Maddie's
Matapos nun, di na kami masyado nag-usap. Di na rin kasi siya masyadong umuuwi dito sa dorm, dun yata siya sa bahay nila nag-stay ng madalas. Casual nalang kami. Atsaka I heard, okay na sila ni Jho. Well, good for them.
I'm here now sa kwarto nila Tey. Kat is here na rin so complete na yung batch namin. Pero she's not going to join us pa this coming season bc she's still recovering pa din.
"Trey, Mads! Please join me naman sa BEG, I'll just give this to Kuya Vince." Saad ni Kat.
"Okay!" Sagot ni Trey. Besides kailangan pa rin namin siyang alalayan kasi as I've said, she's still recovering.
Pagkapasok namin sa BEG ay narinig ko kaagad ang kaliskisan ng mga sapatos. Umupo muna kami sa bench at naghintay. Nang magkaroon ng break ang mga players ay tumakbo samin si Kuya Vince.
"Hi girls! Hi sister!" Bati samin ni Kuya Vince.
"Oh God Kuya! Just get this and we'll leave." Inip na sabi ni Kat.
"Nagmamadali ka, baby sis?" Mapang-asar na sabi ni Kuya Vince. Nako, ganyan talaga sila.
"Oo nga pala. Brix! Come here!" Sigaw niya at patakbo namang lumapit ang isang lalaki. Matangkad ito at maputi. Napansin ko rin ang singkit niyang mga mata.
"What?" Tanong nung Brix.
"Diba you told me you have a crush on Kat's batchmates? Sino sa kanila?"
Nagtawanan naman ang mga ka-team nila Kuya Vince.Pabirong sinuntok nung Brix yung braso ni Kuya Vince at sinamaan siya ng tingin.
"Wala. That was just a joke."
"Kunwari ka pa eh." Natatawang sagot ni Kuya Vince.
"Torpe mo Brix!" Sigaw ng teammate nila. Di ko alam kung sino.
Umakto si Kuya Vince na parang nag-iisip. "Hmm. You know that Therese's already taken. Bea also. So I guess it's Maddie?"
Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa kanilang dalawa.
"Haba ng hair Mads." Bulong sakin ni Tey at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Uh... Hi, I'm Brix." Nahihiyang sabi ni Brix habang nagkakamot ng batok. Hahaha cute.
Nginitian ko siya. "Maddie. Nice to meet you." Sagot ko.
Naghiyawan naman ang mga teammates niya at inasar siya.
Nagpaalam na kami na babalik sa dorm at habang naglalakad kami ay di pa rin ako tinitigilan ng dalawa.
"Hahaha Mads, he's cute ah. Naks magkaka-lovelife ka na!" Therese said.
"Finally! Tapos na ang kamartyran!" Dagdag pa ni Kat.
"Tigilan niyo kong dalawa ha. Ka-stress!"
Bumalik kami sa dorm at nagsipuntahan sa kanya-kanya naming mga kwarto.
Pumasok ako at nakitang walang tao sa loob. As usual, wala nanaman akong kasama. Chi-neck ko nalang ang phone ko at nag-scroll nalang sa twitter. Tinignan ko ang notifications ko at nakita ko ang mga nag-follow.
@brixramos followed you.
Finollow-back ko na rin siya kasi ano, nakakahiya baka sabihin snob ako eh.
Pinatay ko na ang phone ko at napagpasiyahan na matulog nalang.
Therese's
Nandito ako ngayon sa cafeteria habang gumagawa ng assignment. Eh mas gusto ko dito kaysa sa library eh bat ba hahaha.
"Hi Trey!" Nagulat ako ng may biglang umupo sa harapan ko.
Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Bea. "What are you doing here?" Pataray kong tanong.
"Chill! Sungit natin ah? Meron ka?" Sagot niya habang natatawa. Inirapan ko siya. At tinuloy ko nalang ang ginagawa ko.
"Si Mads?" Tanong niya.
Inangat ko muli ang paningin ko. "Paki mo?" Matapos mong iwanan mag-isa sa dorm tatanong mo ngayon.
"I was just asking." Sagot niya habang nakangisi.
"Nakipag-date." Try lang, baka magselos hehe.
"What?"
"Diba tinatanong mo kung asan si Maddie? Ayun nakipag-date." Nawala naman ang ngisi niya. Galing mo Trey! Hahaha.
"Weh?"
"Bakit? Selos ka?" Mapang-asar na sabi ko.
"Why would I?" Hoo sungit.
Iniwas niya ang tingin niya sakin. If I know...
"Joke lang! Ano ka ba." Inirapan ko siya at muli kong binalikan ang ginagawa ko.
"Saka okay na rin yun. Para naman may iba na siyang pagkaka-abalahan aside from you."
"Teka teka. Sino ba?" Ha?
"Anong sino?" Gulo namin pareho I admit.
"Duh. The one na sinasabi mo na ibang pagkaka-abalahan ni Maddie." She rolled her eyes on me.
"Ah yun ba?" Nginitian ko siya. "Secret." Na agad ko ring binawi.
"Come on, Trey! Sino ba?" Pangungulit pa niya.
"Kulit mo! Shh nga. I'm doing something!"
"Sige ka di ako mags-stop unless you told me who it is."
"Fine. Why do you care?"
"I care for her! Malay mo if may masamang balak pala that one! Maddie is my friend."
Sabagay, pero no! I think he's a good boy naman. Well, based on his looks.
"Sus, selos ka lang eh." Bulong ko.
Agad namang napataas ang kilay niya.
"Eto naman di mabiro. Sasabihin ko na po hehe. Pero pakibaba po muna yung kilay niyong kasing taas ng Mt. Everest."
But one thing's for sure, she's jealous big time.
-------
Soooo late bc school is so stressful daz y can't update regularly. 😢 Bear w/ me guys! Aaaand please spoil me with bd ganaps hehe 😆
-q
YOU ARE READING
The Only Exception
Fanfic"I-I love you." I smiled at her. "Thank you! But I'm sorry, I don't love you anymore." Then I walked out. Sana noon pa Bea, sana noon mo pa sinabi yan.