Prologue

9 2 0
                                        

"Raijin!! wag mo akong iwan.. Huwag kang bibitaw, mahal ko!", iyak ng isang babae habang naka yakap sa isang duguan na lalaki..

  "M--mahal...k--ko... Hanggang... d--dito nalang...ang a--aking buhay... 'Wag mong-- kakalimutan na mahal...n--na mahal kita"-mga salitang binitawan niya bago siya bawian ng buhay...

  "Raijin!,mahal ko!! Huwag mo 'kong iwan!". Kasabay ng kaniyang sigaw ay ang pagbangon niya mula sa isa na namang bangungot... Pawisan at hinahabol niya pa rin ang kaniyang hininga at tsaka bumangon mula sa pagkakahiga.. Ayan na naman ang panaginip na palagi siyang dinadalaw tuwing natutulog. Isang hindi maipaliwanag na pangyayari at halos hindi klaro sa senaryo ang mga mukha.
   Magkasintahan, duguan, putukan, sigawan, at iyakan ang palagi niyang naririnig. Kung hindi ganyan ang senaryo, ay isang babae na nakasuot ng kulay itim na weeding gown at nakatago ang mukha sa kaniyang mahahabang buhok na inaalon ng malakas na ihip ng hangin habang nakatayo sa lilim ng napaka laking puno na umaapoy. Minsan ay napapanaginipan niya ang magkasintahan na ikinakasal sa isang napakagandang simbahan. Dahil sa mga ganyang panaginip ay palagi siyang nagigising ng alas tres ng umaga, at hanggang ngayon ay palaisipan parin sa kaniya ang mga nasa panaginip niya.

Dream Of My Past (On Going)Where stories live. Discover now