___ ••• ___
DIS-ORAS ng gabi nang magising si Arianna mula sa mahimbing na pagtulog. Nagising kasi siya nang may marinig siyang mga yabag ng paa sa salas. Pumihit siya sa kabilang dako ng kama. Wala doon si Ricardo. Baka nga mga yabag ng paa ni Ricardo ang mga naririnig niyang iyon. Marahil ay nagising ito at pumunta ng banyo.
Babalik na sana si Arianna sa pagtulog ng magulantang siya nang makarinig na naman siya na parang may nabasag. Parang nabasag na plorera. Sinindihan ni Arianna ang lamp shade at agad na bumangon. Hindi kaya may magnanakaw na nakapasok sa bahay nila at nasa panganib si Ricardo? Pero kung magnanakaw nga iyon baka may dala itong armas at mapahamak pa siya kapag lumabas agad siya.
Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at agad na tinungo ang pinto ng kwarto. Kinakabahan na siya sa posibiladad na baka nasa panganib si Ricardo. Nilibot niya ang kanyang paningin sa apat na sulok ng kwarto at naghanap ng pwedi niyang gawin pangdepensa kung sakaling nilooban nga sila. Nahagip ng kanyang paningin ang isang baseball bat na nakasandal sa gilid ng kabinet na naroon. Agad naman niya itong kinuha.
Kinakabahan na bumalik siya sa pinto at buong ingat niya itong binuksan. Sinigurado niya na hindi ito makalikha ng ano mang ingay baka marinig ito ng taong nanloob sa kanila.
Kadiliman ang sumalubong kay Arianna ng lumabas siya ng kwarto ngunit may munting liwanag ng buwan na siyang tumatagos sa salaming bintana ng kanilang bahay. Sapat na ito para makita niya ang kanyang dinadaanan.
Maingat ang mga hakbang na tinungo ni Arianna ang salas ng kanilang bahay. Hindi niya mapigilang kabahan sa gagawin niya. Tama ba itong gagawin niya? Baka mapahamak lamang siya. Pero kailangan niyang gawin ito.
Isang basag na plorera ang nadatnan ni Arianna nang nasa salas na siya. Inikot niya ang kanyang paningin sa bawat sulok niyon habang hawak ang baseball bat na gagamitin niya kung sakaling totoo nga ang hinala niya.
Wala namang ibang nasirang gamit bukod sa nakita niyang basag na plorera. Hinala niya ay nahagip lamang ito nang kung sino man ang dumaan dito.
Nagawi ang mga mata ni Arianna sa bakas ng putikan paa sa sahig. Nanggaling ito sa back door ng kanilang bahay. Hindi niya malaman ang gagawin. Susundan ba niya ang bakas o doon niya na lang hahanapin si Ricardo sa pangalawang palapag ng bahay. Baka nga doon ito natulog. Naguguluhan na si Arianna. Kailangan na niyang makita si Ricardo bago pa makagawa ng masama ang taong nanloob sa kanila.
Buong tapang na tinungo ni Arianna ang pinto sa may back door ng bahay. Wala na siyang choice kundi alamin kung sino ang nakapasok sa kanilang bahay. Hindi pa siguro ito nakakalabas ng bakuran nila. Naabutan niyang nakabukas ang pinto ng back door. Doon nga nanggaling ang nasabing bakas ng putikang paa.
Isang malamig na hangin ang sumalubong kay Arianna nang ihakbang na niya ang nanginginig na mga paa sa labas. Tumambad sa harap niya ang isang lalaki. Nakatalikod ito sa gawi niya. Mukhang naghihintay lamang itong sitahin.
"Si-sino ka? Pa'no ka nakapasok dito?!" Pasigaw niyang tanong.
Wala siyang nakuhang tugon mula sa nakatalikod na lalaki. Mukhang hindi siya nito pinapansin.
"Magnanakaw ka, no?" Naiinis na turan ni Arianna. Bakit hindi lamang ito nasindak o tumakbo man lang kung magnanakaw nga ito.
Nanatili lamang itong nakatayo.
Mahigpit ang pagkahawak niya sa baseball bat at dahan-dahan niyang nilapitan ang nakatalokod na lalaki. Itinaas niya ang baseball bat na hawak at umakto na hahampasin niya ito.
Hindi na niya nagawa pang hampasin ang nakatalikod na lalaki ng bigla siyang nakaramdam ng isang pares ng kamay na nakapatong sa kanyang balikat. Kinakabahan na nilingon niya ito.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
KABIYAK (Published Under Dreame)
HorrorIsang trahedya ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala ni Arianna. Ngunit sa pagbabalik niya sa dating bahay nila ng asawa niyang si Ricardo ay unti-unti nitong madidiskubre ang puno't-dulo ng lahat. Ano kayang misteryo ang malalaman ni Arianna na...