-CHAPTER 4-

3.2K 96 1
                                    

CHAPTER FOUR
___ ••• ___

ANG nagtatakang mukha ni Ricardo ang bumungad sa paningin ni Arianna nang lingunin niya ang may-ari ng kamay na humawak sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ng kaniyang asawa.

"Ano'ng ginagawa mo rito, mahal? Bakit ka nandito sa labas?" Nagaalalang tanong ni Ricardo sa kanyang asawa.

"E, kasi may ta-- Naputol ang sasabihin ni Arianna nang ibaling niya ang kanyang tingin sa kinatatayuan ng lalaki. Nagulat siya dahil wala na ito roon. Paano siya naka alis nang gano'n ka bilis? Ni hindi man lang niya ito naramdaman.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo, mahal?" Naguguluhan na saad ni Ricardo. "Mabuti pa bumalik kana sa kwarto at magpahinga kana."

"P-pero-- "

"Sige na."

Wala nang nagawa pa si Arianna sa sinabi ng kanyang asawa. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Baka nga namamalikmata lamang siya sa kanyang nakita dahil kung totoo ngang magnanakaw iyon bakit hindi lamang ito tumakbo nang sitahin niya ito kanina.

Nakasunod lang si Arianna sa likod ni Ricardo habang naglalakad papunta ng kanilang kwarto. Hindi niya mapigilang hindi mapatingin sa sahig kung saan niya nakita ang mga bakas ng putikang paa kanina. Laking gulat ni Arianna nang wala na siyang makitang kahit na anong bakas at wala na roon ang nabasag na plorera. Bigla namang napaisip si Arianna. Minumulto nga ba ang bahay nila?

Hindi na muling dinalaw pa ng antok si Arianna. Hindi parin maalis sa isip niya ang mga nangyari kanina. Posible nga kayang multo ang lalaking nakita niya kanina? Kung ganoon, ano naman kaya ang sadya nito para magpakita sa kanya? At bakit hindi man lang ito lumingon ng kausapin niya ito kanina? Napansin din niya na parang hindi man lang pinansin ni Ricardo ang sasabihin niyam Ni hindi man lang ito nagtanong kung saan niya gagamitin ang hawak niyang baseball bat. Parang may mali. Matagal na bang alam ni Ricardo na minumulto ang bahay nila? Bakit wala naman siyang naalala na nagkwento si Ricardo tungkol dito.

Pumihit siya ng higa. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na kabiyak. Kahit saang anggulo niya tignan ang asawa niya ay gwapo parin ito. Maswerte na siguro siya na nagkaroon siya ng asawa na kagaya ni Ricardo bukod sa mabait na ay mapagmahal pa ito.

Maya-maya pa ay unti-unti nang inaantok si Ariannn. Dahan-dahan na niyang ipinipikit ang kanyang mata at ilang saglit pa ay nakatulog na rin siya.

Nang masigurong tulog na ang kanyang asawa ay dahan-dahan namang minulat ni Ricardo ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang asawa. Napaka inosente ito basi sa nakikita niya. Alam niyang pareho nilang mahal ang isa't-isa. Pero paano na lamang kung bumalik na ang alaala ni Arianna at malaman nito ang totoo? Sigurado siyang kamumuhian siya nito. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Gagawa siya nang paraan! Hindi siya makakapayag na iwanan siya nang taong minahal niya nang higit pa sa buhay niya.

TO BE CONTINUED...

KABIYAK (Published Under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon