Chapter 4: Vince's Past

65 6 0
                                    

John Richard's POV

Pagkalabas namin ng principal's office, Nagpunta muna ako sa CR. Ayokong makasabay yung lalaking yun! Masyado siyang apektado sa ginawa ko. Kalalaking tao ganon yung asal. Bakla siguro yun. LOL. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ka-anu-ano kaya ni Kat yun? May past ba sila? O SILA? ano nga bang pakialam ko diba? Makapsok na nga sa classroom.

Pagdating ko sa classroom,

"Why are you late Mr. Lopez? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" Tanong naman sa akin ni ma'am.

"Ma'am, kasama ko po kanina si Kevin." Siguyro naman alam niya ibig kong sabihin.

"Okay. Take your seat." Tapos umupo na ako. 

Ang sama talaga ng tingin sakin nung Kevin na to. Parang babae. Tss. Pabayaan ko na nga lang.

Napatingin naman ako sa katabi ko. Tulog nanaman! Ganito ba kaantukin to?

Nako naman! Ano bang gagawin ko? Eh yung isang katabi ko mukhang masungit! Ayoko ngang ako yung unang mag-approach. 

Paulit ulit na lang yung sinasabi ng mga teacher. Kung ano yung sinabi nung isa, yun din yung sinabi ng iba! Di ba nila napansin na pare-pareho lang yung mga sinasabi nila? At yung mga sinasabi nila ngayon, Syempre nasabi na rin sa amin ng mga nakaraang teacher. Tss. Anong klaseng school ba 'to? 

(Hikab) Inaantok ako! Lakas makahawa ng katabi kong ewan! Makatulog na nga lang!

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGG*

kRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

Bell na pala. Lunch na. Makapunta na nga lang ng canteen. Siguro naman nadala na tong lalaking to. Paghinarang niya ulit ako, mas grabe pa aabutin niya saken.

Nagpunta na akong canteen.

Umorder na rin at kumain. Ano ba yan! Ang boring dito sa school na to. Wala manlang chicks? 

"PLEASE DIN KEVIN! wag ngayon!".

Ang ingay naman. Pero di ko na lilingunin. Papansin lang yung mga yan.

"Ano ba?!" 

Shit! NAGULAT AKO. Bukod sa ingay, Nagulat din ako dahil sa pagbagsak ng plato. Ano ba naman yan. sino ba kasi yung...

O_O Si Kat at si Kevin?

"Carla kahit saglit lang. Pagbigyan mo ako. Just this time." Sabi ni Kevin sa kanya. 

Ano bang namamagitan sa dalawang to. Sila nga ba talaga?

"ayoko nga!" sabi naman ni kat.

Nako. Gumagawa na ng eksena yung dalawang to dito sa canteen. Di na nahiya.

"Pagayaw niya, wag mo ng pilitin." Sinabi ko lang yun, Para manahimik sila pareho. Ang ingay kasi nila.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. Parang nagtataka. 

Bakit? totoo naman diba? Kung ayaw nung tao wag ng pilitin!

"Pare, Wag kang makialam dito. Usapan namin to ng girlfriend ko." Sabi naman niya sa akin. Sila nga talaga.

"Ano? Girlfriend? Pagkatapos mo akong ibreak nun sa harap ng maraming tao nakuha mo pang sabihin sa ibang tao na girlfriend mo ko? How dare you! AT alam mo, tama siya eh. Kung ayaw, wag ng pilitin. Kasi kahit ibitin mo ako ng patiwarik, Di mo ko mapipilit kung ayaw ko." Sabi naman ni Kat. Mga babae talaga oh. Daming satsat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If This Was a MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon