Chapter 10.0 -Jealousy

139 4 0
                                    

--------

ADRIAN POV

Maagang nambulabog si Lexie sa bahay..

Nagpapasama ito sa isang boutique para daw bumili ng masusuot niya para mamayang gabi..

"Sige na kasi cous.. Minsan lang naman eh.. Please??"-naka pout niyang sabi habang iniistorbo ako sa pagtulog

"Bakit ba di ka na lang bumili mag isa? Tsaka lalaki ako, malay ko ba sa mga ganyan.."-reklamo ko.

"Ay naku. Mas okay nga yun kasi lalaki ka. Gets mo ba? Basta, sige na.."-pamimilit niya

Bumuntong hininga naman ako at padabog na bumangon na..

"Sige na! Lumabas ka na muna para makapag ayos na ako."-inis kong sabi

She smiled at me..

"Thanks insan! Hehehe. Bilisan mo ha?"-siya

Hindi na ako sumagot dahil agad na rin naman siyang lumabas..

Napabuga ako ng hangin bago tinatamad na tumungo ng cr..

"Yes! Natapos din! Daig mo pa babae."-reklamo ni Lexie

I just rolled my eyes on her tsaka ko siya niyaya na lumabas..

"What do you think, cous?"-nakangiting tanong ni Lexie sakin habang hawak hawak yung dalawang dress

Bored ko lang siyang tiningnan..

"Bahala ka. Sukatin mo kasi."-ako

"Psh. Suplado nito. Sige na nga."-nakapout niyang sabi tsaka tumungo sa fitting room

Habang ako naman, naupo lang sa bakanteng couch dun..

Ilang sandali lang ay lumabas na rin siya at syempre tulad ng ibang ginagawa, tanong dito tanong dun ang ginawa niya..

Syempre, ako naman.. Kahit tinatamad.. Dapat pa rin sagutin ko siya kung ano ang opinyon ko..

-----

FROST POV

Nandito ako sa training hall..

Wala akong ginawa kundi magmukmok at mag ensayo ng mag ensayo..

Di ko na pinansin ang pagod ko..

"Frost, tama na yan.. Magpahinga ka naman.."-singhal ni Jea

"Oo nga naman Frost.. Kahit one hour lang tapos go ka ulit."-red

Hindi ko sila pinansin.. Tuloy lang ako sa pagsipa, suntok, pag ddagger at kung ano ano pa..

"Sabi nga nila diba, pangit din kapag nasobrahan ka sa pag eensayo.. Baka lalong mawalan at mabawasan yung energy mo."-red

Tumango naman si Jea bilang pagsang ayon..

Nang biglang..

*shhhccck..

"Awww!"-sigaw ko

Naramdaman ko na lang ang hapdi sa kanang kamay ko..

Pagtingin ko rito, nakita ko ang mahabang paguhit na sugat mula sa dagger..

Kita ko ang tuloy tuloy na pagdaloy ng dugo..

Napansin kong nasa tabi ko na pala sila Jea..

"What happened??"-red

"Oh my gosh, Frost.. Yung kamay mo.. Daming dugo.. Teka na."-natatarantang sabi ni Jea sabay tungo sa kinukuhanan ng first aid

Hawak naman ni Red ang kamay ko at tila inaalalayan iyon sa ilalim ng panyo..

That GANGSTER is my GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon