PAALALA : HINDI NA PO BUO ANG KWENTONG ITO DAHIL INILIPAT KO NA PO ITO SA DREAME. KUNG NAIS NIYO PO ITO NA MABASA NG BUO AY PUMUNTA NA LANG PO KAYO SA DREAME AT HANAPIN IYON SA ACCOUNT KO. LIBRE PA RIN PO NINYO ITONG MABABASA ROON.
RM LOCSIN PO ANG ACCOUNT KO.
SALAMAT!
___ ••• ___
SA isang malaki at mamahaling silid ng isang pribadong ospital ay araw-araw na naghihintay ang lalaking si Ricardo sa muling pagising ng halos tatlong buwan ng comatose na asawang si Arianna.
Tatlong buwan na rin ang nakakalipas ng mangyari ang isang trahedya na naging dahilan ng pagka-comatose ng kanyang asawa.
Halos maligo na ito nang dugo ng isugod ito noon sa ospital dahil pumutok ang ulo nito sa tindi ng impact no'ng mahulog ito mula sa hagdan sa second floor ng kanilang bahay.
Kwento ni Ricardo, Naglilinis daw ang asawa niya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang bigla itong makaramdam ng pagkahilo. At dahil doon nadulas ang mga paa nito at gumulong siya pababa ng hagdan.
Halos araw-araw ay hindi na umaalis si Ricardo sa tabi ng natutulog niyang asawa dahil gusto niya na siya ang unang makita nito kapag magising na ito.
Tatlong taon nang mag-asawa si Ricardo at Ariana. Sa tatlong taong pagsasama nila ay hindi parin sila nabibiyayaan ng anak. Ayon sa Doktor no'ng minsan ay nagpatingin ang dalawa, imposible na raw na mabiyayaan pa ng anak ang dalawa dahil baog si Ricardo. Kulang at hindi sapat ang napo-produce na semilya ni Ricardo para mabuntis nito ang kaniyang kabiyak. Hindi naman iyon naging issue kay Arianna dahil sa mahal niya ang kanyang asawa kahit ano man ang mangyari.
Sa isang tahimik na gubat sa tagaytay nakatirik ang pinagawang bahay ni Ricardo na siyang magiging lugar kung saan sana nila bubuhuin ang napagplanuhan nilang pamilya. Isang babae at isang lalaki raw ang hinihiling na maging anak ni Ricardo sa asawa niyang si Arianna. Ngunit ang lahat ng pangarap ni Ricardo ay naglaho nang malaman nga niyang baog siya. Mabuti at hindi parin nagbago ang pagmamahal ni Arianna sa kanya bagkus mas lalo pa nga siya nitong minahal pa.
Mabait, tahimik at mapagmahal. Ilan lang iyan sa mga katangian na nagustohan ni Ricardo sa kanyang asawa. Maswerte parin siya dahil sa dami ng nanliligaw dati kay Ariana ay siya ang nagustuhan nito. Kaya pinangako niya dito na mamahalin niya ang kanyang asawa hanggang sa siya ay nabubuhay pa.
Napaigtad si Ricardo ng maramadaman niya na parang gumalaw ang dalari sa kamay ng natutulog na kabiyak. Nakatulog na rin pala siya sa isang upuan sa tabi ng ospital bed ng kanyang asawa habang hawak-hawak niya ang malambot na kamay nito.
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Ricardo ng maramdaman niya ang muling pag-galaw ng daliri sa kamay ng kanyang asawa.
Dahan-dahang minulat ni Ariana ang kanyang mga mata. Mariin naman niya itong pinikit ng manibago siya. Ngunit ng masanay na ay unti-unti na niya itong minulat.
"Sa wakas nagising kana mahal ko." Puno ng kaligayahan na sambit ni Ricardo. Bakas sa maamong mukha ng lalaki ang galigayahan sa muling paggising ng kanyang asawa.
"Sandali lang, tatawag lang ako ng doktor." Pagkasabi niyon ni Ricardo ay patakbo agad siyang lumabas ng silid para tawagin ang doktor ng kanyang asawa.
Ilang sigundo lang ang lumipas, dumating na agad si Ricardo kasama ang isang lalaking Doktor.
Mabilis na sinuri ng Doktor ang kalagayan ni Ariana. Maging ang Doktor ay hindi rin makapaniwala sa muling pagkagising nito. Ayon kasi sa Doktor, maliit na lamang ang posibilidad na magigising pa ang kanyang asawa dahil sa tindi ng sugat na natamo nito na siyang naging dahilan ng pagtigil ng pag circulate ng dugo nito sa kanyang utak. Himala na lang daw ang pwedi niyang asahan na magigising pa ang kanyang asawa.
Walang araw na hindi pumupunta ng simbahan si Ricardo upang ipagdasal ang muling paggising at tuluyang paggaling ng kanyang asawa. At sa wakas ay dininig na nga ng Diyos ang matagal na niyang pananlangin.
"Sino kayo? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko rito?" Sunod sunod na tanong ni Arianna sa dalawang lalaking kaharap.
Nagulat sila sa mga sinabing iyon ni Arianna.
Nagkatinginan ang dalawa lalaki.
"Ako si Ricardo mahal, ang asawa mo. Nandito ka ngayon sa ospital." mabilis na turan ni Ricardo.
"Dok, ano pong nangyayari sa asawa ko? Bakit wala siyang maalala?"
"We need some test para masuri pa nang husto ang kalagayan ng iyong asawa. Ito na siguro ang resulta ng sugat sa ulo niya.
"Ano po ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan si Ricardo sa naging paliwanag ng doktor.
"It is posible that she has a temporary amnesia. Pansamantalang mawawalan ng memorya ang tao na nakakaranas ng ganitong sakit. Hindi naman ito severe amnesia may ilang alala rin siyang naalala. Babalik din naman ang alaala ng pasyenti sa tulong ng mga medikasiyon. Wala kang dapat ikabahala. Gagaling pa ang asawa mo." Paliwanag ng doctor.
Nagulat si Ricardo sa sinabing iyon ng Doktor. Akala niya ay tapus na ang paghihirap na mararanasan ng kanyang asawa ngunit may panibago na naman pala itong sakit.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
KABIYAK (Published Under Dreame)
HorrorIsang trahedya ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala ni Arianna. Ngunit sa pagbabalik niya sa dating bahay nila ng asawa niyang si Ricardo ay unti-unti nitong madidiskubre ang puno't-dulo ng lahat. Ano kayang misteryo ang malalaman ni Arianna na...