Chapter 2: First day of school

82 6 0
                                    

Carla Katniss's POV

Its him. AGAIN. Tapos pumasok na siya at umupo sa may tabi ko. Tumuloy na kami para daanan si Jenn. Ang kapal talaga ng mukha nito!!!!

"So, ikaw pala." Sabay ngiti at tingin ng nakakaloko. 

grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

Ganito ba kaliit ang mundo para siya yung maging kapatid ni kuya JC?? Urghhhhhhhhh! Ayoko na! Kumukulo nanaman yung dugo ko! DI ko nga masyadong naiisip si Kevin pero siya naman nakakapanginis sakin! Di ko din alam kung bakit pero ayoko talaga sa kanya!!! Siguro dahil sa sobrang yabang niya. Pero hindi eh! Iba talaga yung aura ng lalaking to sakin! Feeling ko napakaopposite person naming dalawa! Bakit kasi kailangan pa siyang isabay diba? Lahat na lang ba iaasa nila samin?! Baka ibilin pa to sakin ni kuya sa school ah! Hay nako! Di naman siguro otistik to para pati paghahanap ng classroom ibilin pa sa akin!

Napansin ko namang huminto na si kuya at bumusina.

Yes! Papasok na din si Jenn. May kausap na ako para maiba naman yung nasa isip ko at di ako manggalaiti dito! Napakayabang kasi ng lalaking to eh!

Lumabas naman yung mama ni Jenn.. "Naku Carlo hindi makakapasok si Jenny ngayon. Inaatake ng hika niya. Pakisabi na lang kay Carla na sabihin sa teacher niya kung bakit absent ngayon si Jenny. Kagabi pa kasi to eh. Kailangan niyang magpahinga." Sabi naman ni Tita Irene kay kuya Carlo.

Nako! Napano kaya si Jenn? Alam ko kasi hindi basta-basta inaatake yun ng hika niya eh. Sana okay lang siya. Hay nako wala pa akong kausap! first day of school Absent si Jenn at Bwisit na bwisit ako!

Nako sana di ko to kaklase!

After 20 minutes nakarating na din kami sa school. 

Bababa na sana ako kaso..

"Carla, Pakitulungan na lang si JR hanapin yung classroom niya ha. Baka kasi di niya mahanap kaagad at malate siya. May kalakihan pa nman yung school niyo. Isama mo na din sa sa pagtingin kung anong room niyo ha?" bilin naman sakin ni kuya.

"WHAT?!"

"Carla.."

"fine!" sagot ko tapos lumabas na rin ako sa sasakyan! tss. Badtrip!

Naglakad ako ng mabilis papunta sa 4th year high school department.

tumingin ako sa likod kung nakasunod siya sakin. Well oo. Pero ang angas talaga! Nakaheadphone pa!

Habang naglalakad kami papuntang 4th year high school department, Napansin kong pinagtitinginan siya ng mga high school girls. Tss. Gwapo? HIndi noh! Bwisit nga eh!

Nung makarating na kami, Lumapit naman ako agad sa may board. Dun nakasulat yung mga pangalan ng 4th year student at kung anong section nila. Tiningnan ko naman yung name ko,..

..

..

DI KO MAHANAP!

Napansin kong lumapit din siya at hinahanap yung pangalan niya. Bahala siya jan!

Hinanap ko na lang muna yung pangalan ko over 8 sections dito. Dami ba? ^_^ Pero di ko talaga makita kaya pangalan na lang ni Jenn yung hinanap ko. Kasi nagparequest naman ako kay kuya dito sa school na pareho kami ng section ni Jenn. 

Jennylyn Escalambre

Napansin kong umalis na siya. Tss. Di manlang talaga ako hinintay oh! Tss. Bakit nga ba ako nageexpect from a guy like him? Nagpatuloy pa din ako sa paghahanap.

Jennylyn Escalambre

Jennylyn Escalambre

..

..

If This Was a MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon