Chapter 1

33 3 1
                                    

Hi.

Aeya's POV

"Oo ma, kaya kona po okay? Nasa Main Hall yung  bulletin board, Dun nakapaskil lahat ng names ng students with their respective rooms so doon ko rin hahanapin ang name ko and then Hahanapin ko lang naman yung section ko tapos hahanapin ko lang yung room ko. Tama diba?" May pagkasarkastiko kong saad kay mama.

Hindi ko alam bakit ganito ka OA ang nanay ko. Well, unang araw lang naman ng school, bago kong school rather. Siguro nagaalala lang sya maulit ang nangyari sakin last first day of school, pano ba naman last year, bagong transfer lang din ako sa dati kong school and guess what? Hindi lang naman ako nakapasok sa room ko dahil hindi ko alam kung nasaan ang bulletin board nila, just stupidyante right? Yeah I know. No need to mention it.

So here I am, at my new classroom with my new classmates. Seems nothing special and to the point na its getting boring habang tumatagal.

Nilibot ko ang kaubuuan ng bago kong room but theres a group of boys out there who captured my attention. Sobrang iingay nila, take note! sila lang ang maingay sa buong room, ugh! Kung ano-ano pang pantitrip ang ginagawa nila sa mga classmates namin, muka ring mayayabang lalo na yung may red na bag, sya lang naman ang nangunguna sa kalokohan at game na game na naman ang mga kaibigan nyang sundan ang yapak nya, although they're like Gods because of their physical features pero who cares? Attitude is more important to me. Napa rolled eyes nalang tuloy ako nang marealized kong pinuri ko pa pala sila sa isip ko.

Mag iisang oras na pala akong di nagsasalita, Ugh! I can't take this anymore feeling ko lalagnatin na'ko, buti nalang in just a moment biglang dumating ang una namin teacher. Thank God! Matatahimik narin ang paligid but . . . Akala ko lang pala yon, mas lalong lumigalig ang mga lalaki sa gilid para ba silang hari, Gosh! Does they even know the word R-E-S-P-E-C-T? Kasi feeling ko hinde. Napa face palm nalang tuloy ako realizing na Masyadong mabait ang teacher na 'to kaya inaabuso.

"Okay class, Enough na. You Paolo, Carl and the gangs, Behave first! So seems we have a new students here, why don't we let them introduce theirselves, please come here infront and tell us about you guys" Saad ni Ms.Lean which is obviously referring to me and my co-transferees

"Hi. I'm Aeyannah Cortis but you can call me Aeya uhmm . . . I hope we can all be friends" simple kong pagpapakilala.

Lumipas ang mga oras ng palagi lang ganon ang scenario, magpapakilala and thats all. Sabi ko nanga ba boring eh. I miss my friends, dapat ko na bang pagsisihang nagpalipat ako ng school,Ugh.

"Uhmmm... Hi? Aeya Right?" Tanong ng classmate kong babae.

"Yah. Hmmm you are?" Tanong ko naman.

"Mckenzie A. Delavin, i know it sounds like a boy pero I'm absolutely a girl ah, baka isipin mo lesbian ako, yun lang talaga gusto ng parents ko ipangalan sakin eh and yet i found it cool. So by the way, you can call me Mac for short." Pagpapakilala nya

Ayos din 'tong babaeng to ah. Mabait naman at friendly kaso too strong personality can kill me. Feeling ko di kami magciclick nitong babaeng 'to.

"By the way, you seems irritated huh? Is there a problem? Sila pao no? HAHAHA nako nako" Puna ni Mac.

"Huh? I dont know what your talking about." Pagmamaang maangan ko.

"Kow. Don't me, Alam mo sa una lang yan, masasanay karin ganyan din ako nung una sa kanila, but you know what mababait yang mga yan maloloko lang ng konti pero mababait lalo na si Carl the guy with the red bag." pagpapaliwanag ni mac.

What?! Mabait? Psh. He doesn't even know the word "respect" sya panga nauuna sa kagaspangan kanina sa harap ni Ms.Lean, the first teacher na pumasok kanina, tapos mabait?! And His Name is Carl pala ah, well I dont fucking care.

__

Lumipas ang ilang araw at marami narin akong nagiging kaibigan pero believe it or not, sa lahat ng nakilala ko mas naging close kami ni Mac HAHAHA totoo ngang don't judge a book by its cover.

Si Mac ang sinasabihan ko ng mga napupuna ko sa mga classmates namin at sya lang rin ang  nakaka alam na crush ko ang isa sa mga lalaking kinaiinisan ko 'noon'. Si Ash, he's chinito, dancer, bubbly at mabait. Pano ko nasabing mabait? Well katabi ko lang naman sya, and lagi nya kong tinutulungan in his simple ways, napatunayan ko narin mababait nga ang mga kaibigan nyang sila paolo except Carl 'coz One time we had a group work and paolo with the gang including ash was our co-members EXCEPT Carl (well buti naman) at dahil ang cover ng groupwork nayon was their past lessons wala akong kaalam alam, also the other newbies but still, di manlang sila naghesitate tulungan kaming mga newbies. Tama nga si Mac mapang asar lang sila pero mabait naman pero hindi ko pa alam kung ganon din ba si Carl, wait! Bakit koba sya iniisip. Ugh!

__

Well its been a month since my first day in class parang kaylan lang. Friday night na ngayon, so 2 days ko palang di makikita si Ash, ang mga mata nyang nawawala every time nangiti sya, his perfect nose, His charming smile, his gentle acts ugh! Even his scent, whaaaa! So I decided to stalk him on facebook para naman maibsan tong pagpapantasya ko sa kanya then biglang may nag pop up na  Friend Request.

Carl Jackson Villa Diego
Accept   or   ✘Delete

Accepted ✔

After ko maaccept si Si Carl bumalik nako sa una kong ginagawa ang pangs-stalk kay ash pero in just a couple of minute biglang may nag message pero since busy ako, hindi ko pinansin hanggang sa sunod sunod na ang pagtunong ng messenger ko.

Carl: Hi.
Carl: Hi Aeya.
Carl: Aeya!
Carl: Hi!
Carl: Psst! Aeya.
Carl: A
Carl: E
Carl: Y
Carl: A
Carl: Hi :)

Carl Jackson is Typing...

What the?! Ano Hindi pasya tapos manadtad? Ano bang trip neto?! Ugh!

Me: Hi. Why?

Simple kong sagot. Aba bakit ba? istorbo sya no! Pag lang di ko nalike yung bagong post ni Ash eh, iba-block ko talaga 'tong mokong na 'to.

Carl: Uhmmm... Wala naman hehe 😅
Carl: Salamat nga pala sa pag accept ah, alam mo bang ang tagal kong hinahanap 'tong account mo. Double N pala yung aeyannah mo, kung di ko pa nakita sa friend list ni Ash di pa kita maa-add 😔

Gusto ko sana syang barahin kaso there's something na di ko maintindihan, wait! What?! Teka teka. Hinahanap nya daw Yung account ko? Bakit? Para san? Hmmmmm...

Me: Ah ganon ba? Wala yon, Ba't mo nga pala hinahanap yung account ko?

Carl: Ah wala naman, gusto ko lang kasi sana makipag friends? Di kasi kita malapitan sa personal, Feeling ko kasi ayaw mo sakin, so it gives me an idea na kahit manlang sana sa Social Media Maging friends tayo :) So can we be friends?

Me: Sure.

We continued chatting 'til 3am and for me that night was a blast. Simula non everyday na kaming magkausap, Chats, texts even calls. Yup, He even asked for my number. Mas naging close kami even in person, marami nanga lang ang nagulat, even Mac.

Carl was a band member of 'Funters' He's a drummer but he can also plays Acoustic and Bass Guitar, He can also dance in short Talented at Mabait naman pala talaga ang mokong, at dahil sa mga traits nya madali nyang nakuha ang pus---este loob ko.

Ang taong nagpapasimangot sakin noon ay ang taong nagpapangiti na sakin ngayon.

I think there's already something about us na hinde ko maexplain pero kung ano man 'yon, ayako na mawala yon. Hindi ko na muna iisipin kung ano man yon basta ang mahalaga napapasaya nya ako araw araw.

And it all started with a simple Hi.

The One To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon