Chapter 27.1 -Can't Resist

86 3 0
                                    

---------

ADRIAN POV

Agad naman akong tumakbo papuntang elevator..

Buti at agad kong naharangan ng kamay ko ito..

Nakita kong nagulat din si Frost..

Pero di ko na ito pinansin..

Agad na akong tumungo sa loob ng elevator..

"F-Frost.. P-Please.. Pakinggan mo ko.."-pagmamakaawa ko

Hindi siya tumitingin sakin..

Hinawakan ko naman siya sa magkabilang braso para makaharap sakin..

Napasinghap ako nang makita ko siyang umiiyak..

Halos napatigil ako..

"F-Frost.."-ako

"Bakit mo ginawa yun? Bakit mo nagawang maglihim sakin? Ha?"-matamlay niyang tanong

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya..

Kahit tuloy ako, di na rin alam kung paano sasagutin yung tanong niya..

She smirked..

Tsaka niya inilayo ang sarili sakin at marahas na pinahid ang mga luha nito..

"Nevermind.."-tipid niyang sabi

"Frost.. Hindi namin sinasadyang gawin yun. Ginawa ko lang yun dahil akala ko yun ang isa sa solusyon para matanggap ako ng dad mo. Alam ko naman kasing una pa lang, di niya ako magugustuhan eh. Ginawa ko yun para mapatunayan sa kanya kung gaano kita kamahal at kayang ipagtanggol tulad ng gusto niya.."-paliwanag ko

Hindi siya sumagot basta na lang siyang napapailing..

"Without telling me? Sana naman, sinabi mo man lang sakin. Kesa yung wala akong kaalam-alam.."-siya

I sighed tsaka ko siya nilapitan..

Hinawakan ko siya ulit sa magkabilang braso tsaka siya tinitigan sa mga mata..

"Yun ang alam kong mali ko.. Sana sinabi ko na lang agad. Pero, wala naman talaga akong plano na ilihim ng matagal sayo eh."-ako

Tumingin lang siya sakin at di sumagot..

"I'm sorry."-ako

Nang biglang..

~tuuuuuugs!

Sabay kaming napakapit ni Frost sa tabing steel bar dito sa loob ng elevator..

Tapos biglang nagpatay sindi yung ilaw at tila na stuck yung elevator na ewan..

"You okay?"-tanong ko sa kanya

Tumango naman siya..

"What happened?"-siya

"I'm not sure.."-ako

Tsaka ko pinindot yung emergency button..

Pero walang nagrerespond..

Kaya naman, chineck namin yung cellphone..

"No signal.."-sabay naming sabi habang nagkatinginan..

"Sht!"-rinig kong bulong niya

Malakas naman niyang kinakalabog ang pinto ng elevator at sumisigaw..

Napasandal naman ako sa wall..

Ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng init..

Kaya sandali kong hinubad yung leather jacket ko.. Kaya naka shirt lang ako..

That GANGSTER is my GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon