Chapter 30.1 -Back to normal

62 3 0
                                    

--------

FROST POV

Mabilis na lumipas ang three weeks, at nakalabas na rin ako ng ospital.

Ayoko rin kasi na magstay sa ospital ng matagal.

Medyo back to normal naman ang lahat.

Nagback out na kami ni adrian sa play na dapat kami ang gaganap, dahil na rin sa nangyari sakin..

Kami naman ni adrian, ito masaya naman. Siya yung nag alaga sakin hanggang sa makalabas ako ng ospital.

Kahit tumatanggi ako, eh wala eh. Ayaw papigil eh.. Kaya hinayaan ko na lang..

*knock.. knock..

"Yes?"-ako

Bumukas naman ito..

Nandito ako sa mansyon ngayon.

Kung tatanungin niyo si papa? Unfortunately, nasa prison siya ngayon.. Dahil nga dun sa nangyari.

Nakita ko ang maid namin.

"Lady Frost, nasa baba na po si Sir Adrian."-maid

Ngumiti naman ako at tumango..

"Susunod na ako. Salamat.."-ako

Nagbow naman siya tsaka siya lumabas.

Kaya naman, kinuha ko na yung handbag ko at lumabas na rin.

Simple lang ang suot ko..

Pupunta kasi kami ngayon sa doctor ko, gusto kong ipa check yung sugat ko na to.

I'm wearing my gray backless halter maxi dress, white flats sandals, then nakalight make up lang with red mac lipstick tapos naka bun yung hair ko..

Pagbaba ko, agad akong sinalubong ni Adrian.

"Hi."-nakangiti niyang bati

Naka walking shorts lang siya tapos polo shirt.

Gwapo pa rin..

Ngumiti naman ako..

"Hi."-bati ko rin sa kanya

Tsaka niya ako hinalikan sa noo..

"Ako na magdala ng bag mo."-pagpresinta niya sabay kuha ng bag ko sa kamay ko

Di na ako nakatanggi pa.

Inalalayan na rin niya ako pababa tsaka kami tumungo sa labas at sumakay ng kotse niyang dala.

Dala niya yung red sports car niya..

Bago pa niya paandarin yung kotse, ngumiti muna siyang nakatingin sa kin..

"Ready?"-siya

Tumango naman ako habang nakangiti bilang sagot.

Tsaka na siya nagdrive papuntang doctor..

"Okay na yang sugat mo. Araw araw mo naman siyang nalalagyan nung binigay kong gamot eh. Mabilis na lang din yan. Siguro mga after two weeks, okay na yan."-dr

Ngumiti naman ako.

"Salamat po."-ako

"So, musta naman kayo ni Adrian na? Okay naman kayo?"-dr

Alam niya ang nangyari nun.. Family doctor kasi namin siya..

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Okay naman po kami."-ako

Tumango naman siya..

Tsaka na rin ako nagpaalam..

Paglabas ko ng clinic, nakita ko si Adrian na may kausap na batang babae..

Nilapitan ko naman sila..

Agad naman niya akong nakita.

"Babe.."-siya

Ngumiti naman akong tumbi sa kanya..

"Anyway, ito pala si ella. Kakakilala ko lang sa kanya. Ella, ito yung kinekwento ko sayo kanina. Siya si ate frost."-pakilala ni adrian

Ngumiti naman ako kay ella.

Napansin kong namumutla ito at tila nanghihina na rin.

"Hi."-ako

"Hello po. Tama po pala si Kuya Adrian, maganda po kayo."-ella

"Thank you. Ikaw rin."-ako

Alangan siyang ngumiti..

"Salamat po."-siya

Ngumiti naman ako.

Saktong bumulong si adrian sakin.

"Brain tumor."-bulong ni adrian

Gulat akong napatingin kay adrian sumunod kay ella.

Alangan lang siyang ngumiti..

"For real?"-gulat kong tanong

Tumango naman si Ella..

"How old are you?"-ako

"8 po."-siya

Parang nalungkot naman ako. At tila madurog ang puso ko..

8 pa lang siya tapos may ganun na siyang sakit? Shocks!

"Hm.. Gusto ko lang sana itanong kung anong stage ka na? Baka naman pwede pang magamot."-ako

Umiling naman siya..

"Malubha na po eh. Stage 3 na po."-ella

Napalunok na lamang ako at di na nakapagsalita.

Nagkatinginan naman kami ni adrian.

Kahit siya malungkot na rin ang mga tingin niya..

I sighed tsaka ko niyakap si ella..

"It's nice meeting you, ella.. Be strong, okay?"-ako

Ngumiti naman siya..

"Opo."-siya

Tumango naman ako, tsaka na kami nagpaalam ni adrian sa kanya..

Nakakaawa naman siya..

Shocks!!!

"You okay?"-adrian

Napatingin ako sa kanya.

"Hm. Yeah. Naaawa lang ako sa bata."-ako

Tumango naman si adrian bilang pagsang ayon sa kin.

"Me too."-siya

Tsaka na kami sabay na tumungo sa kotse..

------

That GANGSTER is my GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon