CHAPTER FIVE
___ ••• ___"BREAKFAST in bed!" Nakangiting turan ni Ricardo habang bitbit ang tray na may laman ng hinanda niyang almusal para kay Arianna. Pritong itlog, sinangag, hotdog at isang mainit na gatas.
Napangiti namang napatingin si Arianna sa effort na ginagawa ng kanyang asawa.
"Mukhang ang aga mo yatang nagising mahal, ha?" Ani Arianna habang pinuposod ang lampas balikat nitong buhok.
"Syempre naman, ako pa!" Ito kumain kana." Inilapag nito ang bitbit na tray sa lamesita na naroon.
Kinuha ni Ricardo ang plato at nilagyan ito ng mga paboritong almusal ng asawa.
"Open your mouth, Aahhh.." Ani Ricardo habang hawak ang kutsarang may lamang pagkain at isusubo ito sa kanyang asawa.
Para namang bata na sumunod lang si Arianna sa mga sinabi ng kanyang asawa.
Matapus kumain ni Arianna ay pinainom agad siya ni Ricardo ng gamot na niresita ng doktor kay Arianna.
"Siya nga pala mahal, kailangan ko munang umalis ngayon. Pinapa report na kasi ako ng opisina dahil marami na raw akong tambak na trabaho na tatapusin, Aalis sana ako ngayon kung okey lang sayo?"
Tumango si Arianna bilang pagtugon sa sinabi ni Ricardo.
"Oo naman, kaya ko na ang sarili ko, mahal. Ilan buwan ka na ring hindi naka report dahil lang sa pagaalaga sa akin, kaya sige na, umalis kana." nakangiting turan nito.
"Talaga, mahal?"
"Oo! Kaya kumain kana rin nang makapag-ayos kana."
"Hindi naman kita pweding iwan dito nang walang kasama. Hihintayin ko na lang dumating ang nurse mo bago ako umalis."
Nang dumating ang kinuhang personal nurse ni Ricardo na siyang titingin sa kanya asawa ay agad din siyang umalis. Ibinilin ni Ricardo ang mga dapat gawin ni Shiela maliban lamang sa pagpapainom ng gamot kay Arianna. Obligasiyon daw ni Shiela ang mga iyon pero wala namang nagawa ito ng nagpupumilit talaga si Ricardo na siya na ang magpapainom ng gamot sa asawa. Kailangan daw niya kasing masiguro na iniinom ng maayos ni Arianna ang mga gamot niya. Twice a day lang naman ang pag-inom niyon ni Arianna. Sa umaga lang at gabi. Magagawa naman daw iyon ni Ricardo dahil nandito na naman siya sa bahay sa mga oras na iyon.
Napag-isipan ni Arianna na mag libot-libot sa labas ng kanilang bahay. Ilang araw na rin siya na nasa loob lamang ng bahay. Hindi kasi siya pinapayagan lumabas mag-isa ni Ricardo. Mahigpit ito sa kaniya pero alan niyang sa ikakabuti naman nito ang ginagawa nito para sa kaniya.
"Ma'am Arianna, Bilin po ni Sir Ricardo na hindi raw muna kayo pweding lumabas."
"Magpapahangin lang ako sa labas, shiela. Wag kang mag alala sandali lang naman ako."
"Pero ma'--
"Okey lang ako Shiela. Kaya ko na ang sarili ko. At saka wala naman ang Sir mo, e. Promise, sandali lang talaga ako. Babalik agad ako."
Wala ng nagawa pa si Shiela sa pagpupumilit ni Arianna. Hinayaan na lang niya ito. Ang Sir Ricardo lang naman niya ang nagbabawal kay Arianna na lumabas ng bahay. Sa totoo lang mas mainam nga sa kalagayan ni Arianna ang lumabas labas naman kahit minsan sa bahay para naman malibang ito at makakatulong pa ito sa tuluyang paggaling ni Arianna.
Hindi niya alam kung bakit pa siya kinuha ni Ricardo na maging personal nurse ng asawa nito kung ito lang naman ang gumagawa ng obligasiyon na siya sana ang gagawa. Pero okey na rin 'yon atleast mapapadali ang trabaho niya at isa pa malaki rin naman ang makukuha niyang sahod mula kay Ricardo.
Umabot na sa likod ng bahay si Arianna sa paglilibot sa buong bahay. Napakaganda roon. Gusto niya kasi ang tahimik na ambiance ng isang lugar.
Napangiti si Arianna nang mahagip nang mga mata niya ang isang duyan na nakatali sa dalawang malaking puno na magkaharap. Ang sarap siguro humiga roon lalo na't napakasarap ng hangin na dumadampi sa balat mo. Nakakarelax!
Agad namang nilapitan ni Arianna ang nasabing duyan at humiga roon. Nakatingin lang si Arianna sa mga nagtataasang puno na naroon. Nalilibang siya habang pinagmamasdan ang mga puno na gumigiwang habang hinahampas ng sariwang hangin.
Hindi sinasadya na mabaling ang tingin ni Arianna sa lupa malapit sa kinaroroonan niya. Parang may napansin siyang kakaiba roon. Parang may inilibing na kung ano roon. Puno ng kyuryusidad na nilapitan niya ito. Yumukod siya at sinuri ang lupa. Hindi niya alam pero parang may kutob siyang kakaiba.
"Arianna!" Isang pamilyar na boses ang narinig ni Arianna na naging dahilan para lingunin niya iyon.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
KABIYAK (Published Under Dreame)
HorrorIsang trahedya ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala ni Arianna. Ngunit sa pagbabalik niya sa dating bahay nila ng asawa niyang si Ricardo ay unti-unti nitong madidiskubre ang puno't-dulo ng lahat. Ano kayang misteryo ang malalaman ni Arianna na...