawa? Ano sumagot ka? Wala ka sa mga yun diba? Dahil bestfriend ka lang niya, at hindi na yun hihigit pa. Wag ka ng umasa. Wala kang magagawa dahil gusto kong ligawan si Kishia!"

Inaamin ko, natamaan ako sa mga sinabi ni tarantado. Kaya napagdesisyunan kong umamin sayo, sa araw na yun mismo. Hinihintay kitang matapos ang klase mo, sa may puno, na inuupan ko nung kauna-unahang magkita tayo.

Ang init pero ako'y nanlalamig. Kinakabahan pero hindi mapigilan ang kaligayahan. Dahil sa wakas, makakaamin na din ako sakanya. Napagdesisyunan ko na, na walang mangyayari kung hindi ko isusugal ang aking nadarama. Naghintay pa ako ng ilang minuto at heto, dumating ka na.

Inaya kitang maglakad sa may palaruan malapit sa ating eskwelahan. Umupo ka sa may swing, at ako sayo'y napako ang tingin. Eto na. "Krishia, may sasabihin sana ako, wag kang mabigla." Napaangat ka ng tingin sabay ngiti at tumango sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon