"Paano mo nalaman ang mga tungkol dito?" Tanong ni Hana dahil bigla siyang kinabahan.
"60 yrs ago sa lugar din ito naganap ang laban ng dalawang nilalang na nag-aagaw sa katungkulang mamuno sa pamilya. Magkapatid sila pero ang isa ay ganid at masama gumamit siya ng makalumang paraan para maipahamak ang kapatid niya. Inialay niya ang kapatid niya para maangkin ang kapangyarihang makapagbibigay ng lahat ng gusto niya at ito ay maituturing na mahikang itim pero may pagkakamali siyang nagawa hindi niya na sigurado na patay na ang kapatid niya nagbalik ito at naghigante. Naglaban sila at ang masamang kapatid ay isinumpa at ikinulong dito. Pero ang tunay na nangyari ay iba talaga ang sumumpa at hindi ang mabuting kapatid." Paliwanag ni Red.
"Teka 60 yrs. ago lang? at taga dito? eh ang nag papakita sa akin bata pero ang kasuotan niya parang taga Europa noong lumang panahon pa at mukha pa siyang manika. Paano yun?" tanong ni Hana
"Dahil dito" Iniharap ng lalake ang notebook.
"Kinopya niya ang mukha nito. Para di na siya makilala at mas lalong paniwalaan ng mga taong lolokohin niya. Bilib nga ako sayo wala kang hinihingi na kahit ano kaya lahat ng binabanggit mo yun na lang ginagawa niya"
"Naisip ko kasi... wala akong gustong makuha kaya ganun. Tsaka sino ka ba talaga at paanong ngayon ay gumagala na siya wala na ba ang sumpa?" Tanong ni Hana.
Pumasok na sila sa loob. "May mga kabataang pumasok dito at pinakealaman ang hindi dapat. Magiging tunay siyang tao muli kapag nakakolekta siya ng 3 kaluluwa and I think ikaw na ang magiging pangatlo." Paliwanag muli ng lalake.
"Sino ka ba?" Tanong muli ni Hana.
"Ako si Red at sabihin na nating ako ang nagmana ng trabahong isumpa muli ang taong masama" Nakangiting sagot nito.
"Ahh pwedeng ikaw na lang"
"Di mo ba ako tutulungan?"
"Natatakot ako."
"Trust me. I need your help. Please" Pagmamakaawa ni Red.
"Fine. So anong gagawin ko?" Tanong ni Hana
Umupo sila sa sahig inilapag ang notebook binuksan niya ito sa unang pahina at binuhusan ng langis na na kalagay sa maliit na bote. Ang walang sulat na pahina ay may biglang lumabas na sulat "IM NOMINI PATRIO SIC VOTA IM"
"Wow. Magic ano yan?" tanong ni Hana na namamangha
"Ayan ang ginamit na pang seal. Kapag may taong nagbanggit nito mawawalan ito ng bisa" Paliwanag ni Red
“Eh? Paanong napakealaman ng mga tao yan kung kelangan pang buhusan ng kung ano yan para mabasa”
“Mantika lang ‘to. Siguro sa hindi inaasahan pagkakataon nabuhusan nila ‘to ganun.
"Parang password. So anong next?"
"Anong oras na ba?"
"2:45"
“Pahiram ako ng ballpen at papel" Utos ni Red.
Nagbigay naman si Hana at nagsulat n si Red ng mga salitang mahirap intindihin.
"Para saan naman yan.?"
"Ililipat na natin siya dito. Mas mahabang password mas mahirap basahin."
"Ahh bakit hindi mo na lang siya patayin? kesa iseal e mabubukasan at makakalaya din siya." Tanong ni Hana na naguguluhan na.
"Di ba nagagawa niyang ibigay gusto mo so kahit siya kaya niya at alam mo gusto niya mabuhay ng walang hanggan at nakuha niya iyon. Kahit sampung ulit natin siyang patayin ay mabubuhay siya. Kaya dapat maseal natin siya ng mabuti." Paliwanag ni Red.