Thrid Person POV
Pagkatanggap ni Julia ng text mula kay kath ay agad nya itong nireplayan. Marami pa syang tinanong kay kath gaya ng bakit kailangan di ito malaman ng mga boys. Ang tanging sagot lang ni kath ay “I’ll explain it later”. Sinabihan naman agad ni Julia ang kanilang mga kaibigan. Hindi nila alam kung paano lulusot sa kanilang mga boyfriend mamaya. Hindi sila sanay na magtago sa mga ito pero nakapagbitiw sila ng pangako kay Kath. Hindi nila maintindihan kung bakit kailangang silang babae lang ang makakaalam nito. Nakakapagtaka dahil kilala si Kath na very open sa barkada. Pinagkibit balikat na lamang nila ito. Marahil ay sasabihin din ni Kath ang dahilan sa kanila.
Pagkatapos ng kanilang klase ay agad nilang inayos ang kanilang mga gamit. Nagmamadali sila upang maiwasan ang pagtatanong ng mga boys. Mabuti na lamang ay wala silang lakad ngayon na buong barkada kundi mas mahihirapan sila.
“Nagmamadali yata kayo?” puna ni Neil sa kanila. Walang umimik sa mga babae dahilan para mas lalong kumunot ang mga noo ng mga binata.
“M-may b-biglang la-lakad k-kase K-k-ami” nauutal na sagot ni Yen. Ngumiti sya pero halatang pilit. Nanginginig din siya dahil baka mabuking sila ng mga ito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magtatago sila ng sekreto sa mga lalake ngunit kakaiba talaga ang nararamdaman nila ngayon. May hindi tama. Parang may hindi magandang mangyayari. Yan ang nararamdaman nila.
“saan? Sama kami.” Seryosong sabi ni Albie. Nakakaramdam na din ang mga lalaki na may tinatago ang mga kaibigan nila sa kanila.
“NO!" Pasigaw na sabi ni Julia. "I mean.. babae lang pwede. You know? Girl bonding.” Dugtong nya. Napalunok naman ito ng makita ang naniningkit na mata ni Diego.
“Alright. Basta siguraduhin nyong hindi kayo manlalake kung ayaw nyong magkagulo.” Sagot ni Neil. Bahagya namang nakahinga ng maayos ang mga babae. YES! Sigaw nila sa kanilang mga isip.
“Yes sir!” nakangiting sagot ni Yen. Tumango lamang si Neil at kanya kanya ng nagpaalam sa isa’t isa ang mga magkasintahan. Marami pang hinabilin ang mga boys sa kanila. Palabas na ng classroom ang mga girls ng magsalita si Dj.
“Kasama nyo ba si Kath, juls?” nagkatinginan silang lahat.
“O-oo.” Tipid na sagot ni Julia.
“ah. Cge” ang tanging nasabi lang ni Dj. Ang totoo ay gusto nyang sabihin kay Julia na sabihin kay Kath na miss na miss na nya ito at nag-aalala na ito sa kanya.
Gusto na nya itong makausap. Gusto na nya itong ulit makasama at makayakap pero pinipilit nya ang sarili nya na bigyan ng space si Kath. Natatakot sya na iwan syang bigla ni Kath. Hindi sila nagkikita at nagkakausap. Hindi nya lam kung ano ang nararamdaman ngayon ni Kath. Wala syang alam kung ano ang tinatakbo ng isip nito ngayon. Hindi nya alam kung kalian balak syang kausapin ulit nito. Natatakot sya. Napapraning sya. Bakit natiis ni kath na hindi sya Makita at makausap. Madalas syang nakatitig kay Kath ngunit ni minsan ay hindi nya ito tinapunan ng tingin. Mahal pa ba sya nito? Bahagyang namuo ang luha sa kanyang mata dahil sa kanyang mga naiisip. Damn! Miss na miss na nya ito!
Tinapik ni Marco si Dj ng mapansin ang pagkatulala nito. Ramdam nilang nasasaktan na ang dalawa sa nangyayari. Wala silang magawa. Ayaw nilang makialam dahil baka mas lalong magkagulo at maapektuhan lalo ang barkada. Gusto din nila na sila mismo ang magayos nito para sigurado silang handa na sila lalo na si Kath.
Nagkayayaan sila na maglaro ng video games sa bahay nila Dj. Nasa kwarto sila nito. Tahimik na nanunuod si Dj sa kanyang mga kaibigan naglalaro. Paminsan magtatawanan ang magbabarkada pero sya ay bahagyang ngumimgiti lamang. Lumilipad ang isip nya. Iniisip nya si Kath. Iniisip nya kung anong ginagawa nito ngayon kasama sila Julia. Tumatawa ba ito o katulad nyang iniisip lang sya? Namimiss ba sya nito gaya ng kung paano sya kasabik na makausap at makasama ito ulit?