••CHAPTER 1•• CONFUSED

11 2 1
                                    

   3:00am. Minabuti ko na lang na mag jogging dahil ito naman palagi ang nakasanayan kong gawain para ikindisyon muli ang aking sarili mula sa bangungot. Madilim pa ang paligid nang ako'y lumabas ng aming bahay, pero dahil sa streetlight ay sapat na para sa akin na makita ang daan. Kasabay nang pagyakap ng malamig na simoy ng hangin ay siya ring malalim na pag-iisip kung bakit iyon ang palaging senaryo na napa panaginipan ko. Haay...😧hindi ko tuloy ma-enjoy ang mahabang tulog ko o mae-experience manlang😭

     Sa aking pagtakbo, ay madadaanan ko na naman ang mga weird na bahay dito. Nagtataka nga rin ako minsan na maraming napaka laking bahay dito na mukhang makaluma at kung hindi ka naman sanay sa lugar na ito ay iisipin mo na hunted house ang mga ito at puro mga witch ang nakatira dito... Haay..kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko 😑 Konti rin ang mga tao dito dahil malayo din ito sa kabihasnan. Pati nga 'yung school na pinapasukan ko, malayo rin sa bahay namin...buti nalang at may kotse ako mula sa regalo sa'kin ni papa.

   "Haay... Kapagod naman", sabi ko at minabuti muna na maglakad. 3:56 a.m na pagtingin ko sa suot kong relo at kinuha ang earphones sa aking tenga. Sa aking paglalakad, ay nadaanan ko ang napakalaking mansion mula sa napakataas at napaka laking gate na nababalutan ng mga ligaw na damo, dahil na rin siguro sa katandaan at hindi manlang linilinisan. Ang sabi noon ni tita sa'kin ay ito raw ang bahay ng mga Grisham, na siyang may-ari ng lugar na ito. Lahat ng mga facilities sa lugar na ito ay ipinatayo niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita o ang mga taong nakatira sa mansion na ito. Sabi-sabi rin ng iba na may lahi daw ang mga Grisham na mangkukulam...ang sabi din ng iba ay may maligno raw dito at kapag sino man ang magtangkang pumasok dito ay hindi na raw makaka-uwi.. Haay naku😑tsismis nga naman... Minabuti ko na lang na mag jogging uli at umuwi ng bahay dahil tiyak gising na sila sa bahay.

   5:06am.  Binuksan ko ang main door ng bahay at dumiretso sa kusina dahil panigurado naghahanda na si Tita Rein ng break fast.
  "Good morning sa napakaganda kong Tita", sabi o sa nakatalikod kong tita na nakayakap sa kaniya.
  "Sus! Bolerong binata to...", tsaka piningot ang tenga ko nang makaharap siya.
  "Aray naman tita. Naglalambing lang naman eh😑", sabi ko na naka pout.
  "Oh sia, good morning din iho...tulungan mo na ako sa paghahanda nito, tsaka gisingin mo na rin ang papa mo para makapag- breakfast na tayo", sabi niya at kinuha ko naman ang dala niyang pinggan at inilapag iyon sa mesa.
  "Siya nga pala Andrei, bago ka bumalik dito, maligo ka muna...amoy pawis ka na naman", pahabol pa niyang sabi.
  "Yes Ma'am!", sabi ko sa kaniya na naka salute pang army sabay takbo paakyat ng hagdan.

   "Iho, next week na pala ang pasukan niyo?", tanong ni papa sa'kin. Dito kami ngayon sa dinning area at kasalukuyang kumakain ng pancake na luto ni tita.
  "Opo pa...doon nalang po siguro ako ulit mag-eenroll sa NYU para hindi po masyadong malayo mula dito", sabay kagat ko ng pancake.
  "Mabuti naman kung ganun. Tsaka bukas samahan mo ako sa bayan para magdeposito sa bangko", sabi ni papa at uminom ng kaniyang kape. Kung nagtataka kayo kung bakit tatlo lang kami sa hapag,  'yun ay dahil kami lang talaga dito sa bahay... Tahimik palagi ang bahay dahil wala na kaming iba pang kasama. Wala na akong ina at hindi ko manlang siya nakilala, si Tita Rein naman ay kapatid ni papa.

   "Ah...ganun ba pre? So, kelan kayo aalis?", sabi ko sa kabilang linya.
  "Bukas na nga eh...kung kelan pa na malapit na ang pasukan,lilipat pa kamk ng bahay sa Menessota... ", sabi ni Brandon sa kabilang linya.
   "Ganun ba pre, sige mag-ingat ka nalang doon", "okay pre, bye", at binaba ko na ang phone at humiga sa aking kama. Bumitaw ako ng malalim na buntong-hininga at iniisip parin kung ano kaya ang gagawin ko sa loob ng natitirang araw bago ang pasukan.
  "Ughh!!", sabunot ko sa aking buhok dahil sa katotohanang papasok na naman ako sa school😑😪 Aissh!..nakakatamad. Bumukas ang pinto ng aking kwarto kaya napadako ang tingin ko doon.
  "Nakatunganga ka na naman diyan", sabi ni tita pagkapasok niya ba may dalang damit. Pinanood ko lang siyang nilalagay ang mga iyon sa aking kabinet.
  "Nakita niyo na po ba ang nakatira don sa napakalaking mansion sa Street Scully? 'Yung sinasabi niyo dati na sina Mr. Grisham?" Ewan ko nga kung bakit bigla ko na lang yun natanong. Huminto muna siya ng ilang sandali sa kaniyang ginagawa tsaka niya ako binalingan na naka kunot ang noo.
  "Ba't mo naman yan natanong?", tanong niya at binalingan muli ang atensyon sa paglalagay ng mga damit at sinarado iyon.
  "Ah...wala naman...nagtataka lang kasi ako, na hanggang ngayon hindi ko pa sila nakikita... Tsaka,dinadaanan ko kasi ang mansion nila tuwing nagjo-jogging ako..."sagot ko naman kay tita.
  "Alam mo kasi Andrei, ang pamilyang Grisham ay hindi masyadong sociable. Masyado silang busy sa buhay nila",paliwanag naman niya at pagkatapos ay niligpit ang iilan na kalat sa kwarto ko... Kung ganun, iilan lang ang nakakita o nakakilala sa kanila?hmm..
  "Kelan ko kaya sila makikilala o makikita?"natanong ko nalang bigla.
  "Naku talagang bata ka...makikita mo rin sila...", ay? Ganun? Bigla naman akong naging interesado... Binuksan ni tita ang pinto para lumabas, pero nagtaka ako kung bakit siya huminto ng ilang segundo doon habang hawak ang door knob...
  "...sa takdang panahon...makikilala mo rin sila, Andrei", sabi niya at tuluyan nang lumabas ng aking kwarto. Bigla naman sumagi sa isipan ko ang huling sinabi ni Tita Rein.. Anong ibig niyang sabihin?

  ~please support this chapter 😂😀 vote/comment/ and be a fan! 😀 wait for the update of chapter 2..  Gomawo😘😂

  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream Of My Past (On Going)Where stories live. Discover now