Chapter 1: Who's that guy?

106 5 0
                                    

"Carla, excited na ako sa pasukan! Graduating na tayo noh?"

Nandito ako ngayon sa mall kasama ang bestfriend kong si Jenny. Bestfriend ko to since Grade 4. Siya ang heartthrob Princess namin sa school. Captainball namin sa volleyball. Nakalimutan ko din palang sabihin na volleyball player ako ng school namin. Oh eh di siya na! ^_^ Napakahilig sa pink! Addicted! 

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

"ha?? Ano yun?"

"Sabi ko fourth year na tayo this coming school year! Di ka ba excited? 1 week to go na lang pasukan na ulit."

"Ayoko pa ngang pumasok eh."

Makikita ko nanaman yung bwisit kong ex na si Kevin . Naku sana di kami magka-klase.

"Let me guess kung bakit ayaw mo pang pumasok. Makikita mo nanaman si Kevin?"

*sigh* kilala niya nga ako.

"Carla move on! Kalimutan mo na siya. DI ka dapat nagkakaganyan ng dahil lang sa kagaya niya."

"Hay nako bakit ba natin pinaguusapan to? nandito tayo para mamili ng mga gamit sa school hindi para pagusapan yung love life ko okay?"

"sabi mo eh."

Eto talaga si Jenny may pagkamakulit kahit kailan.

We're here at national bookstore. Naghiwalay muna kami ng landas. oo landas talaga. hahaha. May kanya kanya din kasi kaming bibilin dito. pero syempre magkasama pa rin kami paglabas namin dito.

Hmm.. Ano bang mas okay? Sign pen or hindi? Kasi ang ayoko naman sa sign pen makapal yung tinta. bumabakat sa likod ng manipis na papel eh at saka..

"Aray!".

Napaupo ako sa lakas ng pagbangga sakin at nabitawan ko din yung mga hawak ko pati yung basket. Ang sakit!

"Tss. Di ka kasi nagiingat." Sabi sakin nung lalaking nakabunggo sakin.

"Aba! Ang kapal din naman nung mukha mo noh! Ikaw na nga tong nakabunggo sakin tapos ako pa may kasalanan?!"

Napailing na lang siya at inaalok yung kamay niya sa akin. 

"I dont need your help!" Tapos tumayo na ako.

Pag tayo ko umalis na siya.

"Carla okay ka lang?" Nakita naman ako ni Jen.

"Okay lang ako. Kanina ka pa ba diyan?"

"Hindi ngayon lang. Sino yung kausap mo? Ang gwapo! Sheet!"

"Di ko kilala yung bwisit na yun. Ang kapal ng mukha!"

"Naku Carla! Sana makita ko ulit siya! Ang pogi niya pramis!"

"Ano ka ba naman Jenn. Nasaktan na nga ako siya pa rin iniisip mo" Sabi ko kay jen habang pinupulot yung mga nalalag na gamit. 

"Ay sorry Carla. Para kasing iba talaga yung naramdaman ko nung nakita ko siya. Ang gwapo gwapo niya eh! DI ko mapigilan yung sarili ko."

Nagpagpag naman ako.

"Hay nako Jenn. Tara na nga. Tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya then kinuha ko na yung sign pen.

"Oo. Ikaw?"

"Oo. Tara na mag bayad na tayo tapos kain tayo KFC."

"Sure! Treat mo?"

"Sige na sige na!"

After namin mag bayad sa cashier, Dumiretso na kami sa KFC. 

"Hanap ka na ng table Jenn ako ng bahala dito."

If This Was a MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon