CHAPTER 17 (ver. 02)

478 19 0
                                    


"Jealousy is part of being inlove. Now you know why you're jealous." ( *walang lovelife )

Playlist: Ikaw at Ako by TJ Monterde

-----------------------

The continuation for Ajay's POV.



Ajay's Point of View.

- Camp Royalty -

Hindi ako ang naunang dumating, well, i basically thought I was. "Oh, pre, hello," bati ko sa kanya. Mukha pa namang mahiyain.

"H-Hello din," bati nya pabalik.

Naupo ako sa vacant seat kaharap nya. Ang tahimik nya masyado, hindi ko maatim. Tapos, isa-isa na silang nagsidatingan, including Jona. When she saw me, she was shocked not knowing kung bakit ako andito. Hahaha, inismidan ko sya dahil sa kanyang reaksyon.

Nagkwentuhan muna kami ng konti at nagpakilala kaming apat sa isa't-isa. Until those two snobbers came in, especially Samantha na napakataray at maldita. Pero i know her kind, may pinagdadaanan lang yan.



- Camp Royalty ( first week ) -

Nagka eye-to-eye contact kami ni Sam, maybe she's trying to say something pero hindi ko lang magets. Di naman ako bobo, hindi talaga! =.=v

"What is it? Do you want to say something?" I asked, she keeps glaring at me.

"Ikaw. You look so familiar, nagkita na ba tayo sa bar? Odie's Bar?"

Napuno ng question mark utak ko. "Um.. nagpupupunta ako dun pero hindi kita natatandaan."

"Of course, it's hard for you to remember me. I'm one of the best staff na nagseserve ng pinaka the best na inumin. Palagi ka dun pumupunta kaso palagi kang nalalasing ng maaga so paano mo ako makikilala?"

"Ah.. oo nga no. Hahaha, kilala mo ba ako?"

"I don't know you, but, I know kung bakit ka laging naglalasing," nagtaka ako sa kanyang sinabi. What does she mean by that? "Jona, you keep on murmuring that name kapag lasing ka. si Jona ba na Jona ang tinutukoy mo?"

Natameme ako sa kanyang sinabi sa 'kin. Huwaaatt? Bakit ko naman sasabihin ang kanyang pangalan?

"Hindi mo lang napapansin dahil sa kalasingan pero yun ang palagi mong sinasabi," she smirked at me. "You love her but, you won't admit it and you can't accept it. Something's bothering you the whole time."

"Paano mo-"

Di nya ako pinatapos kasi inarapan nya ako bigla at nagpuntang banyo. Maliligo pa kasi sya no'n. First week sa camp, may nakakaalam na nang sikreto ko. Kaya I decided that I should pretend to court her and she'll pretend to be the bait. Pero, walang achievement na nangyayari.





- Camp Royalty ( Third Week ) -

Ando'n sya sa may itaas ng puno. Takot talaga akong malaglag sya kaya pinupunntahan ko sya dun. We chitchat a little and nagkaroon ako ng chance na i'open up yung topic about kay Samantha. Maybe if she'll get jealous, I can assume na may gusto din sya sa 'kin kahit papano.

Kaso mission failed. She laughed and she was acting normal. Haaayy, I gave up, I almost gave up pero di pwede. I need to make her realize that my feelings for her is difficult to understand. Ngayon lang ako nagkaganito sa buong buhay ko. At napaka complicated ng sitwasyon because, I am her bff and I think she's expecting better from me. She's expecting the best from me since i am her bestfriend at takot akong masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya.







- Camp Royalty ( present ) -

Noon, tinanong ko ang sarili ko kung may mas sasakit pa ba sa sakit na naramdaman ko noong hiniwalayan ako ni Iya and yes, there is. Seeing her cry because of me.. ang sakit tingnan. Hindi lang utak ko ang sumasakit, pati na rin ang puso ko na nagdadalamhati. Double kill!

And now I'm here inside our room. Lying like a pig in my bed, waiting for a miracle to happen. Wala na, sirang'sira na ang relasyon namin ni Jona.

Biglang may nagtapon ng unan sa mukha ko. "Aray!! Ano ba? Sino bang- J-Jessie? Akala ko naman kung sino."

"Hm.."

"Bakit mo naman ako tinapunan ng unan ha? Anong kasalanan ko?"

Hindi nya ako sinagot, instead she karate chop my biceps. Ano bang ginawa ko? Hindi ko talaga gets ang mga babae!! "H-Hoy, ano ba. What the eff, Jess?"

"Bakit mo inaway si Jona? Iyak sya ng iyak pagdating nya sa kwarto. Anong ginawa mo ha? Anong ginawa mo?!" she keep punching and chopping me.

Ako naman tung todo shield sa sarili ko. "Teka, teka, di ko naman sya inaway physically and verbally."

Tumigil sya kakarate sa kin. "Ano? Di ko gets. Ano pa bang klase ng away ang pwede?" Inosente nyang tanong.

Aaayyy. Mas manhid pa 'to sa 'kin e. Tsk, tsk. Di ko pa nga naibubuka ang bibig ko no'ng may nagsalita na agad. "Mentally and emotionally. Yun, pwede pa yun," singit ni Ronier.

"Ron, ikaw pala," tuwang sabi ni Jessie. Umiwas rin sya agad ng tingin.. ay may something.

"Hm. Aish, hoy, Ajay. Alam mo tigilan mo kami sa pamanhid-manhid mo na yan. Di kayo maglelevel up ni Jona pag ganyan ka, umamin ka na kasi. Alam naman namin na may gusto ka sa kanya diba?" pinandilatan nya pa ako ng mata.

Napayuko ako sa kanyang sinabi. I don't know exactly what to do. I don't know anything about love, ang alam ko lang ay ang maging ganito. Maging isang di mabuting kaibigan at bestfriend kay Jona.

"Tol, kung iniisip mo na di ka nya magugustuhan, bwes nagkakamali ka," seryoso nyang tugon. "Di naman yun iiyak kung di ka nya mahal e. Umiiyak ang babae sa madaming dahilan, pero pag ang lalaki umiyak, isa lang ang dahilan.. babae."

Aba, "at kailan ka pa naging love guru, Ron?" - Jessie.

"Hehehe, napapanuod ko lang sa sinehan."

Binatukan ko sya agad. "Walangya ka Ron.. pero salamat tol." natauhan ako bigla at nagdesisyon na sabihin na sa kanya ang totoo.

This time, I will accept everything no matter what the consequences are. It's still worth it, because I love Jona. Di lang dahil sa bestfriend ko sya, kundi dahil mahal ko sya.

----

Kindly Vote and share!

Living with Royalties | EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon