Chapter 1
Hindi ako yun.
Sumulyap ako sa bintana ng eroplano. Ang gaganda ng mga ulap. Sa kulay asul na puting ulap mahahalata mong wala itong problema. Nakakainggit. Sana ganito kakalma ang buhay ko. Yung tipong puro kasiyahan lang at walang problema.
"Good morning passengers. We are now in Vancouver, Canada. Fasten your seatbelts. We are now going to land. Thank you."
Inayos ko ng maigi ang aking seatbelt. Ito na. Nandito na ako.
"Welcome everyone to Vancouver International Airport."
Bumaba na ako ng eroplano. Napakaganda ng paligid. Malinis. Masarap sa pakiramdam ng pagdapo ng hangin sa aking balat. Malapit ng magwinter.
"Madam, this way please." sambit ng lalakeng nagsundo sa akin.
"Oh. Okay"
Sumunod na lang ako sa lalake. Sinuyod ko ang buong itsura ng airport. Grabe ang ganda nito.
This is my first time here in Canada. I never planned to go here kahit buhay pa sila mommy at daddy. Siguro dahil sa malayo din ang byahe at wala din akong kakilala. Madalas kasi nasa Taiwan, Thailand, South Korea, China ako. Basta malapit lang sa Pilipinas. Nakakatamad kayang magbyahe. Bukod sa nakaupo ka lang, boring pa. Saka ang bussiness kasi namin nasa sakop lang ng Asia kaya ganun.
Kinuha na ng lalake ang bagahe ko at lalabas na kami ng arrival area.
Ayon kay Gray may susundo daw sa akin. Lalakeng naka plain white t-shirt at khaki shorts. May kulay blonde din na buhok. Kaya agad kong hinanap ang may ganung itsura pagkalabas ko. Pero wala naman may ganung damit. Pero may lalakeng blonde ang buhok. Agad kong nilapitan ito.
"Dylan? Are you Dylan Homer?"
Ngumiti ito, "Quira Jemeniz?" sagot nito na may pagka tunog ang accent. Tss. American accent is not my type.
"Yes."
Inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands sa kanya. Ganun din ang ginawa niya. Kitang kita mo ang pagflex ng mga muscles niya pati biceps. Fvck! Ano ba to. Nakarating lang ako ng Canada naging manyak na ako. Ugh. Ang sakit nito sa bangs.
Kinuha niya ang baggage ko sa lalakeng nagdadala nito kanina. Ang gwapo niya. Infairness, american eh.
"Ahm.....Dylan, I just want to ask if err...." Fvck. Kahit anak mayaman ako at nagkapag-aral sa exclusive school mahirap pa rin sa akin ang english noh. Lumaki ako ng tagalog ang salita.
I hate english. Kaya nga sumasakit ang ulo ng mommy ko sa akin kasi laging 75 ang grades ko sa english. Never pa akong nakakuha ng 80 above na grades. Kaya isang madaming fvck fvck fvck ang english para sa akin.
"Yung bahay ba?"
Potanginang kabayo.
"Nakakapagtagalog ka?" sigaw ko dahil sa inis.
Tumango ito.
Tumataas na ang dugo. Kumukulo na. Malapit na sa 100 degrees. Marunong siyang magtagalog pero di niya sa akin sinabi agad!!! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng mga english words kung present, past or future tense ang gagamitin ko para lang maayos yung grammar ko tapos...???? TAPOS!!! UGH. P U N Y E T A ...
Nagdabog na ako palayo sa Dylang amerikanong yun. Baka mapatay ko ng wala sa oras. Magandang bungad ang inialay mo sa akin Canada. Na appreciate ko. Too much. Hindi ko na kaya grabe. Ang sakit niya sa anit at bangs.
