1: Panaginip o katotohanan?

54 1 0
                                    

"HANA, maghanda ka na. Ang bagal talaga nito kumilos" singhal ng kanyang ina.

Tumayo na si Hana sa kama niya pero hindi pa din gumagalaw.

"HAAANAAA!!!! ANO BA!!! BILIS BILISAN MO NGANG KUMILOS" Sigaw muli ng kanyang ina na nakaabang na sa hagdan.

Mabagal na kumilos si Hana. Para siyang zombie maglakad. Dahan-dahan nakayuko at ang bigat ng bawat hakbang.

"Ano na naman pag-iinarte yan. HANA"

"Ma, zombie na ako"

"Zombie??!! Anak bago maging zombie kakagatin ka muna nito at ang hanap ng zombie UTAK. Eh wala ka naman nun" Sabay tawa nito.

Padabog na umupo sa mesa si Hana at nagtimpla ng kape.

Mahina ang utak ni Hana pero malakas ang physical niyang katawan. Parati din siyang minamaliit ng mga kaklase niya at ginagàwan ng chismis.

Maaga pa kaya naisipan niyang maglakad. Paliko liko siya maglakad hanggang may nakabangga siyang matandang babae na may bitbit na mga notebook na nahulog, pinulot ito ni Hana at inabot niya sa matanda.

"Salamat iha" Pagpapasalamat ng matanda.

"Iha ito notebook para sa aking pasasalamat" Iniaabot ng matanda ang isang kwaderno na may drawing sa pabalat ng isang mukha ng manika.

"Naku, wag na po"

"Sige na. Tanggapin mo na. Parang awa mo na" Pagmamakawa nito.

Nagtataka si Hana kung bakit ganun na lang ito magpasalamat at para matigil na tinanggap niya na lang ang binibigay nito. "Salamat po.?"

Pagkatanggap ni Hana daglian naman naglakad ang matanda. Pinagpatuloy na lang ni Hana ang paglalakad patungo sa school. Masama ang gising nito kaya diretso lang siya s upuan niya tumulala saglit at naalala niya ang nangyari kaninang umaga. Naglabas siya ng ballpen at notebook na binigay sa kanya ng matanda "Bwiset ang ingay talaga dito".

"Class.. buksan (ubo) (ubo)" Pasok ng teacher nila na inuubo.

"Bwiset. sana mamatay na 'to" pabulong ni Hana.

"Get your note.. (ubo) .. book (ubo) aaargh.." Bigla biglang bumagsak ito.

Nagulat at naglapitan ang mga estudyante at ang iba naman lumabas para magtawag ng tulong at may mga nag-iyakan pa "Ma'am.. Ma'am!!!!" sigaw ng mga estudyante.

"Tss. Plastic. Buti nga mamatay na yan" bulong ni Hana. Siya lang ang hindi tumayo sa upuan.

"Dapat nga magpasalamat sila sayo" Isang boses batang babae ang nagsalita sa likod niya pero paglingon niya wala namang tao.

"Tsk. Baliw na talaga ata ako" sambit nito sa sarili.

"KASALANAN MO 'TO!!!" Sigaw ng isang kaklase niya na nakaturo pa sa kanya.

"Hoy. Anong pinagsasabi mo jan" sagot nito.

"IKAW ANG MAYSALA" Sambit pa ng isa

"IKAW ANG MAYSALA" Dalawa na sila

"IKAW MAY SALA.! IKAW ANG MAY SALA!" Paulit-ulit na banggit ng mga kaklase niya habang nakaturo sa kanya.

"Hoy, wag kayong magbiro ng ganyan." Napapaatras na si Hana sa takot

Huminto na ang mga kaklase niya pero nakaturo pa din sa kanya. Maya maya pa ay bumangon na muli ang teacher nila. "Oh buhay pa si Ma'am. Itigil nyo na yan" Pagmamakaawa ni Hana sa mga kaklase niya.

"Pinatay mo ko" Galit na sambit ng teacher nila. Lumakad ito papalapit kay Hana at nagsunudan ang mga kaklase niya.

"Teka .. ano. anong gagawin niyo?!. Lumayo kayo."

"MAMATAY KA NA. MAMATAY KA NA. MAMATAY KA NA" Paulit-ulit at sabay sabay na banggit ng mga kaklase niya habang papalapit sa kanya.

Napaupo na lang si Hana sa sahig nanginginig sa takot at hindi siya makagalaw "Bakit ..? bakit di ako makagalaw.. arrgh. tulong... tulong... TULOOOOOOOOONG!!!!!!!" Sigaw ni Hana gamit ang kanyang buong lakas at dahil dun nahimatay siya.

PamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon