Jessie's Point of View.
Time checked 6:30AM. I need to wake them up now at baka magalit na naman yung boys kapag walang pagkain sa hapag.
Pinuntahan ko si Samantha sa ibabaw. Nasa taas kasi ang kanyang higaan tapos sa ibaba naman si Jona. Akin lang yung extended na kama na nasa ilalim ng double-deck. "Sam, Sam." I tried to wake her up pero mukhang di ata sya gigising. She even took her blanket back.
Aggh. Ang hirap gisingin ng malditang 'to. Si Jona na nga lang, "Jona Jona, gising na pleaseee."
"Ayoko, mamaya na. Yung boys..." tapos nakatulog ulit s'ya. Wala rin, tss. Si Ronier na nga lang at baka makatulong sya.
Pinuntahan ko ang boys room.
*tok tok*Agad iyong binuksan ni Ronier. Mabuti naman pala at gising na sya ng ganito kaaga kaso ang sama ng bedhair nya. Hahaha, but it looks good on him.
"Bakit, Jessie?"
"E kasi ayaw gumising ni Jona at Sam kaya ako na lang ang tutulong sayo magluto."
Napatingin sya sa kanyang dalawang kasama. "Kaso wala pang panggatong. Kailangan pang gumising nitong dalawa."
Oo nga pala. Yan yung tinakbuhan ni Ajay at Kian kahapon. "K-Kung ganun, if it's okay. Tutulungan na lang kita sa paghahanap ng panggatong." Kahit hindi ako kalakasan, gagawin ko.
"Ah sige, mukha ka namang masculado. Teka, magjajacket lang ako," sabay sara ng pinto.
A-Ang bastos! Masculado ako? Ano ba naman yan! Hindi ako masculado no. Chubby ako pero hindi malaki ang katawan ko. Karapat-dapat ba yung sabihin sa isang babaeng katulad ko? Lumabas rin sya agad matapos magjacket, malamig kasi dito sa cabin kapag umaga until 8AM. Nasanay na rin kami sa lamig at buti nagdala kami ng jacket. Maliban kay Sam na nanghiram lang sa 'kin. Meron naman siguro syang jacket kaso walang hood.
"Tayo na."
Tinitigan ko sya pagkatapos n'yang sabihin iyon. My heart was beating insanely fast. Ang gwapo nya kasi sa jacket nya, bagay sa kanya ang kulay red. But, violet ang favorite ko. "Saan ba ang mga panggatong?"
"Nasa kubo, help me okay? Sabihin mo lang kung hindi mo kaya."
Tumango ako. Double meaning ata yung "tayo-na" word. What am I even thinking? Erase thoughts, erase, erase.
Binasag ni Ronier ang katahimikan namin. "What should we do? Mukhang ganun na talaga sila, hindi na sila babait pa." Tinutukoy n'ya siguro ang mission impossible namin.
Tumango ako, "Oo nga e, maybe let time managed everything for them."
"Sa bagay."
Nang nakarating kami sa kubo, kumuha ako ng dalawang nakatali na kahoy. Mukhang tinalian na ata nila ito. Tapos si Ronier naman kumuha ng SAMPUNG bunch. Waaa, k-kaya nya ba ang ganyan karaming kahoy?
"M-Mabigat ata yan ah."
"Ha? Hm, not really. Ang gaan nga lang."
Sa bagay, lalaki naman sya kaya malakas. While me? Wala nga talaga siguro, hindi nga ako marunong magwalis at maghugas. Tinuruan pa ako ni Ajay kahapon, si Jona tinuruan akong magwalis. Tapos si Ronier, he taught me how to feed a pig. Ang bigat nung balde kahit two tabo lang ang laman nun. Mas nafefeel ko na ang mga salita ni sir RJ sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/108801688-288-k353700.jpg)
BINABASA MO ANG
Living with Royalties | Editing
HumorFORMER TITLE: CAMP ROYALTY Six wealthy teeanage royalties. Six spoiled brats. Six different personalities. Living in one roof! What could go wrong?