Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin alam kung ano nga ba ang tunay na nangyari kay Krizza kaya hindi muna ginamit ang classroom na pinagganapan ng misteryo.
Ang tunay na problema sobrang nakokonasensya si Hana dahil alam niya ang nangyari pero alam niya rin na hindi siya paniniwalaan ng kahit sino dahil ang pangyayaring nasaksihan niya ay imposible at mahirap talagang ipaliwanag lalo na sa sitwasyon niya na tinatawag ng Bobo, walang utak, at walang alam kundi matulog.
Sa pagpasok ni Hana usap-usapan pa din ang nangyari at isa nga doon ay ang huling pag-uusap ni Hana at Krizza.
Habang naglalakad siya naririnig niya ang mga usapan.
"Bwiset. Bwiset. Bwiset. Mamat..." Bago pa man nya mabuo ang sinasabi niya naalala niya bigla ang batang mukhang manika. "Grr. kasumpa sumpa"
"Hana" Tawag ng isang lalake sa kanya.
"Bakit?"
Lumapit ang lalake kay Hana at bumulong "Totoo bang may kapangyarihan ka?"
Nabadtrip si Hana sa narinig na tanong "Tado ka ah! kung wala kang itatanong na maayos umalis ka sa daraanan ko" sabay lakad nito pero hinawakan siya ng lalake sa braso ng mahigpit.
"Bitiwan mo nga ako." angal ni Hana.
"Ayoko nga" sagot ng lalake sa pabulong na paraan.
Nagtinginan ang dalawa na wari'y ay nagpapatayan sa isip.
Maya maya pa ay may lumapit sa dalawa na isang babae at may mga sumusunod dito."Hoy Hana!! ano naman yang kalandiang ginagawa mo?" tanong ng babae sa pasosyal na pananalita "Hindi ako naniniwala sa mga chismis kaya hindi ako natatakot sayo" patuloy nito pero hindi siya pinapansin ng dalawa na masama pa din ang tingin sa isa't isa. Nainis ang babae kaya tinulak niya si Hana.
"What the.. tigilan mo akong maarte ka" sambit ni Hana dito.
"Ow. matatakot na ba ako?" Pang-aasar ng babae.
"Tigilan mo ako" Galit na sambit nito.
"Hana" Hinawakan siya muli ng lalake "Wag ka ng magsalita baka may mapahamak pa"
"Tss" Sabay lakad nito ng mabilis paalis.
"Hana!" Sigaw ng lalake.
Susunod sana ang lalake kay Hana pero pinigilan siya ng mga babae. "Bago ka dito? Umiwas ka sa babaeng yun mangkukulam yun, walking disaster"
"Hindi kaya ikaw ang dapat kung iwasan" Ngumiti ito sabay lakad upang sundan si Hana.
Hindi na pumasok si Hana. Umalis siya ng school pero hindi siya umuwi. Naglakad lakad lang sa kung saan saan.
"Mag-isa ka?" Tanong ng lalake.
Dahil matangkad ito tumingala pa si Hana para makilala ito. "Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?"
"Sabihin na nating stalker mo." sabay ngiti nito.
Nabadtrip si Hana kaya hinawakan niya sa kwelyo ang lalake "Stop bothering me!"
"Ops joke lang. Andito ako para tulungan ka"
"Wala akong problema" sabay bitaw niya sa kwelyo ng lalake.
Nanahimik ang dalawa at seryosong nagsalita ang lalake "Hindi ka niya titigilan hanggat hindi ka niya naaangkin"
Napatingin lang si Hana sa lalake tinitigan niya ang mata nito at nakita niya ang pagiging totoo nito.
Nagpatuloy ang lalake sa pagkwento "Mahirap ng talikuran yan pag nagtagal pa at pag humiling ka ng humiling mas magiging aktibo siya"
"Bakit ako?" Tanong ni Hana
"Hindi ka niya pinili nagkataon lang ang lahat. Sabihin mo sakin may natanggap ka bang bagay bago maganap ito?"
"Teka" Inalala muna ni Hana ang mga nangyari. "Notebook? Tama. May manikang nakadrawing doon" Kinuha niya ito sa bag niya at iniabot sa lalake.
"Mas mabuting pumunta tayo sa lugar na pinanggalingan nito" Hinila niya si Hana at naglakad lakad sila napunta sila sa tahimik na lugar at may nag-iisang bahay.