Katotohanan

31 1 0
                                    

"Hana... Hana.."

May tumatawag ba sa akin. Bakit ang dilim.

"MS. HANA BUENACENTURA!!!!!" Sigaw ng matandang boses.

Teka boses yun ni Ma'am. Nasa impyerno ba ako?

"HAAAANAAA" Napadilat bigla si Hana. Iniikot niya ang paningin niya sa paligid niya. Napangiti siya ng bahagya.

"At aba'y (ubo) ngumiti pa." Nakasimangot na sabi ng teacher.

Ibig sabihin panaginip lang yun. Mas naging malaki ang ngiti nito.

"Nang aasar pa talaga 'to (ubo)."

"Ma'am, magturo na po kayo" Nakangiting sambit ni Hana.

"Lumabas ka muna (ubo) saka ako magtutuloy"

"Bakit po?" Tanong nito.

"Nagtatanong ka pa." Epal ng class ng president nila na si Krizza. "Hinayaan ka na nga naming matulog para walang BOBO sa klase eh kaso bigla kang nagsisigaw ng tulong! tulong! wag niyo kong patayin" Nagtawanan naman ang buong klase.

"Tumigil ka Krizza! Kung ayaw mong tahiin ko yang bibig mo" Pagbabanta ni Hana.

"Jan ka magaling magbanta" sambit ni Krizza.

"Tama (ubo) na.. upo na kayo. Magsimula na tayo."

Tumahimik na ang lahat ng biglang "Ahhhhh" sumigaw si Krizza habang may natulong dugo sa bibig niya.

"Waaaaah" nagsigawan ang lahat.

"Tumawag kayong doktor. Krizza kalma lang. Diyos ko" Napapaiyak na sambit ng teacher.

Panaginip lang 'to.

"Hindi ito panaginip Hana. Di ba gusto mong tahiin ko ang bibig nitong babae." Hindi makapaniwala si Hana sa nakikita. Isang batang babaeng mukhang manika ang nagsasalita katabi niya si Krizza may hawak itong karayom. "Hana. hindi na ito panaginip. Gagawin ko lahat ng nais mo" sambit nito sabay tusok ng karayom sa labi ni Krizza. Iyak na ng iyak si Krizza sa sobrang sakit pati rin ang lahat ng tao ay nag iiyakan na.

"Pigilan nyo yang batang yan. Di ko yan kilala yan. Hindi ko gusto yan" Umiiyak na rin si Hana sa takot.

Napunta bigla ang bata sa harap niya "Ikaw lang nakakakita sa akin. Ako ay pagmamay-ari mo. Hindi ka ba natutuwa?" Ngumiti ulit ito na parang walang nangyayaring kaguluhan.

Napansin nga ni Hana na parang walang ibang nakakakita dito. "Kung talagang gagawin mo lahat ng gusto ko. Itigil mo na 'to parang awa mo na. Sige na." pagmamakaawa ni Hana.

Ngumiti ang bata dito "Sige." Lumapit muli ang bata kay Krizza at hinila ang sinulid sa labi nito ng todo lakas na dahilan ng pagtanggal sa buong labi nito at pagsirit ng napakaraming dugo. Nagpalibot ang dugo sa buong classroom. Lahat tulala sa pangyayaring yun.

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon